Katapos nilang kumain sa canteen, napadesisyunan na ng dalawa na pumunta sa kani-kanilang mga kwarto. Sa mga oras na sila ay magkasama, parang binawi nito ang mga panahon na hindi na sila nagkita tatlong taon na ang lumipas. Kumukuha ng damit si elma upang maligo at lalabas na sana nang tinulak siya nila Cynthia kaya siya napasandal sa pintuan at kinorneran din. “H-Hindi ko nahanap ang pinapahanap niyo, Cynthia? Wa-la… naman atang gano’n sa silid-aklatan” Dikit ang mga kilay ni cynthia at nauuhaw na naman siya upang gantihan si elma at i-bully. Humakbang siya papalapit kay elma."Sino ‘yong kasama mo?! Grabe ka elma, hindi ko alam bakit maraming nagkaka-crush sa’yo! Hindi ka naman maganda!” she flipped her hair and snobbed, “Mas maganda pa rin ako sa’yo no!” inarte niya. Napa-ubo na

