Chapter 4

3007 Words
"Martha!" Isang sigaw ang narinig ko sa di kalayuan habang nakatitig pa rin ako sa shop. Biglang may humawak sa aking kamay, "Martha, ayos ka lang?" Lumingon ako at nakita ko si Eli at ang kaniyang mga mata na puno ng pag-aalala. I sighed and nodded at him. Lumingon ulit ako sa shop at unti-unti itong nagfa-fade. "Alam mo Eli, noong nasa mundo pa'ko, kahit sinong tao tinatapangan ko. Kilala ko man o hindi bigla nalang ako nagagalit. I was like a monster. Pero... Ngayon," lumingon na'ko kay Eli, "Nalaman ko na dapat maging sensitibo tayo sa mararamdaman ng tao" Elias interlocked our hands kaya napatingin ako ro'n. "You deserve a reward" sambit niya. Ngumisi ako, "Reward for?" "Basta! Halika, may pupuntahan tayo" Nauna siya at nasa likod niya ako. Ngumingiti pa siya habang ako nagtataka. Saan na naman ba kaya ako dadalhin nito? "Saan ba tayo pupunta? Sa isla ulit?" "Hindi do'n" humarap siya sa'kin at ngumingiti kaya napapangiti na rin ako, "Ready kana?" Kumunot noo ko, "Saan?" Lumapit siya sa tenga ko at may binulong, "Close your eyes" tumaas ang mga balahibo ko sakaniyang bulong. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa bewang ko kaya naman mas kinabahan ako. "Ano bang ginagawa mo, bakit-" "Open it" he whispered. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa gulat. "Wow", naging bulong ang sinabi ko. "Main Field ang tawag naman dito", biglang sabi ni Eli. Parang isang buong kalawakan ang nakikita ko. Madilim na paligid at mas nakikita ko ng malapitan ang mga comets at shooting star. Nang nilingon ko si Eli, nakahawak pa rin siya sa bewang ko at ang isang kamay niya ay nakapamulsa habang nakatingala at pinagmamasdan ang magandang kalawakan. "Paanong...?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko, "I told you, in Heaven, everything you want to think will give you freely", hindi pa rin siya lumilingon. I pouted. "Ibig sabihin hindi 'to totoo? Imagination lang natin 'to?" Tumango siya. "Akala ko naman totoo na nakikita ko", hindi ko maalis ang mapait na tono. Lumingon siya sa'kin. "Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya. "Huh? Uh, ano masaya. Ngayon lang kase ako nakakita ng ganito. Sa buong buhay ko kase hindi pa'ko nakakita neto" Bumaling na ulit siya sa kalawakan, "Totoo man o hindi, parehas lang. Walang pinagkaiba. Makikita at mararamdaman mo rin 'to kung paano ka nakakakita ng totoong kalawakan" Ngumiti ako, "Ang ganda" "Sobra" bulong niya, "Sobrang ganda" "Yung mga bituin, Eli. Ang ganda. Ang ganda nilang kumikislap sa madilim na kalawakan" "Sobra" Kumunot ang noo ko at dahan-dahan lumingon sakaniya. Nakita kong sa'kin siya nakatingin. Nanlaki ang mga mata niya nang nakita niyang nasa kaniya na ang tingin ko. Bigla siyang lumingon sa harap at tumingala, "P-Pwede rin tayong bumalik kahit kailan mo gusto", nauutal niyang sabi habang namumula siya. Bigla niyang binitawan ang bewang ko at humiga sa may damuhan. Ginawa niyang sandalan pang-unan ang kaniyang braso, habang nakatingin siya sa itaas. Kinuha ko ang isang kamay niya at ginawa ko 'yon sandalan sa ulo upang humiga. I saw how he swallowed hard which defined his adams apple. Tumingin na rin ako sa itaas at nanatali kaming tahimik ni Eli. I cut the silence and ask him. "Eli..." "Hm?" His voice become whispered with bit husky. "May namimiss ka ba sa mundo?" Hindi agad siya nakasagot. "Wala na", tipid niyang sagot. Tumango ako, "Ako kase, oo. Madami. Si Ezrah, mga empleyado ko, sina ate Betty tsaka yung mga maids ko, namiss ko rin yung trabaho ko". I left a heavy sighed. Naramdaman kong lumingon si Eli sa'kin at kapag lumingon ako sakaniya, konti nalang at mahahalikan ko na siya. I felt his hot breathe on my cheeks "Gano'n pala talaga no? Kung kailan wala kana, doon mo makikita yung mga halaga ng taong iniwan mo sa mundo. I wonder if they mourn my death. But... I think they're not. Lagi ko silang sinisigawan, lagi ko silang inaaway, wala na ata akong naiwan na magandang ala-ala sakanila" "You're wrong", bulong niya. "Paano mo nasabi?" "Hindi ka naman mapupunta sa langit kung walang mga taong nagdarasal para sa'yo. Para sa kaluluwa mo" "Bakit gano'n? Ang dami kong nagawang kasalanan sakanila, bakit kailangan gawin nila 'yon?" "Because they love you", tumingin na ulit siya sa taas. "Love is powerful of all. Ang pagmamahal kaya kang buhayin, pero kaya ka rin patayin. Lahat ng meron ka nung nabubuhay ka palang, hindi mo madadala sa langit. Pero ang pagmamahal, kahit saan ka man mapunta madadala mo. Sa mundo man 'yan, kalawakan o langit. Love is always within us, naturally" "Do you ever fall in love?" Humarap ako sakaniya nang nakapahalumbaba, nagulat siya sa ginawa ko. "O-Oo naman" "Ohhh? Nung nasa earth ka pa? Sino? Anong nangyari? Tragic ba?" Sunod sunod kong tanong. "Oo tragic. Matagal na 'yon. Hindi na niya 'ko naaalala" "Aww, sino 'yon?" Tumingin siya sa mga mata ko, "Gusto mong malaman?" Tumango ako, "Oo. Sino ba?" Ngumisi siya, "Tanong mo sa kambing, sasabihin niya" "Huh?!" Tumawa siya at hinampas ko ang dibdib niya. "Pinagloloko ma ba'ko?! FYI, bawal 'yan dito!" "Ano bang sinasabi ng kambing?" Tumatawa pa rin siya at kumunot ang noo ko. Umupo ako, "Tss, ano edi Meeee, Meee, Meeee" ginaya ko pa ang tunog ng kambing. Tumawa ako at naluha pa dahil sa kakatawa. Nang tumingin ako kay Eli seryoso ang kaniyang mukha, "'Yon ang ang sasabihin niya" Kumunot ang noo ko pero natatawa pa rin sa sariling kalokohan, "Huh?! Ewan ko sa'yo" Humiga ulit ako sa kaniyang braso at tumingin sa taas. "Martha..." "What?" "Would you rather live or die?" Lumingon ako sakaniya dahil sa gulat at nakatingin naman siya sa taas. Humarap ulit ako sa kalawakan. "I don't know. Gusto ko na kung anong meron ako dito, walang problema, walang gulo, walang toxic, walang pagkakamali. But... Honestly, I also want to live. At kung mabubuhay man ako, gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. You know what, kahit miserable akong tao, gusto ko pa rin mamatay ng payapa at tahimik" Tumayo siya at naglahad ng kamay sa'kin habang nakapamulsa ang isang kamay. Kumunot ang noo ko tsaka ngumisi, "Saan na naman tayo pupunta?" "I know you miss something", his jaw clenched. Sumama ako sakaniya at hinawakan na naman ang kamay ko. May nakita kaming isang bike sa may mataas na puno. Kinuha niya 'yon at sumakay siya, "Umangkas ka". Biglang sumakit ang ulo ko na para bang tinutusok ito, binitawan niya ang bike at dinaluhan ako. "Ayos ka lang? Martha?" Pinikit ko ang mga mata ko habang hinahawakan ang ulo ko. A memory flashed in my head, like something's hitting in it. ~Flashback~ Dinala ako ng isang ala-ala kung saan may nakatayong isang malaking puno, at tahimik ang buong kapaligiran. May isang batang lalaking naghihintay at sa tabi nito ay ang bike. "Elma!" Sumigaw ang batang lalaki at kumaway sa di kalayuan. Tumingin ako kung saan siya kumakaway at nakitang isang batang babaeng pamilyar ang nakita ko. A girl seems like aging a 9 years old I guess. Naka ipit ng braid ang kaniyang buhok. A simple young girl, walking near on the young boy. "Eto p-pala yung ibibigay kong libro, sana basahin m-mo", mahiyain ang batang lalaki. "Naku, oo naman no! Eto pala yung librong pinahiram mo sa'kin no'n. Alam mo ang ganda pala ng story no'n! Naging ginto yung buhok niya, gusto ko rin ng gano'n", hinawakan ng batang babae ang buhok niya. The young boy caressed the hair of the young girl, "Maganda naman ang buhok mo, Elma" ngumiti siya sa batang babae. Ngumiti ang batang babae na si elma. How cute to see them being so happy and satisfied, but what am I doing here? Who are these kids? Suddenly, I felt my tears falling down. ~End of flashback~ "Martha? Is there something wrong?" hinihingal akong lumingon kay Eli habang hawak hawak ko ang aking ulo at hawak niya ako sa aking braso. "May naalala lang", ngumiti ako sakaniya at lumapit sa may bike. Kung ano man 'yon, sabi nga ni lorry, normal na may makalimutan ako rito sa langit at may maalala ako. "Marunong kang mang-angkas?" Lumingon ako kay Eli at ngumiti siya ng pilit. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako, "Siguro kang ayos ka lang, martha?" Tumango ako sakaniya, "Hm, oo" "Tara, may pupuntahan tayo" Tumango ako at sumakay sa upuan sa likod niya. Hinawakan ko ang damit niya para hindi ako mahulog, tahimik kaming nakapunta sa isang malaking arkong nakatayo. "Eight Park?" Tanong ko nang nakababa na sa bike. "Yup, tara" "Bakit eight?" Lumingon ako kay Eli tsaka pinagsiklop niya ang aming kamay. "Endless. Walang katapusan, kahit saan ka pumunta rito, walang dulo" Tumango ako at nagulat sa nalaman. "Cool", bulong ko. I was mesmerized by this place, akala ko iyong amusement park na huli kong napuntahan ay iyon na ang pinakamaganda, meron pa pala. And I witness it, here in heaven! Pumunta kami ni Eli sa isang shop. Puro delicacies ang makikita mo, cake, ice cream, bread, coffee and tea. Umupo kami ro'n at parang mundo ang ginagalawan ko, may lumapit samin "Can I take your order ma'am, sir?" May hawak hawak siyang menu at nakangiti. "2 sansrival cake and a chocolate ice cream, dalawa" Tumango ang babae at umalis na. Nanlaki ang mga mata kong humarap kay Eli na sa akin na ang mga tingin. "Gusto mo rin 'yon?" ngumisi ako, "I really love those food" "I like it because you do", seryoso ang mukha niya while he keep on digging what's on my eyes. Afterwards, dumating na yung in-order namin. I don't know why he keep on looking at me without even talking. He is licking his ice cream while staring at me, oh wow! How could he remained so calm? "Uh, uhm. Do you wanna play a game?" Tanong ko sakaniya habang namumungay na ang mga mata niya. "Sige lang" tipid niyang sagot. I furrowed my brows, minsan talaga hindi ko maisip ano ba siya bilang tao. Sometimes, he smiles was sweet as these desserts. But most of the time, here he is, being serious and cold-hearted person. "Anong game?" Tanong niya. Tumingin ako sa taas, "Oh! Have you ever, game". Tinaas ko pa ang hintuturo na para bang may naisip ako. He crossed his arms, "How is that?" "Simply, we are going to ask each other kung nagawa na natin ang isang bagay. So, we must put our 10 fingers up at ibababa lang if we have ever experienced on the given question" "Is that all? Ano ang premyo at parusa, kung gano'n?" Yeah, that actually suits for a drinking game kaso nala langit pala kami. Hehe. "Uhm, no need to win or loose naman. Perhaps, this will be the way so we can know each other" "Go on, martha" I jolly clap my hands and I closed my left hand infront of him, kaso tinignan niya lang ito. "Jack n poy tayo so we can know sino mauuna" Ginawa nga namin 'yon at siya ang talo. Ako ang unang nagtanong. "Okay, Have you ever fantasize a girl or man which more older than you?" I giggle and put down my one finger while he isn't. "Weh? I doubt it!" Humalakhak ako at seryoso naman siya. "Totoo nga" "Uh-huh? Why?" Hindi nawala ang tawa ko. "I'm not interested", suminghap siya at iniba ang tingin. "Uyyy, guilty siya. Don't deny it, it's okay" "Tss, ako na ang magtatanong" bigla niyang pagsingit. Tsk, daya. Nagtaas lang ako ng kilay sakaniya. "Have you ever gone a fire incident?" He seriously asked. "No!" Sabay iling ko and I remained my finger up while he put his finger down. "Ohhh, kailan?" Biglang sumeryoso ang tono ko. "Since, I was a child" My mouth turn into round and I feel so shocked. "Tell me more about it" "Childrens being burned. Orphanage was gone. Childhood was ruined" Nalungkot ako sa sinabi niya, "Sorry" "Ayos lang, I survived anyway" Tinuloy namin ang pagtatanong at halos ako ang natatalo but as what I've said, wala naman parusa or premyo 'to. Tatlo nalang ang natirira sa'kin habang siya ay pito pa. "Next, have you ever regret not telling to someone how you feel?" Tanong ko at natahimik siya. He slowly put his finger down. "Really? That must've be hurt", I pouted. He tried to smile, "Ayos lang 'yon, siguro kung sinabi ko nga sakaniya na gusto ko siya baka hindi niya pinili ang buhay na meron siya. She is sensitive to care someone's feeling. At her young age, she knows how to choose a decision on her own" "Pero... Gumawa ka naman siguro ng paraan diba? Para mapakita sakaniya?" "No, I haven't. I let her live the life what she deserves. Yung buhay na alam kong hindi ko maibibigay sakaniya. She'd come so far. And I think I didn't regret my choice for that. The only thing I regret... was not able to give the love what she deserves in that cruel world. Iyon ang wala sakaniya. She have everything she want, but not the love" I sighed and pouted. I held his hand and hold it. "Don't worry, kung hindi mo man naparamdaman sakaniya 'yon nung nabubuhay ka pa, then maybe here in heaven you might have your chance. I'm sure, there will be a tears in her eyes for every words she'll hear. She's lucky, I mean... She's blessed". Ngumiti ako sakaniya. I saw the edge of his lips curved into smile. "I think I won", he whispered. "What?!" Natawa ako sa sinabi niya. "W-Wala! Tama na, panalo na'ko", umayos siya ng upo at biglang tumayo tsaka niya nilahad ang kanang kamay niya. Hinila ko ang kamay niya para maupo, "Hindi pa tayo tapos, mananalo pa'ko" "Tss. Competitive talaga", ngumisi siya at tinuloy na nga namin. Isa nalang ang sa'kin at lima pa ang sakaniya. Hindi, mahahabol niya pa'ko, may chance pa. He faked his cough, "Have you ever tied in a situation wherein you have to saved yourself before anyone else?" I pouted and blink my eyes. Iniikot ko ang mga mata ko at hindi binababa ang isang finger ko na para bang hindi para sa'kin ang tanong niya, tsk. "Hey, walang madaya. Bawal 'yan dito", seryoso ang mukha niya pero ang tono bakas ang pang-aasar. Badtrip naman 'to! Binagsak ko sakaniya ang tingin at mariin kong binaba ang natitirang daliri ko. Okay, he won. I slowly clap my hands but I glanced at him with a sarcasm. He crossed his arms and smirked, "What now?" He asked. "Hindi ako naniniwala, kahit naman siguro sa isang pagkakataon nagawa mong piliin ang sarili mo laban sa ibang tao, right? Are you saint? A patron? Tsk, at once I'm sure naging selfish ka rin" Umiling siya at malalim ang tingin niya sa mga mata ko na parang may hinuhukay. "Hindi ako gano'n" I laugh bitterly, "I doubt it" "I told you we are different", natahimik ako dahil sa ekspresyon niyang walang emosyon, "Nung buhay pa'ko, sinabi ko sa sarili ko na ako naman. Ako muna. Pero hindi ko kaya, parang habang buhay kong pagsisisihan ang hindi pagpili sa buhay ng ibang tao. I want them to live more so they can know what is the deepest meaning of life, it is not just about breathing and collecting the things you want. For me... Life is about love. If you have love, then you can survive" Kumunot ang noo ko at hindi pabor sa sinabi niya, "Mali ka, Eli", his brows furrowed, "Money, money is the way for survival. Sa pera kahit ano pwede mong makuha at magawa. Kapag ba nasa mall ka sasabihin mo pabili po ng prada na bag, eto po yung bayad ko, pagmamahal. Keep the change. Like, hello? Sa mundo, hindi tinatanggap ang pagmamahal, dahil pera ang importante. Pera ang mahalaga para mabuhay" "Pero nagiging masaya ka nga ba sa tuwing nakukuha mo ang gusto gamit ang pera? Tanong niya. "O-Oo! Oo naman!" Sagot ko. Tumango siya, "Kung gano'n, hindi ka nagsisisi na namatay ka na? Dahil sabi mo nga, masaya ka noong buhay ka pa dahil nakukuha mo lahat ng gusto mo. Hindi ba?" Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo nga ba? Na bago ako mamatay, nakuha ko ang gusto ko? Tumango ako pero hindi ako sigurado. He left a sighed. Tumayo siya at binulsa ang isang kamay at ang isa naman ay nilahad sa'kin. "Tara, may pupuntahan tayo" "Wait... Uulitin na'tin ang laro, I-I'm...", nagtaas siya ng kilay, "not satisfied" "Why?" "Well, para mas makilala ulit natin ang isa't isa. Yeah, umupo kana". I smiled at him pero he look so serious. "Why, martha?" "Uhm, you know para-" hindi niya 'ko pinatapos at hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila patayo. Lumabas na kami at naglakad nang tahimik, andito pa rin kami sa park at puro puno ang nasa paligid. Tahimik siyang hawak-hawak ang kamay ko at nakapamulsa. Hays. "Alam mo, we should play that game habang naglalakad tayo" "You seem so eager", malalim ang boses niya. "Of course!" I laugh but he didn't. "Eager to win" Lumingon ako sakaniya, "What?" "Ayaw mong magpatalo, hindi ba? Kaya gusto mong ulitin natin?" "Hah! Hindi kaya, I-I just want to end this boredom" "Don't lie, martha" "No, I'm not!" Lumingon siya sa'kin dahil napataas ang boses ko, "Okay, fine!" I pouted. Ngumingiti siya habang umiiling, "B-Bakit ka tumatawa?" Tanong ko. "You're cute when you're telling the truth" Natahimik ako sa sinabi niya, I felt my cheeks being boiled without the pressure of sun. Anong nangyayari? Bigla akong pinagpapawisan, ang init. "Wooh", pinaypay ko ang sarili gamit ang aking kamay. "Naiinitan ka?" Tanong niya. Napatingin ako sakaniya, "H-Huh? Ah, oo konti" Kumunot ang noo niya, "You shouldn't be" "Why?" He swallowed hard and he stop walking. Napatigil din ako at lumingon sa harap ko. There I saw another coffee shop. This seem so familiar. Pero saan ko nga ba nakita? Makalumang coffee shop. Puro kahoy at halaman, may kamukhang shop 'to but I can sense there is something different. Strange.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD