Chapter 2

3232 Words
I let him hold my hand and take me anywhere. Hindi ko rin naman alam kung saan nga ba talaga 'ko. "Wait, I have a question" "Go ahead" nakapamulsa ang kanang kamay niya habang ang kaliwa ay hawak-hawak ang kamay ko. "Meron bang tawag sa lugar na'to? I mean a specific place like that?" "Meron naman. Depende sa lugar na gusto mong puntahan" "Paano 'yon?" Huminto siya at humarap sa'kin. "Saan mo ba gustong pumunta?" Kumunot ang noo ko na para bang nag-iisip, "Hindi ko alam e" tsaka ako pinako ng mga tingin niya. "Then, I'll take you anywhere. Sabi ko sa'yo, ako ang bahala" tsaka niya 'ko kinditan! Oh what the--- Naglakad na kami ulit at sumalubong sa'min ang makapal na abo. May pasand-effect pa. Grabe hindi ako makapaniwala na nasa langit na talaga 'ko. Kung man sinong may makapal at bukas ang palad, paki-sampal naman ako! Lalo na ngayon na may humahawak sa aking kamay, a man who I guess hmm... 30? Or same age as me? Ang linis kase ng pangangatawan niya at ang ganda pa ng hubog ng katawan. Kung patay na rin siya, ibig sabihin... Sayang. Sayang dahil namatay agad ang tulad niya. Wait, tama na 'yan Martha! Nagkakasala kana naman at alalahanin mong nasa langit ka. Sa aming paglalakad nakapunta kami sa isang magandang tanawin na may dagat din dito. "Is this a beach?" Napaawang ang labi ko dahil matagal na rin akong hindi nakapunta sa beach at hindi lang ito ordinaryong beach, dahil para kang nasa paraiso sa sobrang linis ng tubig na kulay asul. "Parang gano'n na nga. Isla Cerulean ang tawag dito, lugar na sa langit mo lang mapupuntahan", proud siya nang sinabi niya 'yon. "Really?" Naglakad ako at dinarama ang buhangin sa aking paa. Kumikinang ang mga ito at may bahid ng asul. "Bakit-" hinawakan ko ang mga kumikinang na buhanging asul. Nag-iiba ang mga kulay. Una nagiging blue tapos nagiging white rin. Kaya naman mix ang kulay ng sand. May halong blue at white. "You're thinking why the sand is blue?" "H-How?" "Cerulean is a sky-blue color. Kapag pinagmamasdan mo ang kalangitan sa mundo, cerulean ang nakikita mo" "Wow, I'm speechless". Ibig sabihin ang Isla Cerulean ang nakikita ko sa tuwing tumingala ako sa langit? Ngumiti siya nang nakita niyang manghang-mangha ako sa nadidiskubri. Habang ako hinawakan ko pa ito at pinagmamasdan. Pero napapansin ko na nag-iiba ito ng kulay. Ayon nga sa nabanggit ko, nagiging blue ang white at ang white ay nagiging blue sand? Wait... Now, I'm confused. "Bakit yung ibang white sand nagiging blue?" Hindi pa rin nawala ang tingin ko sa mga buhangin. Parang magic lang. "If a white sand turns into blue sand it shows that someone's gave birth. And once a blue sand turns into white then, someone-" "Died" ako ang tumuloy sa sinabi niya at mas napatitig ako sa mga ito. Then I assumed, that a grain of this sand belongs to me. Owned by Martha Salvedo. Isa siguro rito ang sa'kin at iyon ay naging kulay puti. Umupo siya sa tabi ko. "That's why the color were mixed. Sa araw araw na may taong nabubuhay, kapalit nito ang ibang buhay na namamatay" "Kahit hindi konektado ang mga ito?" "Yes, but God will give them a way to correspond our fates.". Ah kaya siguro 'yung iba itinadhana dahil konektado ang buhay nito sa taong makikila niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinasabi ng matatanda na, ang mga nakilala natin ay magiging parte ng ating buhay dahil ito ay konektado sa ating kabuuan. Kahit pa na pinagtapo lamang ito at hindi itinadhana, still naging parte pa rin sila sa ating buhay at pagkatao. Doon siguro nahango ang qoutes na, You're still have a special place in my heart, even if we become strangers. Tumango ako sakaniyang sinabi, "Teka, bakit nga pala gano'n?" Tumawa siya, "Anong gano'n?" Na-wiweirduhan na siguro ang The Good Pervert na 'to dahil marami akong tanong. "Bakit hindi si Jesus or si God ang una kong nakita? O kaya si San Pedro tsaka yung manok niya, bakit hindi sila ang sumalubong sa'kin?" "There's a long way process. And it took you for a journey first, bago mo sila makita" "H-Huh? Hindi ko naiintindihan. Seriously" "Before you take the 40 days of your death, kailangan mo munang makilala ang mga taong naging parte ng buhay mo. Kilala mo man o hindi" "What?! Then, b-bukod sa'yo may makikilala pa'ko?" Napatingin siya sa hintuturo ko na nakatutuok na sakaniya. Napangiti naman siya. "Uh-huh" his voice can drowned you. So deep. I sighed. "Bakit?" Parang wala pa man ay pagod na 'ko. I want to complain but something's keep on pulling me not to be this grumpy Martha in earth. Ang akala ko pag nasa langit na ay magpapahinga ka na ng tuluyan pero bakit may meet and greet pa? Di ako na-orient huhu "To teach you something that you refused to know when you were alive and also to know the reason of their purpose in your life" Ohhh, now I get it. "Ahhh. Eh ikaw?" Turo ko sakaniya, "Kung gano'n, naging parte kita ng buhay ko? Tss, I don't even know you" napangiwi ako. "You'll know", he smirked. "Wait, I didn't even know your name. Anong pangalan mo?" He look intensely at my eyes like he's digging something, "Eli. My name is Elias" Dahan-dahan akong tumango, "Hindi talaga kita kilala. Isa ka ba sa tinanggal ko sa trabaho? Wait! Naka-away ko? Or mga police sa presinto?" Lumapit pa'ko pero napapaatras lang siya. Humalakhak siya, "Someone who can change you" kumindat na naman siya. "Tss, you gotta be kidding. I am the one who can change myself. Not you, no one... But myself" I pointed myself. Well, tama naman ah. Bakit niya ko babaguhin eh patay na rin naman ako tsaka hello, mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa ibang tao. Therefore, I must be the one who can change who I am. "Sige, sabi mo" tipid niyang sagot at hindi nawala ang tingin niya sa'kin. "Tss" inirapan ko siya and I crossed my arms. Humalakhak siya, "Don't used me on that attitude, martha" he smirked with his firm voice. Natahimik kami ng ilang minuto at pinagmasdan ang asul na karagatan. Binalot kami ng hangin at hindi ko inakalang mararamdaman ko pa pala ito sa langit. When I'm alive, I'm much preferred going alone to the mall or just staying at my room or probably in my office. I never had the time to search for a place where I can vent my stress instead I just cage myself alone. Kaya napaka privilege sa'kin ang ganitong pakiramdam ngayon. Nababasa ang aming mga paa sa tubig at sabay namin pinagmamasdan ang kalmadong alon. I glance at him and he look so dazzle and model. Bakit kaya siya namatay? May magulang kaya siyang naiwan or girlfriend? Or may wife? Ang tragic naman kung gano'n. Grabe rin naman ang tadhana, tulad ko at hindi pa talaga namin oras pero eto kami ay namayapa na. Hindi pa rin nawala ang titig ko sakaniya at parang pinag-aaralan ko ang mukha niya. Paramg familiar eh. Lalo na ang mga mata niya, sa totoo lang parang nakita ko na ang mga matang 'to, hindi ko lang matandaan. Hindi ako kumukurap at mas lumalim ang pagtitig ko sakaniya kaya naman bigla kong napansin na namumula na ang kaniyang mukha at binabasa ang labi. Mas tinagilid ko ang mukha ko sakaniya upang mas pagmasdan siya at napakunot ako ng noo lalo na nang naiilang siyang napatingin sa'kin gamit ang kaniyang mga mata. Kanina pa siya tahimik tapos ngayon mukhang kabado? "Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Napangiti naman siya ng sobra na akala mo ay may nakakabigla sa sinabi ko dahil sa reaksyon, "A-Ayos lang naman..." I nodded and give him an unsatisfied look. Binalik ko ang tingin ko sa dagat at umubo siya ng pilit tsaka inayos ang upo. "Bakit ka namatay?" Bigla kong tanong at napatigil siya ro'n. "Someone killed me" diretso naman niyang sagot. Tumango ako ng dahan-dahan, "Same, I got shot by a gun" Wow, parang ang casual naman nang pagkakasabi ko na para bang maliit lang na bagay ang nangyari. Well, I didn't remember giving essence to my existence kaya siguro gano'n ko nalang natanggap na I'm dead. No more Martha in Earth. "I know", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Huh? Alam niya ang pumatay sa'kin? Napalingon ako sakaniya. "Ibig sabihin alam mo rin kung sino ang bumaril sa'kin? Sino?" Naghihintay ako ng sagot niya pero hindi siya kumibo. "Ts, bawal nagsisinungaling sa langit" "Someone will tell you the real reason and that is the last soul you will meet in Heaven. Kaya hintay ka lang, martha" ginantihan niya 'ko ng ngiti. Napabagsak ako ng balikat. Tanggap ko na nga eh pero parang hindi pa rin? "I don't know. Seriously, up until now I can't believe that this is really happening, that I am here. I am dead. That heaven is real. All my life I never believe in heaven, in creation. Alam mo 'yon? Parang may kulang, parang hindi ko pa alam ang buong istorya ng buhay ko? Parang hindi man ako mulat sa mga gantong bagay. All my life, I was carrying an unknown feeling and thoughts. Uncertainty and disbelief of a particular thing". Totoo 'yon, nabubuhay ako na tanging paghinga lang ang suporta at basehan ko para mabuhay. "That's why you're here. Pupunan ang mga katanungan mo na hindi nasagot sa mundo. Kanina ka pa nga tanong ng tanong, eh" sabay naman kaming napatingin sa isa't-isa tsaka ako nakaramdam ng kuryente sa balat nang sabay nagtama ang aming tingin. Humalakhak ako, "I'm sorry, okay? I just been so curious and strange. Pasensya na" Namula na naman siya, "S-See, you already changed. Ako palang niyan ang nakilala mo rito nag-iba na ugali mo", ngumiti siya at tumingin sa dagat. "Really? What do you mean? Is it good?" "Uhm..." Tumingin siya sa taas at ngumiwi, "Pwede na, at least you know how to say sorry" he smirked. Humalakhak ako at tumayo nilahad ko ang kamay ko sakaniya at tinignan niya iyon bago tumingala sa'kin. "Tara na, gusto ko nang makilala yung iba pa" ngumiti ako sakaniya. Hinawakan niya na ulit ang kamay ko at naglakad muli kami. Naglalakad kami rito sa may isang daan, matataas na puno ang nasa gilid. Kanina pa kami naglalakad at hindi man ako makaramdaman ng pagod. "Malayo pa tayo?" Tanong ko sakaniya, diresto ang kaniyang tingin habang hawak-hawak ang kamay ko. "Tatlong segundo palang tayo naglalakad, pagod kana?" Tanong niya "What?! 3 seconds? Nagbibiro ka ba? Ang layo na nang nilakad na'tin oh, tsaka pa'no mo nalaman na tatlong segundo palang?" "Iba ang oras sa langit, martha. Hindi ibig sabihin na mahaba ang dinadaanan natin matagal na tayong naglalakad. In heaven, as long as you think you can walk without thinking the time, then there will be no ending. Get it?" "No. How was that?" "Sa mundo, kung iniisip mong hindi mo kayang gawin ang isang bagay then probably you can't do it. Gano'n din sa langit martha, kung gusto mong maglakad nang maglakad, ibig sabihin hindi ka matatapos. In heaven, you can think of what you want and it will give you freely" "Why do you want to walk, then?" Lumingon siya sa'kin. "Because I am walking with you", bulong lang ang pagkakasabi niya pero parang nabingi ako sa mga salitang 'yon. Nagulat ako sa sinabi niya at mas hinigpitan niya ang hawak niya sa aking kamay, he's head straightly faced on the road now. While I am having a weird feeling where I never felt this before. Simula nang napunta ako sa langit, I didn't felt my heartbeat and that I realized that I'm actually dead... But at this moment, it isn't. This is strange. Bumalot na naman sa'min ang isang makapal na abo. After a while, there I saw a familiar boutique. A shop was covered in a whole white cloth. Malapit na kami sa shop na may nakasulat na Closed. "Bakit nakabalot ng malaking tela, ang shop na'to?" "The owner was dead, and so this shop" Nilingon niya ako. "You want to come in?" Tumango ako at binuksan niya na ang pintuan, sabay pagbukas ang patunog ng bell sa may door nito. There I saw a lot of toys and dolls displayed in every corner. The entire shop was vibrant that gives me a familiar scene when I was alive. Iniikot ko ang mga mata ko, " I think I know this..." I whispered. Eli finally let go of my hand and a ring of a bell echoed in my ears. ~Flashback~ "Welcome in Li'l friends toy store, ma'am", one lady greeted my mom and she bent down to face me. "Hi little one, welcome" she smiled at me and tapped my head. I was just a liitle girl, kakabirthday ko palang last 2 days. Mommy brought me here to buy me a gift. "Honey, look for a toy that you want. I'll just answer this call, okay?" Tumango ako sakaniya. "Be good girl, martha. This will be quick" she smiles at me and answer something on her phone. My heart jump in gladness as I survey around this shop. I went to the girl section in this shop, there I saw several barbies, doll house, and a cute dresses of dolls. "Wow" I whispered. I jump and clap my hands while I'm gigglingly surveying the toys. My attention caught by a cute doll, wearing a pink dress and a tiny doll shoes. I giggled and get the doll by my own. But my hands are shaking and too afraid to turn around when a young girl tantrums, "That's mine! Doll ko 'yan!" Napalingon ako sa sigaw ng batang babae na singkit ang mga mata, she's wearing also a dress. Hinigpitan ko ang hawak kong doll at inipit ko sa leeg ko. Sa oras na 'to ayokong maagaw ito sa'kin dahil ang manikang ito ay kaka-iba. "I said that's mine!" Lumapit siya sa'kin. "No, ako ang kumuha ne'to!" I pouted at her. "Mommy!" Umiyak siya, I feel so nervous but I won't give her this doll. Ako ang nauna. "Give me that!" Sigaw niya. "Ako ang nauna" bulong ko at halata na ang takot ko sa boses ko. "Zibiah honey, what's going on?" Lumapit ang mommy niya sakaniya and I feel so scared. I tightly hug the doll. "A-Ako ang n-nauna..." Bulong ko at mariing ang pagkakahawak sa manika. "No! Iniwan ko lang diyan at ako naglagay diyan because that was mine!" Tumingala siya sa mommy niya, "Mommy" humingi siya ng tulong sa mommy niya at ako I only have my doll here. "Anak, tara na. We'll find a new one" sabi ng mommy niya at hinila ang anak papalayo. Tinignan ko ang doll and I smile. Now, this is mine. I fight for it. "Oh honey martha, there you are. Sorry, mommy took so long. Ano may napili ka na ba?" Tinaas ko sakaniya ang doll na hawak ko and she caressed my hair. "Okay honey, let's go" she hold my hand while my other hand holding my doll. My doll. Paalis na kami ng shop nang lumapit ulit sa'min ang babae na nag-welcomed sa'min kanina. "What did the angel bought?" She kneel down to face me and my mom smile. "A doll", pinakita ko sakaniya. "Oh, that doll seems to be lucky. She was picked by a brave and beautiful girl. You know what her name is?" Umiling ako sakaniya. "Lorry. Her name... Is lorry" she smile at me and I glanced at my doll. Umalis na'kami sa shop na'yon, and the bell of the door rang. Since, when I was 12 years old I have lorry with me. My doll bring me joy and ecstatic eveytime I brought her anywhere. I didn't wish for any doll anymore, because I have lorry. My doll. ~End of Flashback~ Pinagmamasdan ko ang mga manika at hinahawakan ko ang mga ito, it feels like at this moment, I'm a kid. I'm martha who is only 12 years old. May isang kamay ang humawak sa isang doll na hahawakan ko na sana. I glanced at the lady. Na-starstruck ako sa ganda niya. Makinis ang balat at maputi, pinkish cheeks and a thin lips. Singkit ang kaniyang mga mata. She's wearing a dress. She's pretty. "I-I'm sorry, Sige, kunin mo na" ngumiti ako sakaniya. "No, I won't take it" ngumiti siya, her voice is soft. "Ayos lang, ikaw ang nauna" sabi ko. "Really? But you want it?" Tanong niya, hinawakan niya ang doll at binigay sa'kin. Umiling ako, "No, hindi na'ko mahilig sa mga ganiyan and ikaw ang unang nakahawak niyan, so it's... Yours", ngumiti ako sakaniya. "Uh-huh? But the martha I know is brave enough to fight for her wants no matter what", she smirked. Nagtaas ako ng kilay, "Kilala mo'ko?" "Absolutely", she winked. "H-How?" "Nakilala kita rito, you're brave. May paninindigan ka sa gusto mong bagay, and I admire you for that" I furrowed my brows, "When?" "Think about the first time you step here, when you were young" A memory flashed in my head, a girl who is scared and nervous of something might happened but she's not giving up the doll. "Remember? You're so brave, back then" "But I was also scared, hindi ako matapang. Natatakot ako no'n" "That's the definition of bravery. Kahit natatakot ka na, handa ka pa rin na lumaban dahil meron kang paninindigan. Despite, of the fear you have you still able to risk and fight for what you want. Martha, ang takot ay mahirap kalabanin. And a girl like you who know how to stand on her wants and fought against her frightened, is an example of bravery" Pinagmasdan ko ang babae, parang nakita ko na siya somewhere. I remember her face but... I don't know. May iba, eh. Hindi kaya siya ang... "Are you the owner of this shop?" Tanong ko. Umiling siya habang ngumingiti, "I'm not" Tumango ako, "A saleslady?" "I doubt that" she smirked. "Then, sino ka?" Binalik niya ang manika and she crossed her arms. "Noong una mo'kong nakita, you were pure and innocent. You really adore this place. Your heart jump on excitement. I feel it. Because I am the reason" Kumunot ang noo ko, "W-What?" "Still, don't get it?" Umiling lang ako sa kaniya. Tumingin siya sa itaas na para bang nag-iisip. "What about the... Oh, this! Anong lugar ang una mong nakita nung nakarating kana rito, sa langit?" She lift her brows while waiting for my answer. "Amusement park. What about it?" "Narrate what happened there" she giggles. Kumunot ang noo ko at nag-iisip, "Well, uhm... I saw carousels, rides, children and yeah! I remember may batang babaeng lumapit sa'kin no'n she asked me to hold her doll..." Ngumiti siya nang malapad, "Wait! Ibig sabihin ikaw yung..." Nanlaki ang kaniyang mata at hinihintay ang kasunod nito, "Ikaw yung... Batang babae?" She left a heavy sighed and smile a bit like something dissapoints her. "Okay, it's time for you to know" She hug me so tight, a hug wherein I felt this before. Whenever I'm sad, I'm excited and scared. She let go and faced me. Ngumiti siya, "Hi martha, I'm lorry" Nanlaki ang mga mata ko and I feel goosebump here in heaven! Tumawa siya, "It's been a while, my friend"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD