Sa bawat paglipas ng linggo, unti-unti nang nababawasan ang mga manggagawa at napapalitan ito tulad sa ginagawa pa noong pagsesesante sa mga kakapasok pa lamang. Dahilan para mas pagbagsakan ako ng langit.
"The brewed omega shop is now currently in a mess state, perhaps they didn't take my advice seriously that's why they landed in bankruptcy"
"W-What do you mean, sir?" Usisa ng punong-pinuno namin sa kusina.
"That shop was temporarily closed. Their employees were fixed unfortunately they aren't able to open their shop for new workers. Therefore, I decided to lessen some workers here, so we will not fall like them. But don't worry, this is the last time and that's my good news"
Kumunot ang noo ko, kaya ba buwan-buwan siya nagtatanggal upang hindi dapuan ng malas ang kaniyamg negosyo? Anong klaseng kalokohan ang pinaniniwalaan niya?
"Ms. De Guzman", dugtong niya.
"Yes sir?"
"Sorry darling, but I bet you must find another job right now", ngumiti pa siya.
"S-Sir, but..."
"No", biglang pagsingit ko na kinagulat nila.
Hindi pwedeng siya ang matanggal. Wala na siyang magulang tulad ko, pero mahihirapan siyang maghanap ng panibagong trabaho. Hindi tulad ko, kahit anong trabaho kaya kong pasukan.
"Yo, ano bang sinasabi mo?" Binulungan ako ni felix.
"Sir, fired me instead"
Ngumisi ang boss namin at nang lumingon ako kay fel, naluluha ang kaniyang mga mata kaya yumuko nalamang ako at madiin kong sinara ang aking mga kamay.
"I have served this shop for several months, that's already enough, sir. And firing them only for your nonsense illusion that we might bankrupt..." Lumingon ako sakaniya, "that's too childish".
Sinuntok ako ng boss ko at natatarantang nilapitan ako ng mga kasama ko sa trabaho pero pinaalis din sila at pinabalik sa trabaho.
Ginuyod niya ako papalabas ng shop at nakita kong dumudungaw si Fel pero pinipigilan lamang siya ng punong-panadero namin.
"Get out, and never come back here, again!" Tinulak niya 'ko papalabas at binuhos sa'kin ang bag ko.
Simula sa araw na 'yon, hindi na muli akong lumingon sa shop na 'yon.
Sa mga nagdaang linggo, bumalik ako sa simula. Hanap ng trabaho at kapag nakulangan sa sweldo hahanap ng karagdagang trabaho. Nagpakalayo ako dahil alam kong wala akong pag-asa sa mas malapit.
Kailangan kong magsimula muli at mag-ipon para sa aming dalawa ni Fel.
Sinusulatan ko si Fel at nabalitaan kong ang anak na ng boss namin ang namamahala kaya nais ni Fel na bumalik ako. Ngunit, kasabay no'n ang sapilitang pagpasok ko sa training.
Nag-ensayo ako dahil ipinasok ako ng kakilala kong sundalo. May gerang magaganap at kailangan ng mga bagong sundalo.
Ngunit sa loob ng ilan linggo kong pagiging sundalo, nagawa ko pang isabay ang paggawa ng mga tinapay. Nakulangan kami sa pagkain kaya naman naging daan ang paggawa ko ng tinapay upang makadagdag sa aming kakainin.
Lumipas ang mga araw katapos ng gera, hindi na'ko nakatanggap ng sulat mula kay Fel. Taon na rin ang nagdaan at wala na'kong balita sakaniya.
Hindi kaya...?
Hindi. Hindi magagawa ni Fel na lumingon sa iba. Alam niya ang prinsipyo at pangarap ko. Mahal niya 'ko, hindi niya magagawa sa'kin ang gano'n bagay. Hindi niya nagagawang nagtaksil sa kaniyang minamahal.
Kaya naman bumalik ako sa aming lugar. Sa morning shop.
Ngunit sa hindi inaasahan, unang bubungad sa'kin ay si Fel.
Sabik na may halong pangungulila ang nakita ko sakaniyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Dahil siya lamang ang babaeng nais kong maging tahanan.
"Fel", bulong ko.
Malalim ang kaniyang titig sa'kin at may mga nagbabadyang luha.
Napaawang ang labi niya at sa tingin ko ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Mas tinusok ang puso ko sa nakita. May lumapit sakaniyang batang lalaki at tinawag siyang...
"Mama", boses palamang tindig na ang lambing tulad ni Fel.
Alam ko na darating ang araw na ang pangako namin ay mawawala nalamang. Lahat ng pangarap ay hanggang pangarap nalang. Sa mga araw na hindi ko na nakasama si Fel, lagi kong naiisip na makakahanap si Fel na mapapangasawa at tutupad sa mga pangarap niya.
At hindi na ako 'yon.
Bumuhos ang mga luha ko at tanging pagtalikod ang nagawa ko. Sumisigaw siya ngunit sinlakas ng drum ang pagtambol ng puso ko.
Hindi ko kayang makita ang babaeng minahal ko ay magmamahal ng bago ngayon.
Sa aking pagtakbo, hindi ko inaasahan na makakarating ako sa lugar kung saan ako nagsimulang magising at lugar kung saan ako masaya.
Tumitig ako sa lumang bakery na madalas kong puntahan bata palang ako.
Pumasok ako at bumuhos ang mga luha ko.
"Fel!" Sinuntok ko ang pintuan at nagsisi-sigaw ako sa loob.
Ang pangarap kong umuwi rito sa pampanga, at babalikan si Fel at magsisimula kami ulit ay nawala na. Sa isnag iglap, bigla nalang naglaho.
Pero hindi ko sinayang ang mga perang pinag-ipunan ko sa mga nagdaang-taon. Pina-ayos ko ang bakery na'to lalo na't wala nang namamahala.
Patagal nang patagal kumikita ang maliit na bakery na'to. Ako ang gumagawa ng mga tinapay at namamahala. Pero hanggang ngayon, dinadalaw ako ng kalungkutan ko.
May bumubulong sa'kin na kailangan kong balikan ang nakaraan. Dahil meron akong naiwan, na hindi ko pa alam.
Ilan araw ko napapanaginipan si Fel kaya naman naisipan kong bumalik sa shop at kamustahin man lang siya.
Siguro, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon para mag-usap kaya binabangungot ako ng ala-ala.
Unang nakita ko sa morning shop ay si felix.
"Yo", lumalim na ang boses niya at bakas ang gulat at kita na ang kaniyang edad. Dahan-dahan niya akong niyakap at naluluha pa.
Tumawa ako at narinig kong umiyak siya, "Grabe yo, hindi ka na nagparamdam!"
Tinapik ko ang likod niya at hinarap siya, "Kamusta na?", pinilit kong ngumiti habang bumabaling ako sa likod niya. Nagbabakasakaling may makita.
Nag-iba ang ekspresyon niya, naging mas malungkot ito.
"Yo, si Fel", yumuko siya.
Nagtaas ako ng kilay, "Nasaan siya? Kamusta na? M-May pamilya na ba siya?"
Lumunok ako ng mariin at naghihintay sa sagot niya, bigla siyang tumingin sa'kin.
Umiling siya, "W-Wala na si Fel"
Kinurot ang puso ko sa narinig, "Yo, hindi niya kinayanan ang sakit niya yo!" napaatras ako at biglang pinagpawisan ako ng malamig. "Mahal ka niya yo, kahit na hindi kana bumalik, pero kinayanan niya, mag-isa niyang inalagaan ang anak niyong dalawa!"
Tumingin ako sakaniya, "A-Anak? Anong sabi mo felix?"
Nag-iwas siya ng tingin at napa-atras din.
"Felix, ulitin mo ang sinabi mo. M-May anak kaming dalawa?" Namaos ang boses ko.
Kinwelyuhan ko siya at hindi siya makapagsalita, tangina. Eto ba? Eto ba ang sinasabi na kailangan kong balikan ang naiwan ko?
Ang duwag ko. Bakit hindi ko naisip na maaaring sa'kin nga 'yon?! Ang tanga mo, Goryo! Wala kang k'wentang ama!
"Parang awa mo na, felix sabihin mo. Sabihin mo! N-Nasaan ang anak ko? B-Bakit hindi ko alam?"
Tinulak niya 'ko, "Dahil lumayo ka!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Yo, sana naisip mo na tinalikuran mo siya! Kawawa ang bata ngayon tinatanong nasaan ang ama niya, ang sakit lang, alam mo 'yon?! Ang sakit lang na pati ang asawa ko tinatawag na rin niyang 'mama' dahil wala na ang nanay niya!" Tinuturo niya ako gamit ang kaniyang hintuturo " Y-Yo... gustong-gusto ka na niyang makita, k-kahit masagot mo lang daw ang tanong niya!"
Humakbang ako papalapit sakaniya, "A-Anong... Anong tanong?"
Umiiling lang siya habang hindi nauubos ang pagbuhos ng mga luha niya "Kapag tinatanong ko sakaniya kung ano 'yon, hindi niya masabi. Gusto niya manggagaling 'yon sa kaniyang ama, at iyon daw ang binilin ni F-Feliza sa anak niya"
Napaluhod ako dahil sa mabigat na pasan-pasan.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Pinuntahan ka niya yo, sa isang bakery. Nakita niyang masaya mong ginagawa ang pangarap mong magkaroon ng sariling bakery, kaya... Kaya naman sinabi niya sa'kin na 'wag ka nang guluhin pa"
Ako na ngayon ang hindi makapagsalita at tanging pag-igting ng panga ang nagawa ko dahil sa pagpigil na galit na meron ako.
"Yo...", pabulong na ang boses niya, "Alam mo rin ba kung ano ang sinasabi ko kapag hinahanap ka ng bata?"
Napalingon ako sakaniya at nakitang nakaluhod na rin siya, "Oo yo, hinahanap ka ng anak mo. Araw-araw pati gabi, yo. Alam mo ang sinasabi ko sakaniya?", pumiyok siya dahil sa pagpipigil ng pag-iyak, "Emune pantunan, datang ya rin"
Bumuhos muli ang luha ko at gano'n din siya, lumunok ako ng mariin nang nakarinig ako ng boses sa di kalayuan.
"Bapang yex!" (Tito yex), napalingon ako sa boses ng isang batang lalaki na tumatakbo papalapit.
Tumayo si felix at agaran din akong tumayo. Lumapit sa'kin si felix at may binulong.
"Siya..." Hindi nawala ang tingin niya sa batang lalaking tumatakbo, "siya ang anak niyo ni feliza"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ala-alang isang babae ang nakita ko may mga luha sa kaniyang mga mata at isang batang lalaking tinawag siya ng mama habang papalapit sakaniyang ina.
Tumingala ang bata sa'kin gamit ang kaniyang mga mata, nakikita ko ang mga mata ni Fel sa mata ng batang kaharap ko.
Dahan-dahan akong lumuhod at pagod ko siyang hinawakan sa kaniyang mga braso.
"Siya... Ang papa mo", bulong ni felix sa kawalan habang nakatingin sa malayo.
Lumapad ang ngiti ng bata. Mahigpit ko siyang niyakap at bumuhos ang mga luha ko. Itong yakap na matagal kong pangungulila.
"P-Patawad... Anak. Patawarin mo si Papa.. -H-Huh? Hindi na'ko mawawala, pangako! Hindi na tatalikod si papa, anak"
Humagulgol ako sakaniya pero tanging patak lang ng luha ang naramdaman ko sakaniya.
Humarap ako sakaniya, at nakita kong nakangiti pa rin siya. "Ang tagal po kitang hinintay, tang"
Inayos ko ang kaniyang buhok at pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mukha, "Andito na'ko, anak"
"Tang... Hinihintay po kita araw-araw. Gusto ko na pong malaman ang sagot. Gusto ko pong itanong kay bapang yex pero sabi ni mama sa'yo ko raw po itatanong"
Hinaplos ko ang kaniyang pisngi, "A-Ano 'yon, anak?"
"Tang, ano pong ibig sabihin ng Pakamalan daka?" Kumunot ang noo ko at bigla nalang piniga. "Sabi po ni mama, sa inyo ko nalang daw po itatanong. Sa inyo ko lang po maririnig 'yon, tang ano po 'yon?"
Niyakap ko ulit siya at pinaghalo-halong emosyon ang nararamdaman ko, "Hinding hindi na kita papabayaan, anak. Hinding hindi na. P-Pakamalan daka..."
Sana hindi nalang ako tumalikod. Sana hindi ako lumayo. Sana hindi ako tumakbo. Sana hindi ako nagpalamin sa marumi kong pag-iisip. Hindi ko binigyan si fel ng pagkakataon upang magpaliwanag.
Dahil ako pa, ako pa ang dapat magpaliwanag sakaniya pero huli na.
Ang bangungot na dala ko noon ay pahiwatig. Hindi iyon bangungot kung hindi pa-alala. Na kailangan ko ngang balikan ang aking naiwan. Na meron pa'kong hindi nalalaman.
Nang nakilala ko si fel, mas naging malinaw ang pangarap ko. Hindi lang ang magkaroon ng sariling bakery, kung hindi sabay kaming magtatayo nito. Pumalpak man o hindi, basta siya ang kasama kong bumuo. Masaya na'ko.
Ngunit huli na, ang pangarap na'yon ay malabo na. Dahil wala na siya. Wala ng Feliza.
Ang anak namin ni fel, siya ang magtutuloy. Ang mga anak niya at anak nito ang magtutuloy sa pangarap at pangako namin ni Feliza.
Sa mga nagdaang taon, tanging ang anak ko lang na si anghelo ang naging kakampi ko. Hindi man lang siya nagtanim ng galit sa'kin kung hindi mas minahal niya pa 'ko bilang ama niya.
"Tang, makanine ya ba?(tay, gan'to ba?)", minamasahe niya ang tinapay na ginagawa habang ako ay nasa kahera.
Bumaling ako sakaniya at lumapit, "tama yan, oh sige palit naman tayo niyan ah? Ako na diyan dahil kanina ka pa gumagawa. Tignan mo oh!" Turo ko sa may mga tinapay na bulubundok sa dami, "ang dami mo nang nagagawang tinapay" tumawa ako at tinapik ang ulo niya, "ang galing mo na, anak"
"Aba, baka mana po ako sa'yo!" Kumindat pa siya sa'kin at naghugas na ng kamay.
Masasabi kong biyaya si anghelo sa buhay ko, simula nang dumating siya naging mabenta ang mga tinapay at gumanda ang takbo ng aming negosyo ni anghelo.
Pero naiisip ko, anong kapalaran ang meron ako ngayon kung hindi ako tumalikod? Kung hindi ako tumakbo?
Kung iyon nga ang pinili kong paraan, baka hanggang ngayon kasama ko pa si Fel. Baka naalagaan ko siya at mas minahal. Baka may tinatawag pang mama si anghelo.
Sana hindi ko nalang pinangunahan ang galit na meron ako, sana hindi ako tumalikod.
~End of flashback~
Martha's POV
Sa isang kurap, dinala kami sa isang lugar. Makaluma ang mga bahay at gano'n din ang mga istrakturamg nakatayo.
"Anong lugar 'to?" Tanong ko sakaniya ngunit hindi niya iyon sinagot at nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sinundan ko lamang siya.
Napunta kami sa isang maliit na bakery. Napapagitna ito ng dalawang mataas at modernong bakery din.
"Eto po ba ang...?" Lumingon na siya sa'kin at nagbuga ng hininga.
Tumango siya, "Dito ako nagsimula" bumaling ulit siya sa bakery.
"Can I ask you something?" Tanong ko sakaniya.
"Ano 'yon, hija?"
"Hindi po ba kayo nagtanim ng sama ng loob sa asawa niyo?"
"Galit?" Ngumisi siya, "Hindi kailanman ako nagtanim ng galit sa asawa ko" naging bulong ang last word na sinabi niya. "Nagtampo oo pero hindi galit, magka-iba 'yon"
Tumango ako sa sinabi niya, "Sa mundo, hindi ko siya naging asawa dahil hindi kami nagpakasal pero rito sa langit... Tinupad lahat namin ang pangarap na hindi natuloy sa mundo"
"Ibig sabihin, dito natupad niya ang pangako niyang tutulungan kayo sa bakery niyo?"
Umiling siya.
"Ang pangako lang na hindi niya natupad ay ang makasama akong bumuo at mapalago ang bakery. Na hindi lang ako ang gagawa ng mga tinapay kung hindi siya rin. Pero may pangako siyang natupad sa mundo pero sa ibang paraan"
Kumunot ang noo ko na para bang nag-iisip.
"Then, ano po ang ibang paraan na'yon?"
Lumingon na sa'kin si Apo.
"Ang mapanganak si anghelo" bumaling na ulit siya sa bakery at sa loob no'n ay ang mag-ama. "Kung hindi dahil kay anghelo, walang maaaring magtuloy sa pangarap namin ni Feliza, walang mga apo at apo sa tuhod na maaaring magmana nito"
Tinuloy niya ang pagsasalita, "Isinalaysay ko kay anghelo ang kwento namin dalawa ni Feliza. Gano'n din sa mga anak ni anghelo. At sa mga apo ng anak niya"
"Trust and commitment", bigla kong sinabi. "Now, I get it"
Tumawa siya, "Nakuha mo rin", tinapik niya ang aking braso, "Tandaan mo 'to martha, Promise isn't meant to be broken. Because if it fails, then it is not a promise. It's a false hope. Promise always corresponds to trust and so to commitment"
Ngumiti ako sakaniya dahil kahit papaano, naiintindihan ko ang punto niya. Tinuloy niya ang pagsasalita.
"Kapag hindi natupad, ibig sabihin hindi iyon pangako kung hindi isang salitang sinabi lamang. Ang pangako ay mahalaga, isa itong ginto. Hindi lang ito sinasabi kung kailan mo gusto. Sinasabi ito dahil sigurado kang magagawa mo ito. Ngayon man o bukas, ang pangako ay maaaring mangyari sa itinakdang panahon"
Naglakad ako papasok sa bakery. I let myself discover one more thing...
Nangangalawang ang mga gamit dito at walang gaanong sangkap. Pero may mga tinapay na nakalagay at kahit maliit ang bakery na'to, malalanghap pa rin ang sarap ng mga tinapay.
"These breads...", bulong ko.
I felt apong goryo coming beside me.
"'Yan ang mga tinapay na natitikman mo nung buhay ka pa"
Kumuha ako ng isang bread at pinakita ko sakaniya, "C-Can I taste it?"
"You should", tsaka siya ngumiti.
Kinagat ko ito and I wanted to curse here in heaven but no, I can't. Walang pinagka-iba ang lasa nito sa mga tinapay na natikman ko sa shop nila sa mundo. This is extraordinary! I can't believe that this bread taste so good here in heaven.
Sa aking pagkagat ng tinapay, dinala ako sa isang ala-ala. A memory while I'm still alive.
~Flashback~
Nakaharap ako ngayon sa salamin, wearing a corporate attire and a stilettos. I look so tense and nervous.
"Inhale, exhale, okay ulit. Inhale...", I do the proper breathing and calm myself. Kabadong-kabado ako dahik ito ang araw na manunumpa ako at nagiging ganap na isang CEO. "Kaya mo 'to, Martha" pagchwer ko sa sarili habang nakatingin pa sa salamin. Self-talk is really good. To convince yourself that everything will be fine when no one can do it. A way to have a self-awareness, too.Tumigil ako nang may tumawag sa'kin sa cellphone.
"Ma'am, the event will start na po in few more moments. Una po ang Ribbon Cutting followed by Oath Taking. Andito na rin po ang mga sponsors, ma'am" ani ng aking Secretary na si Ayah.
Tumingala ako at ngumiti sa salamin, "Okay, I'm on my way", I answered.
"Take care po, ma'am" she said it sweetly.
"Thank you"
Binaba ko na ang tawag at humarap ako ulit sa salamin, "I can do this, wooh!" I release a breathe and smiled at the mirror.
Eto ang unang bukas ng publishing company ko. Sobrang kaba ang meron ako dahil pati media ay nandoon.
I started from being scratch, simula nang nalugi ang kompaniya ni daddy, may bumili roon at inipon ko iyon pang publish ng mga libro hanggang sa nakagawa ako ng sariling kompaniya.
"I, Martha Salvedo is solemnly promising to provide the best service as the CEO of TWL Publishing Company in beyond of my commitment and perseverance. I do promise, to help and gain my employees' nature of competent and determination. I assure my dear employees that I can be their role model in developing our company to reach our vision and mission. We lead into one family not a villain or enemy. This is my pledge and I committed my words into my actions. Thank you"
Taas noo akong nagsalita sakanila na may ngiti sa mga mata habang nakataas ang aking kanang kamay.
I can see in their eyes how they trust me, how they are proud that they have me as their boss.
But, I failed them. Ang mga salitang binitawan ko noon ay mistulang naglaho. Unti-unti kong nabibitawan ang mga salita na aking sinumpa. Tulad ni Apung Goryo, tumalikod ako dahil pinangunahan ako ng aking emosyon at galit sa mundo. Kaya lahat ng taong naniniwala at nagmamahal sa'kin, ay hindi ko napahalagahan.
~End of flashback~
Isang pangakong, hindi ko nagawang panindigan. Hindi ko akalain na magbabago ang lahat kaya hindi ko natupad ang nai-pangako ko.
I fired several workers, kahit hindi ko empleyado, they've lost their job because of my insensitive and selfishness. My anger and bitterness, ruled me that's why I destroyed my own principles and promises.
Lahat ng pinaghirapan ko sa simula ay nasira dahil wala akong paninindigan. Hindi ko tinupad ang pangako ko sa mga empleyado ko na aalagaan ko rin sila katulad ng pag-aalaga ko sa kompaniya ko.
But I guess, it's too late. Iniwan ko sila na hindi ko man lang natupad ang pangako.
Nang minulat ko ang aking mga mata, wala na si apung goryo.
But I'm still here in their bakery, well-equipt, malinis ang paligid, maliwanag, at masaya ang mag-amang gumagawa ng tinapay.
A 30's Goryo, who is healthy and contented with his son that shouts of satisfaction and joy within.
He tap the head of his son, "Anak, kung darating man ang panahon na titingalain ka ng ibang tao, manatili kang magpakumbaba at huwag tapakan ang ibang tao ng dahil sa titulong meron ka o kapangyarihan"
Tumango ang bata, "Pero tang, hindi naman po mangyayari 'yon. Kaya hindi po darating ang panahon na'yon"
I love his innocence.
Tumawa si apung goryo at tinapik naman ang balikat ng anak, "Darating 'yon basta maniwala ka. Ayos ba?"
Tumango ang bata at ngumiti.
"Maniwala ka lang sa sarili mo, pangako?"
Niyakap niya ang kaniyang ama at humagikgik naman sa tuwa si apung goryo, "Pangako po!"
Tumingin ulit siya sa kaniyang ama, "Pero tang, kailan po 'yon? Ibig sabihin po dadami ang bibili sa'tin?", nanlaki pa ang mga mata niya na para bang namamangha sa sinasabi.
"Datang ya rin..."
"Emune pantunan, datang ya rin..."
Pero hanggang kailan? Patay na'ko.
Paano ko mababalik ang lahat kung patay na'ko? Wala ng pag-asang dumating pa ang pangakong binitawan ko kung nasa langit na'ko. Huli na, hindi ko na kailangan pang hintayin. Dahil huli na, patay na'ko gano'n din ang nai-pangako ko.
Lumabas na'ko sa bakery at nang lumingon ako, nakita ko ang bakery kung saan nagkakilala si apung feliza at apung goryo. Kung saan una ko siyang nakita na, tinulak papalabas sa pintuan.
I left a heavy sighed.
I don't know why. Normal ba na maramdaman ko ito sa langit?
Regrets and pain
I'm dead, dapat hindi ko na ito dala-dala sa langit.
"Maybe, this is my karma", bulong ko.
Nakarinig ako ng bell galing sa bike. Paglingon ko nakita ko si Eli, nakasakay at nakangiting papalapit sa'kin.
But at least, I didn't regret of having here.