I learned so many things, and I have him. It seems like, he's my knight in shining armor fighting for me despite of my dirty doubts.
Bakit siya ang kasama ko ngayon? Siya ba ang tour guide ko rito sa langit? Perhaps, he's my guardian angel taking me to his kingdom while carrying me with his manly body.
I smiled on my own imagination.
Teka, bakit ba siya nasali sa iniisip ko?!
I swallowed hard at bigla nalang akong hindi makagalaw.
Papalapit na siya sa'kin, bakit ako kinakabahan? Oh wait... Am I seeing it right?
He just smirked at me???
Oh lord, please let me curse for the last time. Please!
Huminto siya at mas naririnig ko ang tunog ng puso ko.
Tug-tug, tug-tug, tug-tug...
Does my heart beating?
He faked his cough, "Angkas ka"
"Saan tayo pupunta?" Hindi pa rin ako umaangkas sakaniya.
"Ikaw, saan mo gustong pumunta?"
"W-Wala pa naman akong gaanong alam dito, ah. Tsaka saan ka ba galing? Lagi ka nalang nawawala!" Nag-iba ang tono ng boses ko sa huling tanong. Tunog dismayado.
"Isa, dalawa o tatlo. Pumili ka" tanong niya.
Kumunot ang noo ko, ano bang pinagsasabi ne'to?
"Huh?"
"Basta pumili ka nalang, martha naghihintay ako"
"Oh sige na, number one"
Agad niyang hinila ang palapulsuhan ko at inupo niya 'ko sa harapan. Sa sobrang lapit namin nararamdaman ko na ang hininga niya sa aking leeg.
Tumingin siya sa'kin at hindi man ako makalingon dahil konti nalang magdidikit na ang labi namin.
"Sa amusement park tayo pupunta dahil 'yon ang unang lugar kung saan tayo nagkita..."
Napalingon ako sakaniya at tumingala siya, nakita kong lumunok siya kaya naman nadepino ang adams apple niya at ang pag-igting ng panga.
Is he nervous?
I doubt.
Lumingon ulit ako sa harap ko at nailang. Hays.
"Ibig sabihin, doon tayo unang nagkita sa mundo?"
Umiling siya, "Dito lang sa langit"
"O-Okay"
Hinawakan niya na ang magkabilaang manubela at inayos ang upo, "Hindi ako nawawala martha, hindi kailanman", bulong niya.
Tumango ako, "Kumapit ka", dugtong niya tsaka na kami umalis.
Sa pangalawang pagkakataon, andito ako muli sa lugar kung saan ako binaril.
Ang dami kong magandang ala-ala na binuo rito sa amusement park, pero sa isang iglap madudungisan ito dahil sa isang pamamaril na naganap sa buhay ko.
Bumaba na kami sa bike at hinawakan ni Eli ang kamay ko.
Bakit ba lagi nalang niya hinahawakan ang kamay ko?
Dalawa lang ang dahilan na naiisip ko.
Una, ayaw niya 'kong mawala. Pero bakit? Hindi naman ako maliligaw dito sa langit ah? At tulad nga nang sabi niya, hindi siya mawawala sa'kin.
At ang pangalawa naman, hinahawakan niya ang kamay ko dahil... Simbolo 'yon na gusto ka ng tao.
Pero... Gusto niya 'ko?
Oh man, you're making me confused!
I pouted my lips and I saw him staring at me.
"May problema ba?"
Umiling ako, "Wala, hindi 'yon uso sa langit no!" Tumawa pa'ko ng pilit pero bakas pa rin na peke. Hays.
Ngumiti ako sakaniya, mas hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Hinawakan niya palang ang kamay ko para na'kong binuhusan ng ice bucket.
Nararamdaman niya rin kaya 'to? O ako lang 'tong nababaliw sa kinikilos niya?
"Teka!" Huminto kami sa paglalakad sa park at lumingon siya sa'kin.
"Uhm... Pili ka, isa or dalawa?"
His jaw clenched, "Bakit ako pipili?"
"Just choose, please?"
Nanliit ang mga mata niya, he licked his lower lip.
Oh please, stop.
"What's with the number one and number two? Bakit mo'ko pinapapili?"
I played my tongue. Temper, temper, temper.
"Basta pumili ka nalang, Elias, naghihintay ako", I justified the last words like what he've done a while ago.
"One, I choose the number one. Are you happy?"
Number one?
Ibig sabihin... Ayaw niya 'kong mawala?
Why, Eli?
Bakit ayaw mo'kong mawala?
Ano bang nagawa ko sa'yo noon bakit ganito?
The vision isn't clear yet but based on my reference, he chosed number one, therefore... Ayaw niya 'kong mawala.
Correct me if I'm right!!!!
Dahil hindi pa 'ko nagkakamali sa buong buhay ko.
Excemption dito sa langit, patay na pala 'ko.
Sorry, Eli but at least I need a basis.
Tumitig ako sa mga mata niya at gano'n din siya.
We remained silent for a while at hinuhukay namin ang mga sinasabi ng aming mga mata.
I bet he's thinking why I suddenly ask him about those choices.
Ako naman, iniisip ko bakit ayaw niya 'kong mawala?
Sino ka ba talaga Eli?
Ano ba'ko para sa'yo?
Sa mundo man o sa langit. Why I end up on you?
Ano ang kwento na'ting dalawa?
~Flashback~
YEAR 1978
"Elma! Halika rito, tabi ka sa'min!" Sigaw ng isang batang lalaki habang kinakaway ang kaniyang kamay.
Agarang nagsiksikan ang mga batang lalaki sa upuan para lang maka-upo si elma.
Maganda si elma, mainhin at pala-kaibigan. Halos ang mga batang kalalakihan sa bahay-ampunan ay nahuhumaling sakaniya.
Ngunit kahit isa, walang tumuring sakaniyang kaibigan.
Umupo si elma sa tabi nila, bata palamang siya kaya naman hindi niya alam ang intensyon sakaniya ng mga batang lalaki.
"Ako nga pala si David", naglahad ng kamay ang batang lalaki sakaniya.
Tumango at ngumiti si elma. "Uh, ako nga pala si El-"
Hindi na siya pinatapos at tinapik ang buhok ni elma, "Kilala ka na namin, elma", tsaka siya ngumiti sa batang babae.
Tumango naman ito at nagpakilala na rin ang ibang mga lalaki.
Iniisip niyang gusto lang nila makipag-kaibigan pero ang hindi niya alam nagkakaroon na ng kompentensya para lang sa atensyon niya.
"May itatanong sana 'ko", mainhin na tanong ni elma sa kaniyang mga kasama habang kumakain.
Agaran naman silang lumingon sakaniya at tinanong kung ano.
"Ano 'yon, elma? Sasagutin ko lahat!" Bibong sagot ng isa at nagtaas pa ng kamay.
"Bakit ang daming tao sa silid-aklatan ni sister meralda?"
Nagsi-tinginan sila na para bang naghahanap ng sagot
"Ah oo! May mga bisita nga tayo, narinig ko lang kina sister na may magdodonate raw na mga libro. Ang bait nila no?"
Sagot ng isang batang lalaki.
Umubo ng pilit si David, "Pupunta ka ba mamaya, elma?"
"Hm?" Napalingon si elma sakaniya. "Oo, ngayon ko lang narinig 'yon eh, baka masaya 'yon"
Ngumiti si David, "Oo sakto pupunta rin ako, sabay na tayo".
"Pero teka..." Pagsingit ng isang lalaki, "Hindi ba, bali-balita na may multo raw na nagpapakita sa silid-aklatan?"
Kumunot naman ang noo ni elma at mas nakinig pa sa usapan.
"Totoo ba 'yan, rob? Grabe, nangingilabot ako, oh!" Tinaas pa ng isang batang lalaki ang kamay niya at ipinakita ang mga nagtataasan niyang balahibo.
"Tama na, hindi totoo ang mga 'yan. Madilim lang talaga sa silid-aklatan kaya iniisip niyong may multo", humarap si David kay Elma, "Uh, huwag kang maniniwala sakanila. 'Wag kang mag-alala sasamahan kita", tsaka siya ngumiti.
Tumango si elma at ngumiti rin sa mga kasama niya sa hapag. Iba iba ang mga lamesa sa canteen ng bahay-ampunan at madalas na nakakasama ni elma ay ang mga kaibigang lalaki.
Ngunit ang hindi alam ni elma, sa kadahilanang kinaibigan siya ng mga batang lalaki, umusbong ang inis sakaniya ng mga batang babae sa bahay-ampunan.
"Elma, rito samahan mo kami. Magpapatulong lang sana" Anyaya ni cynthia- isang batang babaeng maganda rin tulad ni elma.
Matutulog na sana si elma ngunit biglang pumasok sina cynthia sa kaniyang kwarto at ang mga kasama nito sa kwarto ay natutulog na.
"Oras na tsaka baka makita pa tayo nina sister na hindi natutulog. Ayaw niyo pa bang magsleeep?" Inosenteng tanong ni elma.
Umirap si cynthia, "Tsk! Hindi naman sa ayaw namin, magpapatulong nga diba?" Mataray na bungad ni cynthia at nakapameywang.
Nagulat do'n si elma kaya naman ngumiti ng tipid si cynthia. "Please, para hindi na tayo mag-away at para friends na tayo" sabi ni cynthia.
Tumango naman si elma at sumama sakanila.
"Ano ba ang maitutulong ko?" Nasa likod siya sa mga kaibigan ni cynthia at sumusunod lang.
Huminto sila sa silid-aklatan.
Pinagkrus ni cynthia ang kaniyang mga kamay at hindi nawala ang ngiti nito, "Magpapatulong sana kami sa'yo"
Ngumiti si elma, "Ano 'yon?"
"Pwede bang pahanap yung librong..." Tumingin siya sa taas na para bang nag-iisip ng title ng libro, "Ah! Sense and Sensibility by Jane Austen. Hindi namin mahanap eh, maganda raw 'yon"
Lumingon si elma sa madilim na silid-aklatan at lumunok siya ng mariin, "Pwede pa bang pumasok?" Tanong niya at nagsi-tawanan naman sila.
"Aba, oo naman! Sige na, pumasok kana", si cynthia habang ngumingisi.
Bumalot sakaniya ang pangamba at takot pero dahil pinanghahawakan niya ang sinabi sakaniya ni cynthia na kapag natulungan niya ang mga ito, magkakaroon na siya ng mga kaibigan.
Tumango naman ito at binuksan ang pintuan ng silid-aklatan, "Thank you, elma. 'Wag kang lalabas hangga't hindi mo nahahanap, ayos ba?"
Hindi na siya nakapag-apila at nakapasok na siya. Sinarado agad ang pintuan at narinig niya pang nagtawanan ang mga kasama.
"Goodluck elma, Awooo", humagikgik sila sa tawa at binuksan na ni elma ang mga ilaw. Hindi ito laging binubuksan dahil nagtitipid sa kuryente ang bahay-ampunan.
Isang pamilya lang ang nagtayo nito ngunit nang namatay ang mag-asawa, wala nang nakapagpangalaga sa bahay-ampunan at tanging sa paghingi lang ng donasyon ito nagtatagal.
Biglang kinabahan si elma at hindi niya alam saan mag-uumpisa sa paghahanap.
"Pangalawang beses palang naman ako nakapunta rito, bakit sakin pa sila magpapatulong? Hays", bulong niya sa kalagitnaan nang paghahanap.
Biglang may gumalaw sa dulo ng shelf at agad siyang napalingon do'n. Sa sobrang kaba niya, naririnig na niya ang t***k ng puso niya at pinagpapawisan na siya dahil sa takot.
Ang unang naiisip niya ang nababalitaan niyang may multo sa silid-aklatan nila.
Sinasabing may bata raw na nagpakamatay dahil ayaw niyang sumama sa mga taong gustong kumupkop sakaniya. Nais niyang manatili sa bahay-ampunan kaya naisipan niyang magpakamatay nalang.
Nakarinig na naman siyang tunog isang boses galing sa dulo at naglakas-loob na siyang lapitan ito, "S-Sino 'yan? May tao ba diyan?" Nanginginig ang boses niya dala ng tako.
Naririnig niya ang paglipat ng mga pahina ng libro at ang paggalaw ng bookshelf sa dulo.
Nanginginig niyang hinawakan ang kaniyang damit habang papalapit na siya sa dulo ng shelf.
Napatakip siya ng bibig nang may nakita siyang paa. Naluluha na siya sa takot at tanging gusto niya nalang umalis pero hindi maggawa ng kaniyang mga paa dahil dala na rin ng kuryosidad.
Lumapit pa siya at mas nanginig sa takot.
Nang nakita na niya kung sino, hindi na niya napigilan ang sarili sa pagsigaw, "Aaaaaaaahhhhhhh!!!! Multoooo!!!"
Turo niya pa gamit ang hintuturo sa isang batang lalaking, nakasandal at nakapatong ang libro sakaniyang mukha habang nakakrus ang mga kamay.
Inalis ng batang lalaki ang libro sa mukha at kinusot ang mga mata habang tinignan si elma ulo hanggang paa.
"Haaaaa... B-Bata... Mul- MULTO!!!!!" Sigaw ni elma at tumayo ang batang lalaki tsaka siya tumawa.
"HAHAHAHA! Hindi ako multo, bata" sabi ng batang lalaki.
"H-Hindi ka multo?" Mahinang tanong ni elma sa batang lalaki.
Umiling ito at tumawa kay elma, "Mukha ba 'kong multo?" Hinawakan pa nito ang kaniyang tiyan sa kakatawa.
Kumunot ang noo ni elma at humawak sa kaniyang beywang.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?!"
Tumahimik na ang batang lalaki at inayos ang tayo habang nakapamulsa, "Nagbabasa"
Tumawa si elma at kumunot ang noo ng lalaki, "Teka..." Humalakhak si elma.
"Anong nakakatawa?" Tanong ng batang lalaki.
"Nagbabasa? Hahaha! Nakakatawa ka rin no? Paanong nagbabasa, eh nung pumasok ako rito nakapatay ang ilaw. Ano, natutulog ka lang naman!"
"Nakatulog ako dahil sa kakabasa, eh ikaw nga diyan, sumisigaw ka pa. Kung nakita mo lang itsura mo, grabe..." Aambang tatawa na sana ang lalaki nang pinigilan niya sabay tikom ng bibig dahil sa itsura ni elma na kunot ang noo at manliliit ang mga mata. "Biro lang" sambit ng batang lalaki.
Kunot-noo pa rin si elma at tatalikod na sana nang may naisip, "Uhm, pwede bang..." Pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri.
Nagtaas naman ng kilay ang lalaki, "Pwede bang...?"
"Pwede bang samahan mo'ko maghanap ng libro?"
"Ayoko", masungit na sambit ng batang lalaki.
"Dali na, sige ka! Sasabihin ko kina sister meralda na natutulog ka lang dito, ano? Magsusumbong ako at kapag nalaman nila, boo!" Panggulat niya pa pero hindi man nagulat ang lalaki, "Kapag nalaman nila, hindi kana ulit makakapunta rito"
Ngumiwi pa si elma habang matatalim ang tingin ng batang lalaki sakaniya.
"Deal. Sasamahan kita basta hindi ka magsusumbong", bantang sambit ng batang lalaki
Malapad ang ngiti ni elma, "Call!" Kumindat pa ito kaya naman nanlaki ang mga mata ng batang lalaki dahil sa gulat.
"Ano bang libro 'yon?" Biglang tanong ng lalaki habang natapos na nilang ikutin ang unang row ng mga shelf.
"Sense and sensibility ni wayne austen, ata", patuloy ang paghahanap nila.
Kumunot ang noo ng lalaki, "Wala akong kilalang author na gano'n ang pangalan"
Bumaling si elma sa lalaki, "Huh? Ehh baka maine? O kaya..." Tumingin pa siya sa taas, "O baka hindi austen ang apelido, si-"
"Jane Austen"
Nanlaki ang mata ni elma at tinaas ang hintuturo, "Oo, tama! Jane! Jane! Jane!"
"Walang gano'ng libro rito", pagsingit ng lalaki.
"Ano? Tsk, paano mo nalaman? Hindi pa nga natin nakakalahati 'to eh," turo niya sa mga nagtatayuang shelves, "tsaka meron yan panigurado"
Nagpatuloy si elma sa paghahanap at tumigil naman ang lalaki.
"Walang libro ni jane austen dito"
"How can you say that?"
Nagkibit-balikat ang lalaki, "I just know"
"Tss", iritadong tugon ni elma at lumipat siya sa kabilang row.
"Tumigil kana, pinapagod ka lang nila", lumapit ang lalaki kay elma tsaka niya hinawakan sa palapulsuhan.
Tinignan ni elma ito at dahan-dahang inalis ang kamay.
"Sige na, umalis kana. Hindi na kita isusumbong kina sister"
"Nabasa ko na ang mga libro rito, at kahit abutin ka pa ng magdamag hindi mo talaga mahahanap"
Napaawang ang bibig ni elma, "Talaga?"
"Hmm" sabay tango ng lalaki.
Nagbuga siya ng malalim na hininga at ngumuso, "Anong sasabihin ko sakanila kung gano'n?"
Mas lumapit ang lalaki sakaniya, "Kanino?"
"Kina cynthia, anong sasabihin ko kung hindi ko nahanap ang pinapahanap nila?"
"Wala na silang magagawa kung gano'n"
Naunang naglakad si elma papuntang pintuan. Nararamdaman niyang sumusunod lang ang kasama niyang lalaki sa kaniyang likod.
Nang hinawakan na ni elma ang doorknob, hindi niya ito mabuksan.
"Yung pintuan..." Pinipilit niyang buksan pero ayaw pa rin mabukas nito.
"Anong problema?" Umatras si elma at ang batang lalaki na ang humawak sa doorknob para buksan pero hindi pa rin mabuksan ito.
Sumisigaw na si elma ng tulong pero walang nakakarinig sakanila.
Sinubukan ng batang lalaking buksan ito gamit ang dulo ng bookmark ngunit wala pa rin, "Nasa labas ang kandado, hindi talaga tayo makakalabas nito hangga't walang magbubukas sa labas"
Binagsak niya ang kaniyang mga balikat at umupo, "We're stuck", pabulong na sabi ni elma at yumuko.
Tumabi ang batang lalaki sakaniya at umupo, "Maghintay nalang tayo na may magbubukas"
"Hayyy, ano pa nga ba"
Nanatili silang tahimik habang nakatulala at titig sa mga libro.
"Bakit mo ginagawa 'to?" Biglang tanong ng batang lalaki.
"Ang alin?" Tugon naman ni elma.
Lumingon ang batang lalaki kay elma at tinitigan ito, "Bakit mo hinahayaang gawin nila sa'yo 'to?"
Bumaling naman siya at nakita ni elma sa mga mata ng batang lalaki ang kuryosidad at adorasyon.
Hindi ito sinagot ni elma at tumitig lamang siya sa mga mata ng batang lalaki.
Nagtaas ito ng kilay at naghihintay ng sagot.
"Ginagawa ko 'to dahil gusto ko lang naman magkaroon ng mga kaibigan"
"Maraming gustong makipag-kaibigan sa'yo" seryosong tugon ng batang lalaki habang hinuhukay niya ang mga mata ni elma.
"Nasaan?" Bumaling ulit siya sa batang lalaki, "Sinasabi nga nila na gusto nila akong maging kaibigan, na masaya siguro akong kasama pero nasaan na sila?"
Nanatili silang tahimik at hindi na nakasagot man, ang batang lalaki. Sinandal ni elma ang kaniyang ulo sa balikat ng lalaki at nabigla naman ito.
"Paano na bukas niyan?" Biglang tanong ni elma at bakas sakaniyang boses ang antok.
Umayos ng upo ang batang lalaki at hinawakan ang ulo ni elma para ayusin sa posisyon, "Alam mo lagi ka nalang nangangamba sa mga susunod na mangyayari"
"Ganon... Naman talaga dapat. Hmmm, natatakot kase ako, eh"
"Inaantok kana, matulog ka na muna", tinatapik niya pa ang buhok ni elma.
Dahan dahan naman tumango si elma, "'Wag mong isusumbong sina cynthia kina sister merald, huh?"
"Bakit ba pino-protektahan mo sila? Uulit-"
Hindi na siya pinatapos at malakas na humilik si elma.
Sinilip ng batang lalaki ang mukha ni elma at nakita nga niyang natutulog na ito.
Ngumiti ito at inayos ang ulo ni elma sakaniyang balikat habang tinatapik ang ulo nito at pinagsiklop niya ang kaniyang kamay sa kamay ni elma.
Sinandal din niya ang kaniyang ulo at natulog na may ngiti sa mga labi.
Mga oras na ang lumipas at nakarinig sila nang pagbukas ng pintuan.
"O dios ko po ginoo!" Nagsign of the cross pa ang isang madre sabay tapik kina elma, "Naku, bata kayo! Anong ginagawa niyo at dito kayo natulog?!" Hestirya niya.
Strikta ito at hindi tulad nila sister meralda, mas may mataas na posisyon si sister Grace at dahil na rin sa katandaan.
Kinusot ni elma ang kaniyang mga mata, at lumabas na sila.
Nagulat si elma nang nakita niyang maliwanag at umaga na.
Unang bumungad sakanila ay sina cynthia at ang iba nitong mga kaibigan. Andoon din ang ibang mga madre.
"Ngayon magpaliwanag kayo, bakit kayo nasa silid-aklatan ng buong magdamag? Kinakandado ang silid-aklatan alas-onse ng gabi, ibig sabihin alas-otse ay wala pa kayo sa inyong mga silid?! Dios ko ginoo, patawarin niyo ako!" Napasapo pa si sister Grace.
Bakas sa mukha ni elma ang takot at kaba.
Tumingin si elma kina cynthia na matatalim ang mga tingin habang ang tingin naman ng batang lalaki ay nakapako kay elma.
"Kase po sister Grace...", mahinang sambit ni elma bakas ang kaba at takot habang hindi nawala ang tingin niya kina cynthia.
Pinaglalaruan niya ang kaniyang mg daliri at nag-iisip ng irarason, "Ano po kase sister..."
Biglang hinawakan ng batang lalaki ang kamay ni elma tsaka nagsalita.
"Kagabi pa po kaming nasa silid-aklatan at natuwa po kami sa pagbabasa. Pasensya na po sister Grace. Hindi po namin namalayan ang oras kaya ho nalocked kami. Pasensya na po. Hindi na po namin uulitin", pagsisinungaling ng batang lalaki at bumaling muli kay elma na ngayon ay gulat at may bahid na takot.
Biglang dumating si sister meralda at dinaluhan sina elma. "Sister... Ano pong nangyayari? 'Wag niyo po takutin ang mga bata sister", pagtatanggol ni sister meralda.
"Aba! Magdamag silang natulog sa silid-aklatan at baka ano ang pinaggagawa nila!"
"Sister!"
Nanlaki ang mga mata ni elma sa gulat at napataas ang boses ni sister meralda.
"Sister grace, ako na po ang bahala sa kanila. Pasensya na po kung ano man ang nangyari, ako na po ang humihingi ng paumanhin", dagdag ni sister meralda.
Muling pinasadahan ng tingin ni sister grace ang dalawang bata at tumalikod na.
Lumuhod naman si sister meralda upang suriin kung ayos lang ba ang dalawa.
Tinanong ni sister meralda ang nangyari at ang batang lalaki ang nagkwento.
"Ibig sabihin, hindi pa kayo nakakakain ng almusal at magdamag kayong nalocked sa silid-aklatan?!" Pag-aalalang tanong ni sister merald.
Pilit at dahan-dahang tumango si elma. Hindi pa rin binibitawan ng batang lalaki ang kamay ni elma.
Nakaramdam ng ginhawa si elma dahil sa pagkahawak ng batang lalaki sakaniyang kamay. Sa isang paghawak lamang, libo-libong emosyon ang nararamdaman ni elma.
Hindi nga iniwan ng batang lalaki si elma hanggang sa makapunta sila sa canteen.
Pinagtitinginan sila at bakas sa mga mukha ng mga bata ang gulat at kuryosidad. Inupo ng batang lalaki si elma at ngumiti siya rito.
"Kumain ka ah? Babalik na ko sa kwarto ko dahil may gagawin pa'ko eh" ngumiti siya kay elma at tinapik ang ulo, "Sabihan mo 'ko kapag may nang-away sa'yo, ah? Akong bahala" pinasadahan niya pa ito ng matamis na ngiti.
"Anong gagawin mo?" Mahinang tanong ni elma at yumuko ng kaonti ang batang lalaki para magpantay sila.
"Ibabalik ko ang mga librong hiniram ko sa silid-aklatan-"
"Pupunta ka ulit doon?!" Napataas ang boses ni elma at nagulat naman ang batang lalaki sakaniya.
Tumango ito, "Oo, marami 'yon kaya kailangan kong ibalik 'yon bago mag gabi. Baka ako naman mag-isa ang makandado" pabiro niyang tugon.
Iba ang narinig na sagot ni elma galing sa batang lalaki tungkol sa gagawin ng batang lalaki kung man may umaway muli sakaniya.
Nag-isip ng itatanong si elma dahil sa hindi masabing dahilan, kapag kausap niya ito ay nakakaramdam siya ng ginhawa.
"Ikaw lang mag-isa?"
Tumango naman ang batang lalaki, "Oo. Bakit?"
Umiling naman si Elma, "Wala, uhm... Sige"
Hinawakan ng batang lalaki ang ulo ni elma at bakas sakaniya na ayaw niyang umalis at iwan si elma na mag-isa.
"Anong gagawin mo? Kapag inaway nila 'ko?" Malambot at mahinang tanong ni elma.
"Isusumbong ko sila kina sister at hindi na sila makakalapit sa'yo. Magkaibigan na tayo, elma. Kaya ako na ang bahala sa'yo", tsaka ngumiti ang batang lalaki.
Dahan-dahang tumango si elma at hinahayaan niyang pagmasdan siya nito.
Tumitig ang batang lalaki sa mga mata ng batang babae, "Wala ka pang itatanong?"
Hindi nakapagsalita si elma at biglang kinabahan. Kabang hindi niya alam para saan.
Dahan-dahan naman tumango ang batang lalaki habang si elma naman ay tanaw tanaw ang batang kaibigan na naglalakad papalayo.
Biglang bumulong si elma.
"Anong pangalan mo?"
Ngunit ang batang lalaki ay naglalakad na papalayo.
~End of flashback~