"Eli..."
Bulong ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad.
"Hm?" Tugon niya habang diretso ang tingin.
"May mga nakilala ka rin bang tao rito sa langit? Tulad nang ginagawa ko ngayon, kilala ko man o hindi, naranasan mo rin ba 'to?"
Umupo kami sa may bench habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa paligid.
Tumango siya, "It is necessary, martha. So, we can able to learn and remember those memory we've forgotten when we were alive. In that way, we can enter the kingdom of Him", sabay turo niya sa itaas pa gamit ang hintuturo.
Lumingon ako kay eli, "Sino?"
"God. Before we can enter to his kingdom, we should completely settle the things we've left in the world. So, we can take the 40 days journey"
Tumango naman ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.
Humarap ako sakaniya, "Kaya ba may mga kaluluwa na nagpaparamdam pa rin sa mundo dahil hindi pa talaga sila patay?"
"They are dead. But, our soul isn't that settle enough to live in the kingdom of God. Kapag nakapaglakbay kana sa ika-apatnapung araw, maaari kanang tumuloy sa pinaka langit"
Nanatili kaming tahimik at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
Biglang may lumapit sa'ming bata. Isang batang lalaki.
A cute little boy with a cleft chin and a fair skin. He has a brown curly hair and a black iris in his eyes.
"Hey, why are you crying?" Tanong ko at inupo siya sa pagitan namin ni Eli.
Humihikbi ang bata, "I... I wanna ride there," turo niya sa isang ride, "but I'm scared"
Sa mga sinabi niya, doon ko narealize na kahit nasa langit ka, mararamdaman mo ang takot dahil mag-isa ka lang.
Hinawakan ko ang kaniyang likod, "What's your name baby boy?" Tanong ko.
"G-Gabriel" he utterly said.
I pity this kid. Maaga niyang iniwan ang kaniyang mga magulang. I hope his parents were trying their best to be fine.
Biglang lumuhod si eli sa harapan ng bata. "Then, let's go. Me and ate martha will join you, so don't be scared, okay?" He caressed the young boy's hair.
"Can I call you papa?", nabigla si Eli sa tanong ng bata at napangiwi ako.
Hindi nakapagsalita si Eli, he swallowed hard and he smiled to the young boy. "Of course", he caressed the boy's cheeks habang may mga hikbi pa.
Hindi ko na napigilan at tumawa na'ko, "Pasensya na. Pasensya, kiddo you sure you want him to be your papa?"
Tumango naman ang bata habang nakanguso pa, "Then, you will be my mama".
Nagpigil naman ng tawa si Eli at tinakpan ang bibig gamit ang kaniyang fist.
Inirapan ko si Eli at ngumiti sa bata, "Sure, baby boy" I caressed his hair.
Dahan dahan naman ngumiti ang bata sa'kin, "I know you", while pointing at me.
"Really?" Tanong ni Eli.
Tumango ulit ito at nanlaki ang mga mata ko.
"So, you and mama martha know each other, huh?" Pagsingit ni Eli.
"She doesn't know me, but I know her. She is strong and scary", he pouted.
Namutla ako sa sinabi niya. How did he know? Hindi ako nakapagsalita dahil alam ko sa sarili kong totoo.
---3rd Soul---
In earth, some people were scared of me. Not because of the title and authorities I have, but the personality that I possessed.
Ang sakit lang na pati bata, alam at kinakatakutan ako.
"But for me, you're not" ngumiti ang bata sa'kin at hinawakan ang mga daliri ko dinala niya ko sa mga rides.
Sumunod lang si Elias sa'min.
Una kaming sumakay sa loop coaster. Ngayon nalang ulit ako makakasakay sa ganito at unang pagkakataon ko pang makakasama ang isang bata at si...
Nasaan na naman si Eli?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakita ko siyang nakatayo sa baba ng hagdanan, standing tall while crossed arms at nakangiting kumakaway habang pinapanood kami.
What's wrong with him?
Bumaling ako sa bata, "Sandali lang ah, tatawagin ko lang si papa Eli mo"
Masayang tumango ang bata.
Bumaba ako sa may hagdanan at lumapit kay Eli.
"Bakit ka nandyan? Hindi mo ba kami sasamahan?" Kunit noo kong tanong.
Bumaling ulit siya sa coaster, "Uh, hindi na. I'll be watching you here. Sige na, hinihintay ka na ng anak natin"
Namula ako sa sinabi niya, but I don't know if he's insulting me or he's swaying me away to avoid the issue.
"Look, ikaw nagsabi sa anak natin," I emphasize the last two words, "na sasamahan natin siya para hindi matakot. Then, what's with the problem? Oh, come on! PAPA Eli", may diin ang salitang papa at ngumisi ako.
"Mama! Papa!" Sumigaw si baby Gabriel at ngumiti ako sakaniya at iminuwestra ang palad bilang sign na maghintay pa muna siya dahil ang papa niya ay wala na naman sa sarili.
Nanliit ang mga mata ko at pinagmasdan siya ulo hanggang paa, "Don't tell me...", ngumisi ako sakaniya.
"What?" His voice turned into husky and deep.
Look who's being tense and defensive.
"'Wag mo sabihing ang Elias na nasa harapan ko ngayon ay natatakot lang sumakay sa isang ride", hindi ko na napigilan at humalakhak sa tawa.
"Tss", he glanced at me and he bite his lower lip.
He swallowed hard and he suddenly held my hand, "Let's go", bigla niya akong hinila at sumakay na nga kami sa coaster.
The excitement and thrilling emotion I've felt only here in heaven, is undying!!!
Todo ang sigaw at kapit ko kay Eli habang si Eli ay naninigas sa kaniyang inuupuan habang namumutla.
Si baby Gabriel ay katulad kong sumisigaw at sinisigaw niya ang pangalan namin ni Eli.
Natatawa ako sa nararamdaman ngayon, lalo na't ngayon ko nalang naramdaman 'to.
Katapos naming sumakay sa coaster, sumakay naman kami sa ferris wheel.
Kaso dalawa lang ang kasya bawat upuan pero tatlo kami.
Humarap ako kay baby Gabriel at nakita kong gusto nga niyang sumakay, "You will be with papa Eli, okay? I'll go with the other seat" ngumiti ako sakaniya pero ngumuso lamang siya.
Umiling siya, "I think papa needed you more than I", tsaka siya ngumiti.
Lumungon ako kay Eli at nakitang paakyat palang siya sa hagdanan nitong coaster.
"I'll be with the other seat, mama. Don't worry", he hugged me and he sitted beside a ramdom soul?
Sound so weird here in heaven to call people as souls.
"Where's our baby?" Tanong ni Eli habang lumilingon sa ferris wheel nang saktong naka-akyat na siya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at namula ako. I can feel my cheeks heated like it will going to burst.
"Tara, naka-upo na siya", umupo na'ko at gano'n din siya.
Sa sobrang lapit at dikit namin, para akong nakukuryente sa balat niya.
Saan ba ako kinakabahan? Sa ride o sakaniya?
Kung kanina si Eli ang namumutla, feeling ko ako naman ngayon.
"Are you alright?" Lumingon si Eli sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
Bakit na naman niya hinahawakan kamay ko?
He interlocked our fingers and tightly hold my hands, "I'm scared, kaya pahiram muna ng kamay", sinabi niya na para bang alam niya ang nasa isip ko.
Tinignan ko ito and I swallowed hard.
After ng ferris wheel, sumakay pa kami sa isang ride at katapos noon nagpahinga muna kami.
Bilib din naman ako kay Eli, kahit takot hindi nagreklamo. Kahit hindi sanay, nakuhang magtiis. That's my man.
Kumunot ang noo ko sa inisip, get your senses back, Martha!!!
Sa aming paglalakad biglang lumuhod si Eli kay Gabriel, "What do you want to eat, hm?" He tapped Gab's head.
Lumingon lingon pa si baby Gab para bang naghahanap ng makakain, "Ah! I want ice cream", turo niya sa isang stall.
Ngumiti naman si Eli at tumayo, "Stay with mama, okay? Kukuhs lang si papa ng ice cream", tsaka niya pinisil ang pisngi nito.
Tumango si Gab at ngumiti sakaniya, my heart suddenly melt.
How cute!
That conversation makes my heart melt and soften.
Umupo kami ni Gab sa isang bench wood habang hinihintay si Eli.
Bigla akong may naalala kaya nagtanong ako sakaniya. Though I'm a bit hesitant because he's too young but I should know.
"Uhm, baby... Mama has a question. Can you answer it?"
Humarap siya sa'kin at nakita ko ang maamo niyang mukha na nagpalambot sa puso ko. Tumango siya at ngumiti.
"How do you know me? Did I scared you when you're alive? I mean when we were alive?"
Tumingin siya sa taas at nag-isip tsaka umiling, "Nope, but my real mama was scared of you"
I bit my lower lip, "Who's your mama? The real mama? Is she alive?"
"Yes, she's working in a place where people mostly eat. She used to serve people there".
"Tell me more, baby" I said without removing my attention to him.
"Uhm... when I'm alive my mama always bring me to her work and I also sleep there whenever I waited my mama. She wakes me up through her kisses and hugs"
Kumunot ang noo ko sa naririnig, "How did you die?"
"I was hit by a car. It was dark because it is night. Then, I heard a loud sound of a beep that's why when I opened my eyes, I saw a green car"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naririnig, everything is making sense.
May namumuong ideya sa isip ko na ang hirap buuin at tanggapin.
"You said your mother is working in a place where people mostly eat? Is it a restaurant?" Tanong ko at nakatitig ako sakaniyang mga mata.
Tumango siya at lumunok ako.
"Then, your mama used to serve those people, so she's a waitress... R-Right?"
"Yes"
Sa ilang segundo hindi ako makagalaw, triple ang kaba na meron ako ngayon. Konting impormasyon pa at makukuha ko na ang nasa isip ko.
"A-And, you said that you used to stay in her work. Am I right? Ibig sabihin malapit lang ito sa lugar kung saan ka na-aksidente, gano'n ba?"
Tumango siya, "Yes"
"Dark night and red car, isn't it?"
"Dark night" tsaka siya umiling, "but green car"
Kumunot ang noo ko, My idea was almost there. Isang sasakyan lang ang maaaring panghinalaan ko.
So there's another car?
Maliban sa kulay pulang na-encounter ko?
Could it be?
Napasapo ako ng bibig gamit ang mga kamay ko.
Suddenly, I felt my tears coming down into my cheeks. My heart is beating so fast like isn't normal here in heaven.
That incident...
I was there.
How could be the world so small?
I felt a bit guilty and shamed.
Ang babaeng sinigawan ko sa restaurant noong gabi.
Hindi ba 'yon ang mama ni baby Gabriel?
Pero sa dinami-rami ng mga empleyado bakit siya agad ang unang naisip ko?
No, perhaps I was just mistaken.
Hindi siya 'yon, but... Someone whispered that I was right. Iyong mga taong nagkaroon ako ng interekasyon bago ako mamatay ay magkakakonektado?
Iyong gabing may sinigawan din akong humaharurot na sasakyan.
Hindi ba sila konektado?
Why I feel like I have a responsibility?
Third's POV
~Flashback~
"I said my wine! Obvious ba? Wala pang laman ang wine ko, ayos ka lang ba? You want me to call your manager so you can rest?!"
Sinigawan ni martha ang waitress kaya naman mas kinabahan ito at nataranta. Agaran naman siyang pumasok upang kumuha ng wine.
"Marites, namumutla ka na. Kaya pa ba?" Tanong ng isang kasamahan niya habang nag-susuot ng apron na papasok palamang. Iba ang shift niya at patapos na dapat siya pero dahil maraming costumer, kailangan munang mag overtime ng mga morning shift.
Tumango naman si marites habang naglilikas ng mga yelo sa isang bucket, "Oo, kailangan para matapos ako agad. Natutulog pa ba si Gab?"
Lumingon ang babae sa pinanggalingan kanina, "Huh? Dinala mo si-"
"Wait lang, bigay ko lang 'to", pagsingit ni marites.
Sumigaw ang isang manager, "Yung wine raw!"
"Coming, Sir!" Sabay punas ni marites sa mga pawis niya na ramdam niyang tumutulo na.
Nang naibigay na ni marites ang wine, tinignan siya muli ni martha ulo hanggang paa, "I-Is there something else you need, ma'am?", bakas ang kaba sakaniya.
"Pour it"
"P-Po?"
Napa-pikit si martha sa irita at padabog na binitawan ang mga kubyertos, "Bobo ka ba sa ingles?!"
"I wanna know how you get in here, you slut and i***t. Your job is just simply as what you are. Cheap and disgusting woman who is too illiterate in some simple instructions"
May diin ang bawat salita ni martha. Umusbong ang inis ni marites dahil sa naririnig.
"T-Teka ho ma'am, ano po bang pinagsasabi niyo? Nakaka-insulto na po kayo"
"Oh really? Are you insulted? Then, not my problem", umirap si Martha.
"Ma'am, pwede niyong husgahan ang trabaho ko pero wala kayong karapatan para husgahan ang pagkatao ko!"
"Excuse me?!" Padabog na hinampas ni Martha ang lamesa, "How dare you talked back to me?! Hindi mo ba'ko kilala? Mas mataas ako sa'yo... Ikaw mababa ka lang! b***h!"
Nagsi-tinginan ang mga taong kumakain do'n at nasa kanila na ang atensyon.
Lumapit sakanila ang manager, "Ma'am, excuse me. Is there a problem?"
Hindi nawala ang tingin ni Martha kay Marites, "Stupid"
Nilagay ni Martha ang kaniyang bayad sa lamesa at dali-daling umalis.
Nagbuga ng malalim na hininga si Marites.
"Magpahinga ka muna, marites. Hindi mo na duty ngayon. Tsaka wala na rin si boss may biglaang emergency sakanila kaya pwede kana umalis", paalala ng manager nila.
Umiling si Marites, "Naku po, ayos lang po ako. Napikon lang po, Sir. Pasensya na ho", tsaka siya yumuko.
"Pero utos ko na 'to, nasobrahan ka na sa oras ng trabaho. Dumating na rin si Mona, kaya maaari ka nang umuwi. Salamat sa pag overtime, marites"
Tipid siyang ngumiti at dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang apron. Napasabunot siya dala ng pagod at bigla niyang naalala ang anak niya.
Agaran siyang pumasok sa isang kwarto na kung saan pahingahan ng mga empleyado at doon nakita niya ang kumot na nahulog, pero wala na mismo ang kaniyang anak.
"G-Gab?" Nanginginig siyang hinahanap ang anak. Tinignan niya ang Exit ng kanilang kwarto na kung saan labas na ang bubungad nito, at doon niya nakitang nakabukas ang Exit door.
Lumabas siya sa restaurant na natataranta dahil alam na niya kung bakit nawawala ang kaniyang anak.
May sleeping disorder si Gabriel. Isa ang narcolepsy na kung saan ito ay 'sleeping attacks' o bigla nalamang siyang makakatulog sa hindi inaasahang oras at ang isa pa ay Sleep walking.
Sila nalang dalawa magkasama sa buhay, kaya naman ayaw niyang iwan ang anak na mag-isa. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi isama ito sa trabaho.
Sa kabilang banda, habang nagmamaneho si Martha, biglang may sumingit at humarurot na sasakyan na kulay pula.
Binuksan ni Martha ang salamin ng sasakyan niya, "f**k you!" Sigaw niya.
"Gago 'yon, ah! Ang bilis magpatakbo ng ulol", bulong niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Sa di kalayuan, may nadaanan siyang mga sasakyan na nakaparada at nakarinig siya ng sirena ng ambulansya at pulisya.
Umirap siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Ngunit sa sitwasyon ni Marites, tila ba hindi niya maramdaman ang lamig ng gabi kung hindi mas pinagpapawisan pa siya.
Libo-libong kaba ang nararamdaman niya ngayon kasabay nang patulo ng mga luha nito.
Patuloy siya sa paglalakad, sa madilim na gabi. Tanging mga hikbi niya ang naririnig niya. Lakad-takbo na ang ginawa niya habang sinisigaw ang pangalan ng anak.
Ngunit sa isang tunog, napatigil siya at nanigas sa kinatatayuan. Nakarinig siya ng sirena ng mga pulis sa di-kalayuan at parang pinagbagsakan siya ng lagit at lupa.
Dahan-dahan siyang napapaluhod kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha.
Pinilit niyang tumayo ngunit sa dala ng panghihina hindi na tuwid ang kaniyang lakad.
Muli siyang tumayo at dali-daling pumunta sa lugar kung saan narinig ang sirena, hindi nga siya nagkakamali.
Malapit lang ito sa kaniyang pinagta-trabahuhan kay naman dali-dali siyang lumapit sa mga nagkukumpulan ng mga sasakyan at tao.
"Grabe, kawawa naman. Ilan taon na 'yan?"
"Asan ba mga magulang niyan? Nakita ba sino nakabunggo?"
Tila ba naging hangin sakaniya ang mga naririnig at tanging panginginig ng mga kamay at tuhod ang naramdaman niya.
At doon niya nakita ang kaniyang anak... Duguan at walang malay na nakahiga at ipanapasok sa ambulansya.
Sinisigaw na niya ang pangalan nito pero ang gusto niyang marinig ang boses mismo ng kaniyang anak. Hinalikan niya at hindi binibitawan sa pagkakayakap dahil nagbaba-kasakaling magigising ang kaniyang anak tulad nang ginagawa niya noon.
Ngunit huli na, ang isang kayamanan na meron si Marites ay biglang naglaho. Ang tanging dahilan bakit siya nabubuhay ay tuluyan ding nawala.
~End of Flashback~