Chapter 1
Isang malamig na biyernes ng gabi ay naghahanda nang umuwi si Julia. Sa wakas, dahil natapos ang stressful na linggo na puno ng meeting at deadline ay makakapagpahinga na siya ng dalawang araw.
"Tara, Julia, gimik tayo tonight, weekend naman bukas," paanyaya ni Neri.
Dahil hindi naman siya palagala at alam niya kung saan patungo ang mga ito, tumanggi si Julia sa alok ng katrabaho.
"Pass muna ako, Neri alam mo namang taong bahay lang ako," banggit nya.
"Ilan taon ka na ba? Twenty-seven? Maaga kang malolosyang n'yan Julia. Enjoy while we are young, and besides hindi naman masamang lumabas paminsan-minsan," tugon naman sa kanya ni Neri.
Kung sa bagay ay may punto naman ito, siguro sa tanda niyang iyon ay mabibilang lang sa daliri ang pagkakataong nakapasok siya sa mga bar para mag saya. Hindi naman siya titigilan nito kaya hindi nagtagal ay pumayag na rin si Julia.
Sa isang mamahalin bar sila nag punta sa may Taguig medyo marami ng tao kaya agad sila nag tungo sa may bandang itaas, omorder naman ang isang kasama nila ng tikila at iba pang nakakalasing na inumin. Samantala na upo na sila Julia. Maya-maya lamang ay dumating na ang waiter, tumangi naman si Julia na tanging ice tee lang ang inorder habag patuloy naman siyang kinakatyawan ng mga kasama nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit muli ang waiter na may dalang inumin at nilapag ito sa tapat ni Julia.
"Lemon drop martini ma'm," wika ng waiter
"I'm sorry pero sa maling lamesa mo yata na ibigay, hindi ako ang omorder n'yan," sambit naman ni Julia, ngumiti lang ang waiter sabay nag salita.
"May nag papabigay lang po ma'm," saad naman ng waiter
"Wow, naman ang haba naman ng hair ng friend natin" bulalas naman ng Isang friend ni Julia. Ngunit ng ituro ng waiter kung sino ang nag pabigay ay likod nalamang ang kanilang nasilayan.
"Inferness likod palang yammy na, sana pag harap hindi shaka," wika ni Neri
Hindi naman siya nagpadala sa mga kantiyaw ng kanyang kaibigan tumanggi siyang inumin ito sa pag-iisip na baka hinaluan ito ng lason kong ano mang pampatulog, minabuti niyang isauli ito sa waiter pero pinigilan siya ng mga kaibigan.
"Wag sayang naman yan," sambit ng Isang kaibigani Julia. "Ano ka ba Julia normal lang yan na binibilhan ng ladies drinks sa bar. Lalo na kapag nagandahan sayo o gustong kuhanin ang number mo. Palibhasa kasi hindi ka madalas mag punta dito," wika ni Neri sa kaibigan si Julia
"Hindi naman ako ganun kadaling utuin basta hindi ko iinumin yan! Bahala kayo kung gusto niyo sa inyo na!" naka smid na mataray na sambit nito.
Lumipas ang ilang oras ng kwentuhan at sayawan nakalimutan na ni Julia yung tungkol sa nangyari kanina, matapos mag bayad ay nagpasya na silang umuwi, mga bandang alas dose e medya nayata iyon. Sa pagdating ni Julia sa kanyang bahay ay may, kakaiba siyang naramdaman na parang may nakasunod sa kanya.
"May tao ba jan?" Ilang minuto pa siyang nag antay bago tuluyan Binuksan ang gate. Mag-isa lang si Julia sa Maynila dahil nasa cebu ang kanyang pamilya.
Nang matapos si Julia maghilamos at magsipilyo, ay nagpalit na siya ng damit pantulog. Habang nagbibihis at nakaharap sa salamin ay isang malamig at malakas na hangin ang kanyang naramdaman na para bang may biglang dumaan. Agad niyang kinuha ang kamison at nagtungo sa banyo at doon na siya nagpalit ng damit.
Matagal na siya naninirahan sa bahay na iyon ngunit wala naman siyang nararamdaman na kakaiba kaya labis na lang ang pagtataka ni Julia sa nangyari kanina.
"Hindi kaya nilagyan ni Neri ng alak na ininom ko, kaya kung ano-ano na nasa isip ko? 'uhm, Hindi naman siguro?" wika n'ya sa kanyang sarili.
Bago mag pasiyang matulog si Julia ay siniguradong n'ya muna naka-lock ang mga pinto pati ang mga bintana bago siya humiga sa kama, hawak ang kanyang telepono habang nagpapaantok. Isa sa mga friend request niya ay isang nag-ngangalang Black Valentine tinignan niya ang profile nito ngunit naka private. Hanggang isang mensahe ang pinadala ng naturang user.
Black Valentine ones to send you a message accept or reject?
Hindi na siya nag aksaya ng panahon para basahin ang mensahe bagkus ay binura niya kagad ito. Nag patuloy siya sa pagbabasa ng mga ganap sa kanyang news feed hanggang dalawin na rin siya ng antok. Hindi na niya napigilan ang pagpikit habang hawak ang kanyang telepono.
Maya-maya pa, isang itim na usok ang bumalot sa buong kwarto ni Julia, ang usok ay naging mga paniki habang ang mga paniki ay nabuo bilang tao, isang matangkad na lalaki na may maputlang kulay ng balat matangos ang ilong at makapal ang kilay, pulang-pula ang mga mata nito, na nakapako lang ang paningin sa natutulog na dalaga. Lumapit ito kay Julia na mahimbing na natutulog. Malagkit ang titig ng lalaki sa bandang leeg ng dalaga, ibinuka nito ang kanyang bibig at lumabas ang matutulis nitong mga pangil.
"Uhm, Napaka bago nakakapanibago? Ngayon lang ako nakakita ng tulad mo," bulong nito sa natutulog na dalaga. Pero imbis na kagatin ito ng Bampira ay kinuha nito ang telepono ni Julia at binuksan ang kanyang f*******:. Walang kamalay-malay si Julia na magkaibigan na sila ni Black Valentines sa naturang social media, muli niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa at tila sobrang namangha sa kagandahan ng dalaga. Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanyang taglay na kagandahan na may maamong mukha at maninipis na labi.
"Aking Julia" wika nito na muling naglaho bilang itim na usok na lumulusot sa mga bintana at pinto para makalabas pasok. Sa isang iglap ay nasa isang magarang bahay na ito na animoy palasyo. Hinubad niya ang kanyang itim na polo at tumambad ang magandang hubog ng katawan nito, nag suot ito ng itim na rob at nagtungo sa Veranda, kong saan pinagsilbihan siya ng sariwang dugo ng isa sakanyang mga kasambahay. Lahat ng kanyang tauhan at mga kasama sa bahay ay kapwa niya bampira. Siya si Vladimir tatlong daan at pitumpu't walong taong gulang nagmula ito sa kaharian ng Regat, si Vladimir ay isa, sa mga matanda ng bampira na may mataas na katungkulan. Umiikot siya sa buong mundo. Nagmamatyag at nakikihalubilo sa mga mortal, bilang isang malakas na bampira ay may kakayahan itong maglakad sa ilalim ng araw maging invinsible. Triple ang lakas nito kumpara sa mga tao, may kakayahang bumasa ng isip at makarinig sa malayo, mabilis, maliksi, at ubod ng Talino.
Magtatatlong taon na siya sa pilipinas na sa parehong Bar siya kanina sa taguig, ng makita ang pagdating ng grupo nila Julia.
Nagtatrabaho si Vladimir bilang isang doktor sa isang ospital kung saan s'yadin ang may-ari.
Nang makita niya si Julia ay agad itong nabighani sa ganda ng dalaga kaya sinubukan nyang bilhan ito ng inumin. Agad siyang tumayo upang bumaba ng hindi tinanggap ni Julia ang inumin, nanatili itong nakamatyag sa dalaga buong oras hanggang sa makauwi ito.
Kinuha ni Vladimir ang kanyang telepono at tinignan ang profile ni Julia, twenty-seven years old at taga Pasig. Nandoon din ang mga litrato ng dalaga na labis namang ikinatuwa ng bampira.
"Sir Vladimir, pinapatawag po kayo ng Cousil sa Rigat," wika ng isa sa mga katulong ni Vladimir.
Nagtungo na si Vladimir sa kanyang silid aklatan. Kong saan ay hinawakan ang isang pigurin, sa isang iglap lang, ay bigla naman itong naglaho na parang bula.