Chapter 2

1089 Words
Narating ni Vladimir ang isang napakalaking palasyo sa Rega. Habang nag lalakad ito patungo sa council room, ay may sumunggab sa kanya mula sa likuran, mabilis naman niya itong hinawakan saka ibinalibag, paglapag sa sahig ng palasyo, ay kagad itong nagkapirapiraso, tiyaka nabuong muli. "Wala ka parin talagang kupas Vladimir," wika ng isang lalaki, habang inaayos ang kanyang kwelyo, ito ay isaring bampira, kababata at matalik na kaibigan ni Vladimir. Kabilang ito sasamahan ng mga bampira na nagmamasid sa kilos ng mga mortal at nanatili itong natural. Samantalang ang samahan nila Vladimir ay bukas sa pakikisalamuha, sa mga tao, layunin ng kanilang Coven na magkaroon ng maayos na samahan ang bampira at mga tao, at kapwa mamuhay ng matiwasay sa mundo. "Kamusta kana Agustus, anong dahilan at bakit may biglang pagpupulong ang council?" Hindi naman Nag salita si Agustus, hanggang marating nila ang kwarto ng council, kung saan nag sitayuan ang ibapang bampira, bilang tanda ng pag galang. "Na gagalak kaming makita ka Vladimir," pagbati ng punong taga pamahalaan. "Para saan ang pagpupulong.? Parang importante, dahil wala naman ito sa aking schedule," tanong niya. Nabanggit ng pinuno ng council ang patungkol sa isa pang Coven, o grupo ng mga bampira, ito ay pinamumunuan ng kababata nila ni Augustus, na si Luisa, sila ang mga bampira, na naniniwalang mapanganib ang mga tao at kailangan maubos, ng saganon ay solo nila, mapag harian ang mundo. Kasalukuyan pang nag sasalita ang pinuno, ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Luisa, kasama ang ilan sa kanyang grupo. "Oh, bakit parang hindi ako nasabihan na may pagpupulong palang nagaganap," sarkastikong wika nito. Nagawi naman ng kanyang paningin kay Vladimir, na nakatingin at nakaabang sa kanyang posibleng gawin. "Ha'h, syempre, nandito ang bida ng mga bampira na si Vladimir," mataray na sambit nito, dali-dali itong nawala, at lumitaw na lang satabi ng bampira. Hinawakan nito ang leeg ni Vladimir at hinimas ng bahagya. Tumayo si Vladimir na pasimpleng umiwas at saka bumati sa babaeng bampira. "Nagagalak akong makita ka Luisa," kagad namang nag bawi ng tingin si Luisa ng titigan ito ni Vladimir habang inilahad nito ang kanyang kamay. "Nandito na ba lahat?" tanong ng reyna ng mga bampira nasi Victoria. Si Victoria ay asawa ng namatay na hari na si Celestat, siya ang kasalukuyang namumuno sa kaharian ng Regat, ngunit hindi tulad ng kanyang asawa ay itinuturing siyang mahina, kumpara sa mga nakatatandang bampira. "Oh, ngayong nandito karin lang Luisa, maupo kana," wika ni Vladimir kay Luisa. Makinig kayong lahat.! Lahat kayo! na kumakatawan sa bawat Coven ng mga bampira, nais kong alamin kung ano ang inyong obserbasyon at konklusyon 'ukol, sa ating kaharian, at posibleng paglipat sa daigdig ng mga tao," malakas na sabi ng reyna. Tumayo si Vladimir at nagsalita. "Ilang taon nakong na ninirahan sa kanilang daigdig at masasabi kong wala akong nakikitang panganib na hindi kayang solusyonan ng mga bampira," kagad namang tumutol si Luisa. "Aba! Vladimir naka kalimutan muna yata? na mortal ang dahilan bakit namatay ang mahal na hari, masyado ka naman yatang tiwala sa mga mortal at ganyan ang iyong paniniwala." "Naintindihan ko ang punto ng mag kabilang Koven mahal na reyna pero ang ating mundo ay masyadong maliit para sa ating lahat, kung mag kukulong na lang tayo dito ay hindi tayo uunlad gusto korin makita ang ganda ng mundo at mamuhay ng normal, mag ka pamilya," wika ng isa sa mga lider ng mutral na Coven. Walang kung anu-ano ay sinugod ito ni Luisa at pinugutan ng ulo, labis na nabigla ang lahat sa kanyang ginawa, kahit si Vladimir ay hindi agad naka palag, dahil sabilis ng mga pangyayari. Sa galit ni Victoria ay inutusan nya ang mga pinuno ng mga bampira na ikulong si Luisa sa piitan, pag dudusahan nya ang kanyang ginawa ng dalawang daan taon. Nang makita ang mga nangyari ay mabilis namang nakatakas ang mga kasamahan ni Luisa at nag tago sa mundo ng mga tao. "Ano bang nangyayari sayo Luisa? hindi ka naman ganyan dati?" tanong nito. "Atleast Hindi ako katulad niyo na mga traydor, na turingan bampira pero mga duwag, "pweh,! antayin mulang ako makalabas dito Vladimir sinusumpa ko uubusin ko ang lahat ng mortal sa mundo." Samantala, kinabukasan ay nagising naman si Julia na hindi na maalala yung nangyari kagabi, kinuha niya ang kanyang cellphone at agad nag check ng kanyang social media. "Aba, ayus 'to si Neri ah, naka post kagad yung pictures namin kagabi." Pagkatapos ay tumayo na siya para mag luto ng almusal Binuksan niya ang TV habang nagtitimpla ng kape, matapos maluto ang hotdog ay umupo na siya sabay sawsaw ng tinapay sa kape, ng tumunog ang kanyang telepono. "Good morning magandang binibini sana masarap ang tulog mo." Biglang naalala ni Julia yong friend request mula kay Black Valentine, na hindi niya tinanggap kagabi, kagad siyang nagpunta sa profile nito at nakitang magkaibigan na nga sila. Buburahin na sana niya ito ng makitang mutual friend nila si Kyla. Si kyla ay classmate nila nung high school. "Sino kaya yong Black Valentine nato at bakit siya in-add sa f*******:," wika ni Julia sa sarili. "Sino kaba magka kilala ba tayo?" messenge ni Julia rito. "Masama na ba makipag kaibigan sabihin na nating nagandahan ako sayo, saka mukha ka namang mabait," tugong naman nito sa messenge ni Julia. "Paano mo naman nasabi ng mukha akong mabait?" replay naman Julia dito. Nabasa nito ang kanyang mensahe ngunit hindi na ito sumagot pa. Tinignan ni Julia ang profile nito ngunit wala itong matinong litrato. Nagpasya siyang i-delet ito tiyaka nag patuloy sa pagkain. Dahil walang pasok ay maghapon siyang naglinis ng bahay, at kinahapunan nagpunta siya sa laundry shop sa mall dala ang kanyang maruruming damit, habang inaantay ang kanyang mga pinalabhan ay pumunta muna siya saglit sa grocery abala si Julia sa pamimili ng mga prutas, habang nasa likod na n'ya si Vladimir, na nakasuot ng puting v-neck na t-shirt. Pagharap ni Julia ay hindi niya namalayan na natapakan niya ang bampira, tumama ang kanyang ulo sa dibdib nito, saka na asiwang na paatras at humingi ng paumanhin. "Naku! pasensya ka na sorry hindi ko alam na may tao pala sa likod ko." Tinignan lang siya ni Vladimir at pinulot ang tumapon na pongkan saka inilagay sa panibagong plastic. "Heto, 'wag kang mag-alala hindi naman ako nasaktan," wika nito sabay abot sa kanyang plastic. Nag patuloy lang ito sa pagkuha ng prutas na parang walang nangyari, sa hiya ay umalis si Julia na hindi malaman ang kaba na nadarama, mabilis ang t***k ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD