Chapter 3

1853 Words
Inaamin n'ya napakabango nito at napaka lakas ng appeal ng lalaking yon idagdag mopa ang matangos nitong ilong at mapangang mukha namay maitim at makapal na kilay nasisiguro niya sa tangkad at pisikal na kaanyuan nito, ay may halo iyong ibang lahi o 'di kaya foreigner ito na nakatira na sa Pilipinas. Muli niya itong sinilip ngunit wala na ito sa pwesto nito kanina, nakatanggap na naman siya ng mensahe mula kay Black Valentine. "Bakit mo naman ako dinelet Julia, ayaw mo ba akong maging kaibigan," pagkabasa ni Julia sa mensahe ay binura niya ito ang at pinatay ang kanyang data matapos mamili ay nagtungo siya sa isang coffee shop. Pagka-order, ay naupo sabay connect sa libreng wifi doon may tatlo pang mensahe ang kanyang natanggap ibla-black na sana niya ito ngunit, natigilan siya nang makita ang huli nitong mensahe. "Marami akong kilala na pwedeng makatulong sayo, pwede mo silang bentahan ng gamot, 'diba medreg ka.?" Naglabas siya ng buntong hininga saka niya ito nireplyan. "Bakit hindi ka kasi nag pakilala.? Paano mo naman ako matutulungan?" Maya-maya pa ay nag-reply ito. Nagbigay siya ng pangalan ng isang doktor mula sa Jose Reyes hospital. "Sabihin mo pinapapunta ka ni Black Valentine." "Sigurado kaba? baka nanti-trip ka lang," reply naman ni Julia. Sinubukan niya itong tawagan ngunit nag-offline na ito, maya-maya pa ay halos maibuga nya kape ng makita yung lalaki kanina sa grocery at omorder ito at pagkatapos ay umupo sa tapat niya. "Wow, grabe talagang magkatapat pa tayo," sambit nya kanyang sarili. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya kaya agad siyang nataranta saka kunwari may tinext sa telepono. "Hoy mag-reply ka naman." Lingit sa kaalaman ni Julia ay ang kanyang kausap ay nasa kanya mismong harapan, napangiti na lang si Vladimir ng makitang natataranta ang dalaga. Nang dumating ang kanyang take out order ay agad siyang tumayo at muling nag panagpo ang mga mata nila ni Julia, ngumiti si Vladimir na talaga namang nagpa lusaw sa buong pag katao ng dalaga, matapos nun ay umalis na siya para magtungo sa ospital, wala namang nagawa si Julia, kong hindi habulin ng tingin yong lalaki. Nagkibit-balikat na lang siya dahil imposibleng magkita silang muli. Habang nagmamaneho ay may galak namang nararamdaman sa kanyang puso si Vladimir, unang beses palang niyang nakita si Julia ay nahulog na siya sa dalaga porsigido siya makuha ang pag-ibig nito. Sinalubong siya ng isang nurse ng makarating sa ospital si Vladimir. "Doc may emergency po," dali-dali siyang nagpalit ng damit at nagtungo sa emergency room, isang lalaki ang nakahandusay sa kama at duguan, may ilan tama ito ng baril sa dibdib at tagiliran, nanlisik ang mga mata ni Vladimir at napapikit. Napaka bango ng amoy ng dugo para sa kanya, ngunit, pinigilan niya ang kanyang sarili. "Dalin na agad sa operating room ngayon na," wika niya sa mga nurse. Matagumpay niyang na alis ang bala at na iligtas ang buhay ng lalaki ngunit nangangailangan ito ng masalinan ng dugo kaagad. Pagkatapos ng operasyon ay pasimpleng nagtago si Vladimir dinilaan niya ang bahid ng dugo samay gloves bago ito itapon. Papunta na ang Nurse sa imbakan ng dugo ng pigilan ito ni Vladimir. "Nurse akina yong chart ako na ang kukuha asikasuhin mo na lang yung pasyente." Kahit nagtataka ay agad namang tumalima yung Nurse. Samantala nanginginig naman nagtungo sila ni Vladimir sa imbakan ng mga dugo patuloy niyang pinipigilan ang pagkauhaw habang nakaka salubong ang mga mortal na empleyado sa ospital ilang hakbang na lamang ay mararating na niya ang imbakan ng harangin siya ng isang intern na matagal nang nagpapapansin sa kanya. "Hi, doc how's your day balita ko toxic daw sa emergency room," pilit namang tumayo ng tuwid ni Vladimir at kaswal na nagsalita. "Sanayan lang yan doc Kyla mararanasan mo rin yan." Classmate ni Julia si Kyla nung high school siya yung tinutukoy niya na mutual friend nila ni Black Valentine sa f*******:. "Ah, doc Vlad baka kung hindi ka busy maybe we can go for cup of coffee!" Nahihiya pang banggit ng dalaga napatingin ito kay Kyla, partikular na sa bandang leeg nito sya nakatingin. Lumapit siya ng bahagya ngunit napaatras din para tantanan siya ni Kyla at makaalis na rin ay napilitang pumayag ni Vladimir. "Maybe later after duty. Sige na i have to go." Hindi naman makapaniwala at sobrang kinilig si Kyla. Sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng pagkakataon makasama at makausap ito. Una n'yang nakilala si Vladimir bilang isa ito sa kanyang naging propesor sa medicina dati. Kaya masayang-masaya s'ya ng malamang doon din nagtatrabaho si Vladimir sa ospital kung saan siya nag iintern. Sa wakas ay narating na ni Vladimir ang imbakan ng dugo pumasok siya sa loob at kumuha ng dalawang bag kabilang na yung sa pasyente. Pagkatapos ay iniwan niya yung isang bag sa kanyang opisina at ibinigay naman ang isa pa sa nurse upang isalin sa pasente. Nagtungo siya sa kanyang opisina at kinuha ang kopita saka isinalin niya yung dugo. "Ah!, napakasarap." Muli itong uminom ng biglang bumukas yung pinto kaya agad siyang tumayo pumasok ang isang lalaking pamilyar ang mukha. "Agustus, anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya rito, sinarado nito yung pinto saka umupo sa malambot na sofa. "Tignan mo nga naman ang sarap maupo dito oh," kaysa sa mga upuan sa palasyo masakit sa' "Agustus!" Naputol ang pagsasalita nito ng sumigaw na si Vladimir. "Bakit ba hindi kaba natutuwang makita ako." "Hindi naman sa ganoon, lubos lang ako nabigla, at napadalaw ka paano mo nalaman na nandito ako?" "Nakalimutan mo na yata isarin akong bampira, baka pwede naman ako makahingi ng iyong iniinom." "Narito, maupo ka natutuwa naman ako makita ka dito kaibigan." Patuloy na nag kwentuhan ang dalawang bampira ng parehong nakaamoy ng paparating na mortal ang dalawa kaya naman agad naging invisible si Agustus, maya-maya lang ay may kumatok sa kanyang opisina. Tumayo si Vladimir at binuksan nito yung pinto naroon ang dalagang doktora na si Kyla na kanina pa pala siya inaantay "Hi, Doc Vlad, pasensya kana, nakaistorbo ba 'ko?" "Hindi naman bakit doc Kyla may kalangan kaba?" Napa ngiting umiling ang dalaga t'yaka ito nag wika. "Doc naman, masyado pa kayong bata para mag ulyanen. Diba! Mag kakape tayo." Nang marinig ito ay natatawang sumilip si Agustus lumapit siya kay Kyla at sinipag ito ng mabuti saka tumingin kay Vladimir tanging ang bampira lang ang nakaka kita sakan'yang kaibigan kaya walang kaalam-alam si Kyla kahit medyo kinilabutan siya ng mga sandaling iyon. "Ahh,! 'doc Vlad naniniwala kabang may multo daw dito sa ospital," takot na wika ni Kyla. Pinigilan namang tumawa ni Vladimir kaya kinuha nito ang kanyang pitaka saka niyayang yung lumabas si Kyla bago pa mapag tripan ng malokong si Augustus. Habang nagkakape ay nagkaroon 'din ng pagkakataong makapag kwentuhan si Vladimir at si Kyla. "Doc! Bakit nga pala Black Valentine ang pangalan mo sa f*******: dahil ba wala kang ka valentine's lagi?" Hindi naman nakasagot ang doktor dahil sa totoo lang pinili niya ang black dahil paborito n'ya itong kulay Valentine naman dahil wala siyang maisip na idugtong, na pangalan at siyempo namang napatingin siya sa Valentine's promo ng isang restaurant nanag-email sa kanya. "Ha? wala lang yun hindi naman kasi ako mahilig mag f*******: kaya hindi ko sineseryoso ang paggawa nun," palusot ni Vladimir habang kumakain ng donut. Pinagtitinginan naman sila Kyla sa coffee shop marahil ay dahil napaka-gwapo ng kanyang kasama, habang kinikilig sa tabi si Kyla ay bigla namang naisip ni Vladimir ang reaksyon ni Julia ng sundan niya sa mall kanina. Hindi niya maiwasan mapangiti saka mapa iling. "Um, bakit may nasabi ba akong nakakatawa doc?" tanong ni Kyla bakas Sa mukha nito ang pag tataka. "Ha? Wala naman Sige na ubusin mo nayan kailangan ko narin umalis doc Kyla." Matapos mag paalam at mahihatid ang dalaga sa kotsye nito ay lumitaw naman ang tatawatawang si Agustus. Patuloy lamang ito sa pang-aasar sa kanya ng mapatingin siya sa kanyang relo. "Oh? Saan ka naman pupunta Vladimir!" Wala nang nagawa si Vladimir at agad na itong nagtungo sa bahay ni Julia, kabuntot niya ang kaibigang bampira ng pumasok sila sa kwarto ng natutulog na dalaga. "Hanep! sino naman 'to Vlad? ang dami mong babae. Kaya asar na asar sayo si Luisa. hindi mo kasi siya pinapansin." "Shush. . . Wag ka ngang maingay." Saway ni Vladimir kay Agustus ng bahagyang gumalaw si Julia. Umupo si Vladimir sa gilid nito, saka hinawi ang buhok ng dalaga na nakatakip sa kanyang mukha. Napakaamo at napakaganda ng binibining nasa kanyang harapan. Maya-maya pa ay tumayo ang bampira saka hinigit ang natanggal na kumot hanggang sa leeg ng dalaga. "Matulog ka ng mahimbing mahal kong Julia," wika ni Vladimir, bago hinablot ang namamanghang si Agustus saka naglaho ang dalawa at napunta sa napakalaking bahay ni Vladimir. Nagpaalam si Vladimir na maliligo lang saglit habang inasikaso naman ng ibang bampira ang kanilang panauhin na si Augustus. Matagal nang maraming babaeng bampira mula sa iba't-ibang Coven ang nagkakandarapa sa bampirang si Vladimir. Bukod sa taglay nitong kagwapuhan ay napakalakas nitong bampira, ito rin ang napipisil na papalit ng council kay haring lestat noong siya ay nabubuhay pa. Pero may respeto si Vladimir kay Victoria ay Iminungkahi niya na ito dapat ang mamuno sa kaharian kahit pa tutol ang karamihan dahil mahina ito kumpara sa ibang bampira. Mahigit isang daang taon na ang huli niyang nakitang nag mahal si Vladimir nung nabubuhay pa si Harriet. Kinabukasan ay masarap ang naging tulog ni Julia, napanaginipan niya kasi yung lalaki na nakita niya sa grocery kahapon. Napa kamot naman siya ng ulo saka bumangon para mag handang magsimba, isang mensahe mula kay Black Valentine ang kanyang binasa. "Hindi ako mayaman para bilhin ang kahapon. Pero handa akong utangin ang ngayon makasama ka lang buong maghapon." Napangiti naman si Julia at bahagyang natawa, dahil medyo nakornihan siya sa mensahe. Matapos ang simba ay nagpunta siya sa mall upang bumili ng sapatos, medyo naka nga-nga na kasi yung swelas at humihingi ng saklolo. Muli siyang sinundan ni Vladimir pero sa pagkakataong ito ay hindi pa rin siya nilu bayan ni Agustus. "Ano ba kasing ginagawa natin dito Vladimir napakaraming tao." Agad namang napalingon si Julia ng makita ang isa pang magandang pares ng sapatos, kaagad na umalis Vladimir dahil muntikan na silang mahuli. "Teka? Hindi ba s'ya yung lalaki sa may grocery!" Tinang ka n'ya itong sundan pero mabilis itong nawala. Dahil hindi sigurado, inakala niya na baka guni-guni lamang niya iyon. Samantala. Patuloy ang pang bi-biktima ng mga Coven ni Luisa, na nakatakas at nakapag tago sa mundo ng mga tao. Sa isang liblib na eskinita may isang lalaki ang lubos na nabighani sa babae na kita tinawag ito ng ng babae. "Hi... Gusto mo mag saya tayo akong bahala sayo pogi papaligayahin kita," malanding wika ng babae sa nakasalubong na lalake. Isa itong babaeng bampira tauhan ito ni Luisa nanag tatago sa mundo ng mga tao. Hindi naman makapaniwa ang lalaki. Dahil isang magandang babae na ang nagyaya sa kanya makipag siping, agad naman tumayo ang manoy lalaki ng hawakan ito ng bampirang babae, kaya naman agad itong isinama ng lalaki sa hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD