"Ibaba mo na lang ako diyan sa tabi," sambit ni Joymi kay Franz nang malapit na sila sa building ng Julian's "Bakit? Naka-heels ka na nga maglalakad ka pa?" "Baka kasi may makakita sa atin." "Ano naman ngayon?" "Itabi mo na lang, Franz. Ayokong makipagtalo ng ganito kaaga." "Tsk, wala namang gusto makipagtalo, ah." giit naman nito at saka itinabi ang sasakyan para makababa siya. Sumilip pa muna siya sa labas para tignan ang paligid bago nagmamadaling lumabas. Napailing na lang naman si Franz. He really don't understand kung bakit ba gusto pang itago ni Joymi ang status nila. Wala naman siyang pakealam sa sasabihin ng iba at wala rin siyang pakealam kahit pa pagusapan sila dahil hindi naman siya ang mapapagod na makipag usap. Ganoon din naman si Joymi noon. She used to not care about

