Nag-aayos na ng gamit si Joymi at naghahanda ng umuwi nang bigla na lamang sumupot si Franz sa harapan niya. Agad siyang napalingon sa paligid. Iilan na lamang silang mga empleyado na naroon. At ipinagpapasalamat nga niya iyon dahil pag nagkataon ay baka maging tampulan sila ng tsismis. "Ay, magbabanyo lang pala ako saglit," sambit ni Mira. "Ako rin pala. Diyan ka na muna, Joy. Ihing-ihi na kami," sabi naman ni Lyka at saka dali-daling hinila si Mira paalis. Katabi niya kasi ng table ang dalawa kaya nga tulad niya ay nagulat din ang mga ito nang bigla na lamang lumitaw sa harapan ng cubicle niya ang asawa. "Anong kailangan mo?" tanong niya. Tinitigan lang naman siya nito at saka inunat ang kamay para ibigay sakaniya ang susi ng sasakyan. Muli ay napalingon siya sa paligid. Ilan sa mga

