Nang magising si Joymi ay agad siyang dumiretso sa kusina para makapag handa ng agahan ngunit nadatnan niya na ro'n ang ina. "Maupo ka na lang diyan. Gusto mo ba ng kape? O gatas na lang?" tanong nito nang lingunin siya matapos maramdaman ang presensya niya. "Ako na magtitimpla, Ma," Akmang lalapit na siya sa lagayan ng mga pinggan para kumuha ng tasa nang pigilan siya ng ina. "Ako na. Minsan lang naman ito, at saka na-miss ko ring ipaghanda ka ng makakain," sagot naman nito bago siya piliting itulak paupo sa harapan ng dining table. "Kape ba?" Tumango na lang naman siya bilang tugon. Medyo puyat kasi siya kaya wala na siyang lakas makipag pilitan pa sa ina. "Tawagan mo na muna si Erlinda att huwag mo na munang papasukin. Ako na muna ang maghahatid at magbabantay sa kanila ngayong araw.

