◄Victor's POV►
"Dude, kauuwi mo lang... ganyan na agad ang hitsura mo?" Salubong sa akin ni Ashford. Siya si Ashford Cavendish, ang second cousin ko na madalas ay kasama ko sa mga travel ko. Anak siya ng pinsang buo ng aking ama. Dito ako tumutuloy sa kanyang malaking mansyon... dahil ang mansyon ng aking ama ay hindi ko na tinitirhan pa. Nanduon ang lahat ng masasakit na alaala sa buhay ko. Ang lahat ng kataksilan ng aking ina. Ang lahat ng kawalanghiyaan niya sa buong pamilya ko.
Ang aming katiwala na si Tatay Ige ang namamahala ng mansyon na 'yon. Siya na ang tinuring kong ikalawang ama ko. Siya ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon, at siya ang dahilan kung bakit mabilis na nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng buong pamilya ko... pero hindi pa sapat. Hanggat buhay ang babaeng 'yon... kulang pa ang pagdurusa niya. Kulang pa ang hustisya na kailangan ko upang mawala ang matinding galit dito sa puso ko.
Napatingin ako sa pinsan ko ng inabutan niya ako ng isang baso na may lamang whisky, at agad ko rin naman 'yong tinanggap at iniisang lagok ito.
"Do you remember the woman I told you about last night?" Sagot ko. Bahagyang kumunot ang noo niya na tila ba nag-iisip, pagkatapos ay bahagyang natawa.
"Kagabi? Nung lasing kang umuwi at galit na galit ka dahil may makulit na babae?"
Tumango ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at naupo ako sa sofa. Nandito ako ngayon sa Pilipinas dahil gusto ng pinsan ko na ako na ang mamahala ng kompanya ko dito na siya ang namamahala bilang acting CEO, dahil ipinasa na sa kanya ng kaniyang ama ang kompanya nila kaya medyo mahihirapan na raw siya. Kaya nandito ako ngayon sa Pilipinas.
"Bakit mo naitanong? Nagkita ba ulit kayo? Akala ko nga salitang lasing lang ang mga sinabi mo kagabi, pero totoo pala na may makulit na sampaguita vendor?"
"I almost killed her today. She stepped onto the road and stopped right in the middle while I was coming in fast."
Nagulat siya sa sinabi ko, his eyes widening for a moment, pero bigla siyang tumawa nang malakas, kaya napakunot ang noo ko. Napapailing na lang ako sa kanya, wondering why he found it funny. Geez! Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?
"Mukhang pinagtatagpo kayo palagi ng tadhana. Maybe it’s a sign that you should forget the past and move on. Magsimula kang magtiwala muli sa mga babae, dahil hindi lahat ay katulad ng iyong..." I freaking cut him off. Ayokong marinig ang susunod na salitang lalabas sa bibig niya.
"Stop! Don't ever mention her please. She's not worth it."
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay in surrender, at nagkibit-balikat na lang siya, knowing better than to push it. That woman... ang babaeng 'yon, has no place in my life. Kinamumuhian ko siya from the depths of my soul. She's a monster disguised as a mother. Ang katulad niya... dapat mas higit na parusa ang nararapat. Parusang kamatayan lamang ang nararapat sa katulad niya. At iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ang babaeng 'yon at nabubulok lang sa bilangguan.
My name is Victor Azrael Ravencroft. Malaki ang galit ko sa aking ina dahil sa ginawa niya sa buong pamilya ko. Kaya kahit na ang mga magulang niya na dapat ay lolo at lola ko ay hindi ko nilalapitan o kinakausap. Mula nang mangyari ang lahat ng kasamaan niya, I cut off all ties to her bloodline. Lahat-lahat ng kadugo niya, kinalimutan ko na. They don't exist to me anymore. Lahat sila ay dinamay ko sa galit ko.
It was all started nuong sixteen years old lang ako. Galing ako ng school ng araw na 'yon. Ginabi na kami dahil sa dami ng mga projects na ginawa namin ng mga kaibigan ko.
That night, alam ko na marami ng problema ang aking ama at ang aking ina. Nasa isip ko nga na maghihiwalay na sila. Nasa library ako when I heard the shouting. It was intense. Kaya titig na titig ako sa pintuan ng library na bahagyang nakabukas. Palabas na sana ako upang tignan kung ano ang nangyayari, pero mabilis na pumasok sa loob si tatay Ige. Nagulat ako sa kanya dahil parang may nangyayari na hindi ko alam.
"Senyorito Victor, halika. Bilis..." Bulong niya, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay niya ng bigla niya akong hinila.
"Anong nangyayari, Tay... " Tinakpan niya ang bibig ko at sumenyas na huwag daw akong maingay. Pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa isang malaking aparador sa gilid ng bookshelf. Hindi ito isang ordinaryong aparador lang... isa ’yon sa mga luma at makakapal na kabinet na matagal nang nasa pamilya namin. Malaki ito, maluwag sa loob at may maliliit na butas kaya kita ang nangyayari sa loob ng library.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero pagpasok namin sa loob, he covered my mouth again, holding me tight. Halos maihi ako sa sobrang takot when I heard the first gunshot, duon sa mismong labas ng library room. Bukas ang pinto ng library, at mula sa maliliit na butas ng aparador na pinagtataguan namin ni Tatay Ige... kitang-kita ko ang aking lola at tiyahin ko na kinakaladkad sila ng aking ina at ng isang lalaki, habang ang aking ama ay may nakatutok na baril sa ulo at pilit na ipinapasok sa loob ng library room. Nakikita ko rin ang katawan ng isang lalaki na nakahandusay sa sahig, at alam ko, at nararamdaman ko na ang lolo ko 'yon.
Nanginginig ako sa takot ng gabing 'yon. Nakita ko ang ilang kalalakihan na may mga hawak na armas na pumasok sa loob ng library room, kung saan kami naroroon at nagtatago ni Tatay Ige. Nakita ko kung paano nila kinaladkad ang lola ko, ang tiyahin ko at ang aking ama. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala pero masyadong malakas si Tatay Ige at napipigilan niya ako. Nakakagawa ako ng maliit na ingay sa loob ng aparador, at alam ko na naririnig 'yon ng ama ko kaya gumagawa siya ng ingay upang hindi nila ako marinig. Sigaw siya ng sigaw, pero pinalo siya ng baril sa ulo ng lalaking kasama ng aking ina upang manahimik, duon ako bahagyang kumalma dahil natatakot ako na baka higit pa duon ang gawin sa aking ama.
"Azrael, ibigay mo na sa akin ang lahat ng ari-arian mo upang makaligtas kayo ng iyong ina at ng iyong kapatid. Patay na ang ama mo, hihintayin mo pa ba na mamatay ang iyong ina sa iyong harapan?" Galing ang salitang 'yon mula mismo sa bibig ng aking ina na minahal ko ng buong puso ko. Ang aking ina na naging tagapagtanggol ko, at naging kasama namin mula pa ng isinilang ako.
"Hayop kang babae ka. Mamatay ka na sana!" Sigaw ng nag-iisang kapatid ng aking ama. Pero paglapit sa kanya ng isang lalaki, Binaril siya sa puso. I bit down on Tatay Ige's hand to stifle my scream. Nadudurog ang puso ko sa mga nasasaksihan ko. Isa-isa nilang kinukuha ang pamilya ko.
"Hayop kayo. Victoria... jusko ang anak ko!" Sigaw ng lola ko. Maging ang aking ama ay nagwawala sa sobrang galit niya ng gabing 'yon. Pinatay nila ang tiyahin ko na parang isang walang kwentang hayop.
"Ibigay mo na sa akin ang kayaman ninyo, o ang ina mo ang susunod na mamamatay?" Hindi ako makapaniwala na ina ko ang nakikita ko at naririnig ko na nagsasabi ng mga salitang 'yon. Naglalagablab ang puso ko sa matinding galit.
"Mamamatay kami, pero hinding-hindi ninyo makukuha kung ano ang para sa nag-iisa kong anak. Wala ka ng karapatan sa anak natin. Mula ngayon... si Victor lang ang hahawak ng lahat ng bilyones ng mga Ravencroft." Galit na galit na sabi ng aking ama. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon. Ang kasamaan ng aking ina.
"Kung gayon... papatayin kita, at ako na lang ang magiging kadugo ni Victor, at unti-unti kong kukuhanin sa kanya ang lahat hanggang sa maipasa na sa akin ang lahat ng kayamanan ninyo." Sabi niya. Malinaw na malinaw sa utak ko ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya ng gabing 'yon.
"Hayop kang babae ka. Wala kang kwentang tao! Talagang mahirap magtiwala sa babaeng walang pinag-aralan at pinulot lang sa lansangan." Sigaw ng lola ko dahil sa galit. Pero iyon na ang huling salita na lumabas sa kanyang bibig dahil binaril siya sa ulo ng aking ina. Pinatay niya ang lola ko na walang ginawa kung hindi ang mahalin siya. Ang ipagtanggol siya kapag nag-aaway at nagtatalo sila ng aking ama. Tinuring siyang parang tunay na anak pero ito pa ang ginanti niya sa mga taong nagmahal sa kanya.
Gusto kong magwala. Gusto kong ipagsigawan ang matinding galit ko, pero ang mga hita ni Tatay Ige ay nakayakap na sa aking katawan, ang isang kamay niya ay nakayakap sa katawan ko, at ang isa ay nakatakip sa bibig ko. Panay ang pagbalong ng luha ko ng gabing 'yon. Wala akong nagawa. Nasasaksihan ko lang ang lahat ng nangyari sa kanila.
Sigaw ng sigaw ang aking ama. Galit na galit sa aking ina dahil sa kawalanghiyaan nito. Narinig ko ang sinabi ng aking ina na ang lalaking kasama niya ang ipinalit niya sa ama ko. Ipinagmamalaki pa niya na ilang taon nilang ninanakawan ang kompanya ng aking ama. Ninanakaw daw nila ng paunti-unti ang pera sa mga bangko ng aking ama. Pero ang pag-gastos daw niya ay may limitasyon, kaya nakabuo daw sila ng plano ng kabit niya na paslangin ang mga lolo at lola ko, maging ang aking ama upang makuha nila ang lahat ng kayamanan ng mga Ravencroft. Rinig na rinig ko ang lahat ng pag-amin ng aking ina sa harapan mismo ng aking ama.
I heard every confession, every boast that her lover was a syndicate boss, untouchable. They even kissed right in front of my father, mocking him. Galit na galit ako sa kanila. Galit na galit ako sa aking ina na walang puso at kaluluwa.
Pilit niyang pinapapirma ang ama ko sa dokumentong dala nila upang maisalin na sa aking walang kaluluwang ina ang lahat ng kayamanan ng Ravencroft, pero dinuraan lang ng ama ko ang walang kwentang babaeng 'yon, at kahit na ano pa raw ang gawin ng mga ito ay hinding-hindi siya pipirma, kaya sa galit ng aking ina... binaril niya sa ulo ang aking ama. Halos matulala ako sa lahat ng nasaksihan ko. Walang buhay na bumagsak sa sahig ang aking ama. Sumikad ako. Galit na galit ako. Duon na sila napatingin sa malaking aparador ng makagawa ako ng mga ingay. Tatay Ige whispered pleas for me to calm down, but my rage was too overwhelming to contain. Wala na... tinanggalan na nila ako ng pamilya. Nag-iisa na lang ako sa mundo, sa edad kong disi sais ay naging ulila akong lubos.
Nakikita ko na pinipigilan niya ang kaniyang kalaguyo na buksan ang aparador, marahil ay takot siyang makita ako ng harap-harapan dahil saksi ako sa pagpatay nila sa pamilya ko.
Pagbukas ng pintuan ng aparador. Gulat na gulat ang ina ko habang nakatitig sa amin. Halos magbaga ang mga mata ko sa galit ko sa kanya. Hayop siya. Kung may kakayahan lang ako ng mga panahong 'yon... ako mismo ang papatay sa kanya.
"I'm sorry baby... witness ang anak mo. Kailangan na niyang mamatay. Kapag wala na siya... maaangkin na natin ang lahat ng kayamanan nila. Ang kailangan ko lang ay barilin ka sa tagiliran mo at sa balikat, siguraduhin na mabubuhay ka para hindi ka mapagbintangan, saka kami tatakas." Sabi ng lalaking 'yon, at saka niya itinutok sa amin ni Tatay Ige ang dalawang baril na nasa magkabila niyang kamay.
Pero bago pa makapagsalita ang aking ina... sunod-sunod na putok ng baril sa labas ang gumulat sa kanilang lahat. Nakita ko ang pagkataranta nila, at ang takot na gumuhit sa mga mata ng aking ina ng tinitigan niya ako.
Isinigaw ko sa kanya na kinamumuhian ko siya. At ng akma silang tatakas, humarang ang mga pulis sa pintuan mismo ng library na kinaroroonan namin.
Nagpaputok ang lalaking 'yon, kaya napatay sla ng mga pulis, pero ang aking ina ay sugatan lang ng gabing 'yon at nakaligtas... kaya ngayon ay nabubulok na siya sa bilangguan.
Nang gabing 'yon. Mabilis ang naging kilos ni Tatay Ige at agad na pinindot ang silent alarm for emergency kapag may intruder, at mabilis din natawagan ni Tatay Ige ang ninong kong mayor kaya agad silang nakapag responde, but it was too late... my family was gone. Ako na lang ang natitirang may dugong Ravencroft.
Tandang-tanda ko. Hindi ako makapagsalita ng gabing 'yon. Tulala na ako. Iyon na lang ang huli kong natatandaan pagkatapos nila akong ilabas ng bahay na 'yon.
Iyon ang masakit at nakakapangilabot na karanasan ko sa aking sariling ina. Ngayon... masisisi ba ako ng lahat kung ganito na lamang ang galit ko sa mga babae? I can't trust them, not like my father did with that unworthy woman.
Mula nang maikulong ang aking ina... ni minsan ay hindi ko siya dinalaw. Nang matauhan ako mula sa trauma... umalis na ako ng Pilipinas at hindi na ako bumalik pa. Ginamit ko ang kapangyarihan ng pera upang mawala lahat sa balita, social media at kung ano-ano pa ang tungkol sa nangyari sa pamilyang Ravencroft upang hindi na sila mapag-usapan pa. At ngayon... muli akong nagbabalik sa bansa kung saan trauma ang inabot ko sa masamang nakaraan ko.
At sa pagbabalik ko... bakit isang babae ang makulit na paulit-ulit na lumilitaw sa harapan ko? Kung inaakala ng babaeng 'yon na makakapasok siya sa buhay ko... nagkakamali siya.
Hindi ako masamang tao. Kung galit man ako sa mundo, iyon ay dahil sa babaeng nagluwal sa akin, at sa trauma na naranasan ko sa buhay ko na hindi ko na maaalis pa sa isipan ko habang buhay ang babaeng 'yon. Kung inaakala niya na sa tuwing hihingi siya ng pagkakataon na makausap ako ay mapagbibigyan ko siya... nagkakamali siya. Ang katulad niya ay dapat ng nabubulok sa impyerno.