◄Victor's POV►
"Sino ba ang babaeng 'yon? Maganda ha!" Sabi ni Ashford. Natawa ako. At habang nakatayo kami sa harapan ng elevator ay bigla akong napalingon sa may entrance kung saan nakatayo ruon ang babaeng 'yon. Pero mukhang nakaalis na siya, at ang nakikita ko na lang ay ang guard ng condo building na nakatayo sa may labas ay may kausap, kaya muli akong humarap sa elevator.
"Dumaan muna tayo sa unit ko bago tayo magtungo ng unit mo. May kukuhanin lang ako sa silid ko." Wika ko, seryoso ang mukha ko, pero ang pinsan ko ay tumatawa, kaya nakakunot ang noo ko ng nilingon ko siya.
"You're smiling, bro. Not your lips... your eyes. I've never seen you look like that before." Sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko. Pinagsasasabi ng pinsan ko? May topak na ba ito sa utak?
"I'm not smiling. Stop it, Ashford... you're not funny. No one can make me smile. Not after my loved ones were murdered right in front of me. I haven't smiled since." Inis kong sabi.
"But I saw it, cuz. I saw it in your eyes. Don't deny it... I swear, I saw it." Sagot niya, kaya napapailing na lamang ako ng aking ulo. Wala ng pwedeng makapag pangiti pa sa akin. Wala na.
"You're imagining things,. Tumahimik ka na lang bro, walang ganyan." Inis kong sabi. Nagkibit balikat na lamang siya at tumahimik. Pagbukas ng elevator ay pumasok kami sa loob, at muli akong napatingin sa malaking pinto ng entrance ng building. Pagkatapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. Pagsara ng elevator, ramdam ko ang mga mata ng pinsan ko na nakatitig lang sa akin. Pero hindi ko siya pinapansin. Wala namang katotohanan ang sinabi niya kanina. Imahinasyon lang niya 'yon. Sino naman ang magiging dahilan para ngumiti ako? Ang babaeng 'yon? Oh please! Wala na akong tiwala pa sa mga babae. Wala na.
Pagbukas ng elevator sa floor ng unit ko, lumabas din agad kami at dumiretso na kami sa unit ko, at ng makarating kami... binuksan ko agad ang pintuan, at mabangong amoy ng kape ang unang bumungad sa amin, kaya nagkatinginan kami ni Ashford.
"May tao yata. Nandito pa yata ang tagalinis mo." Sabi niya. Biglang nagdilim ang paningin ko. Malinaw ang bilin ko na dapar... ganitong oras ay wala na siya. Kaya galit akong pumasok para sitahin siya at palayasin na. Hinding-hindi na siya makakabalik pa dito. Pero walang tao. Walang kahit na sino... maliban na lamang sa isang mug ng kape na nasa ibabaw ng table. May takip naman ito, pero umaamoy pa rin sa loob ang mabangong amoy ng kape, kaya naglakad ako patungo ng kitchen.
"Woah, may note." Sabi ni Ashford, kaya napatingin ako sa sticky note na nakadikit sa mug. Kinuha ko 'yon at saka ko binasa. I smirked as I shook my head in disbelief. Talagang makulit ang babaeng 'yon. Nuong una ay bulaklak, ngayon naman ay kape.
"Woah, ang bango ng kape. Sobrang init pa, mukhang kaaalis pa lang niya." Sabi ng pinsan ko ng tinanggal niya ang platitong nakatakip sa kape. Kahit na ako ay naaamoy ko, at tinitigan ko pa ang kape.
"Baka may lason. Itapon mo 'yan." Wika ko, pero bigla niyang hinigop, at nakita ko kung paano halos lumuwa ang mga mata niya. Ganuon ang reaksyon niya kapag sarap na sarap siya sa isang pagkain o inumin.
"Damn, bro, you've gotta try this coffee. I swear... it's damn good." Sarkastiko akong natawa. Hindi ko titikman ang kapeng 'yon. Baka mamaya ay kung ano pa ang nilagay niya sa kape na 'yan.
"Aalis muna ako. Pupunta ako sa unit ko at dadalhin ko na lang dito ang dokumentong gusto kong ipakita sa'yo. Report 'yon bro, kaya pwede mong basahin bukas. Sabado naman bukas, kaya alam ko na pahinga mo." Sabi niya.
Tumango lang ako, hindi ako nagsasalita, parang walang gana ang utak ko na makipag-usap. Pagkaalis niya, napatingin ako sa kape na nasa ibabaw ng table, at saka ko muling binasa ang sulat na inilagay ko sa ibabaw ng table. Umuusok pa nang bahagya ang kape, and the smell... damn... sobrang bango.
The smell, it reminded me of my grandmother... the way she used to prepare coffee for my grandfather every morning. Hindi man exact smell... pero halos ganuon ang naamoy ko sa kapeng iginawa sa akin nuon ni lola. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan dahil iyon din ang araw na pinatay sila ng walang awa.
Napapikit ako saglit.
Humugot ako ng malalim na paghinga. Kinuha ko ang mug na puno pa ng mainit na kape at saka ko ito inamoy ng mas malapitan sa ilong ko... then I took a small sip... tama ang pinsan ko.
It actually tastes good. Kung sino man ang babaeng 'yon, ang galing niyang magtimpla ng kape. Natawa ako ng mahina, at saka ko ulit ito hinigop habang mainit pa. Hanggang sa hindi ko na namalayan na naubos ko na pala ang kape. Isang lagok, dalawang lagok... hanggang sa wala na. Napailing ako sa sarili ko.
"Damn."
Inilagay ko ang mug sa lababo, medyo mabigat ang galaw ko. At eksaktong pagtalikod ko, bumukas ang pinto, kaya wala akong sinayang na oras. Agad akong lumapit sa fridge, binuksan ko 'yon at kumuha ng fresh strawberries. Kinagat ko agad isa... hindi ko na hinugasan pa, wala na akong pakialam. I just needed to get rid of the coffee breath. Ayokong maamoy sa akin ng pinsan ko ang kape.
"Nasaan ang kape na iniwan ko diyan? Iinumin ko pa 'yon." Sabi ng pinsan ko, panay ang lingon sa kitchen counter at hinahanap ang mug.
Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya ako ng strawberry, then I pointed lazily toward the sink kaya napatingin siya sa lababo at saka kumunot ang noo niya.
"Itinapon ko. Huwag kang umiinom ng ganyang kape... baka kung ano ang nilagay diyan ng tagalinis ko." Sabi ko.
"Sinayang mo? Bro... ang sarap nung kape. Dapat pala ay dinala ko na lang para hindi na naitapon pa."
Ramdam ko ang inis ng pinsan ko. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Sa susunod na gumawa ng kape ang tagalinis ko... sisiguraduhin ko na ididiretso ko lang sa lababo. Hindi ako dapat magtiwala kahit na kanino. Minsan na sa buhay ng aking ama at lolo na nagtiwala sila, pero sa huli, kawalanghiyaan lang ang iginanti sa kanila.
"Sayang, dapat tinikman mo."
I smirked, pero hindi na ako nag-abala pang sagutin siya. Hinayaan ko na lang siyang magdrama diyan habang naglalakad ako patungo sa kwarto ko. I needed space... kahit saglit lang. Binuksan ko ang closet at kumuha ng isusuot na simple lang para ngayong gabi. A gray long sleeves polo and black pants. Hindi naman ako pupunta sa kung saan para magpasikat kaya simple lang ang suot ko.
Habang nagbibihis ako, naririnig ko pa siya sa labas ng aking silid na bahagyang naka-awang ang pintuan, at kung anu-anong reklamo ang sinasabi niya tungkol sa kape na sayang daw. Napailing na lang ako. Then, nagtungo ako ng banyo at saka ako nag-toothbrush, at nag-gargle ng mouthwash. There. Wala na ang amoy ng kape sa bibig ko.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Kahit pa sinabi kong ayaw kong sumama sa bar, I already know how this goes. Pipilitin lang niya ako hanggang sa sumuko ako. That's how he's always been. Makulit. Mapilit. And somehow, talagang nakukuha niya kung ano ang gusto niya.
So yeah... I gave in. Not because I wanted to, but because I didn't really have a reason not to. And besides, wala rin naman akong gagawin ngayon. And tomorrow? Same. Walang plano. Walang lakad. Just another empty day.
Siguro... dadaan lang ako sa mansyon ng lolo at lola ko. Kung may bahay man akong dinadalaw, iyon ay ang mansyon lang ng lolo at lola ko na naiwan sa akin mula ng pinatay sila.
Napahinto ako saglit sa harap ng salamin habang inaayos ko ang tupi ng manggas ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, at naalala ko naman ang mansyon ng aking ama.
Sa mansyon naman ng aking ama... hindi ko pa 'yon nabibisita mula nang dumating ako dito sa Pilipinas. Funny, isn't it? I'm already here, pero hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin ang lugar na 'yon. Hindi ko alam kung naaalagaan ba 'yon nang maayos, or if it's just standing there... quiet, abandoned, like a memory people chose to forget. Pero sabi naman ni Tatay Ige ay maayos naman ang lugar na 'yon, isa siya sa nangangasiwa ng dating mansyon ng aking ama. Ayokong makita ang mansyon na 'yon dahil takot akong bumalik ang lahat ng bangungot ko na pilit kong kinakalimutan. Ang bahay na 'yon ang tanging alaala ng aking ama, at ang bahay din na 'yon ang alaala ng bangungot na nangyari sa buhay ko.
Kaya kung gusto kong makausap si Tatay Ige, duon ko siya pinupuntahan sa naiwang mansyon ng lolo at lola ko. Nanduon lang siya palagi, marahil ay ayaw na rin niyang maalala pa ang bangungot na nangyari sa amin nuon sa bahay ng aking ama.
Paglabas ko ng silid ko... nakangisi na agad sa akin ang pinsan ko, parang alam na niya na wala na akong choice. I just looked at him, ni walang emosyon na makikita sa akin.
Napadako ang mata ko sa dokumentong nasa ibabaw ng coffee table na inilagay niya. Hindi ko na muna 'yon papansinin. It can wait. Everything can wait.
"Let's go." Sabi ko.
Dumiretso na ako palabas ng unit. Narinig ko siyang sumunod, still amused, pero hinayaan ko lang. Pagkarating namin sa bar sa Makati, sinalubong kami ng malakas na tugtog at halo-halong ingay ng mga tao. The place was packed... too many faces, too many eyes. Some curious. Some calculating. Just another typical night at the bar... nothing new.
Our table in the VIP section was already secured, napapalibutan ng velvet rope, untouched. As it should be. Umupo ako sa upuan na nakatapat sa pinsan ko. One arm stretched along the backrest, habang ang tingin ko ay naglilibot sa paligid. Nakita ko ang ilang mga negosyante na ilang beses na akong kinukulit upang makipag-meeting sa akin, pero hindi ko sila binibigyan ng oras ko. Masyado na akong busy sa buhay ko, at ang ilang negosyante na may mga bad records ibang company ay hindi ko talaga binibigyan ng oras. Nang makita ko na bigla silang tumayo, marahil ay para lapitan ako. Agad akong sumenyas sa mga bodyguards ko.
"Keep them out."
Walang mang-iistorbo sa amin ng pinsan ko. Lalo na ang mga negosyanteng akala nila pwede nila akong lapitan anytime dahil gusto lang nila. I didn't come here to entertain them. I came here to enjoy myself.
At ngayong gabi... ako ang magdedesisyon kung sino lang ang pwedeng lumapit sa amin. I don't relax like normal people. I take control... even in silence.
Muli akong tumingin sa paligid, at laking gulat ko ng makita ko ang isang grupo sa may sulok ng bar. Kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa ng babaeng 'yon dito? This kind of bar isn't for everyone... so how are they affording it?
"Sino ba ang tinitignan mo?" Tanong ng pinsan ko, sabay lingon niya sa direksyong tinititigan ko.
"Oh, it's her again, huh! Mukhang sinusundan ka ng babaeng 'yan. Tell me bro... siya ba ang babaeng sinabi mo sa akin na muntikan mo ng masagasaan? Siya ang babaeng nagtitinda ng sampaguita?"
I heaved a deep sigh at saka ako tumango. Mukhang sinusundan ako ng babaeng ito. Saka, saan naman sila kukuha ng pera para makainom sa ganitong lugar?
"Woohoo! Happy birthday Freyah!" Sigaw ng babaeng 'yon. I let out a quiet scoff. I can't believe na nag-ipon pa yata sila ng malaking halaga para lamang mag-celebrate ng kaarawan ng kung sino man ang pangalan na 'yon dito sa mamahaling bar. Ibang klase din.
Hindi ko na lang sila pinansin. Hindi rin naman nila kami nakikita, kaya hinayaan ko na lang sila. As long as na hindi niya ako naiistorbo, wala akong pakialam sa kanila.
"Sorry, I'm late."
Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Napangisi ako, akala ko ay hindi na darating pa ang kaibigan kong ito. But there he was... Joseph Cortez. Natawa naman ang pinsan ko, agad na sumandal sa upuan habang nakatingin sa kanya.
"Joseph Cortez... mas lalong yumayabang ang tindig mo ah!" Pang-aasar ni Ashford.
Napapailing na lang tuloy ako ng ulo. Same old. Kahit kailan, hindi nawawala ang bangayan ng dalawang ito. Joseph just smirked, walang balak magpatalo sa pinsan ko.
"At least may ibubuga. Eh ikaw? Hanggang ingay lang?"
"Ulol." Sagot agad ni Ashford, pero may halong tawa.
I shook my head slightly. Biruan man o hindi... silang dalawa lang ang nakakaalam kung hanggang saan ang limitasyon nila. Minsan parang seryoso, minsan parang hindi. But either way, hindi ako nakikialam sa kanila. Hindi naman sila nagkakapikunan, nauuwi lang sila sa tawanan. Ganuon naman silang dalawa palagi.
Tatlo ang tinuturing kong kaibigan... si Trenz Mathias Jones, si Joseph Cortez, at si Glenville Elizondo. Pero sa kanilang tatlo ay si Glen lang ang masasabi kong tunay kong best friend since nuong batang paslit pa lang kami.
Hindi sila close kay Glen. Wala silang koneksyon sa isa't isa, at hindi rin kami nagsasama sa iisang lugar. Iba-iba ang mundo namin, iba-iba ang grupo ng mga kaibigan. Pero kahit ganuon, solid ang samahan namin... in our own ways.
Pero kay Glen? That's something else. Mula pagkabata kasi namin ay magkaibigan na talaga kami. Kung may mga sikreto man ako na hindi kayang dalhin ng iba... siya lang ang may alam. At ganuon din siya sa akin.
Lumipas ang mga oras nang hindi ko na namamalayan. The drinks kept coming... sunod-sunod, walang tigil. The music got louder, the crowd more reckless. Nararamdaman ko na rin ang tama ng alak. Hindi pa ako lasing pero ramdam ko na ang bigat sa ulo ko, 'yung bahagyang hilo na kaya ko pang kontrolin.
I stretched my neck slightly. And then... natigilan ako ng mapansin ko ang babaeng 'yon na nasa dance floor na ngayon. Halatang lasing na lasing na sa galaw niya, hindi na kontrolado ang bawat kilos niya. Tawa nang tawa, sabay sayaw na parang wala nang pakialam sa paligid.
I was about to look away dahil wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Pero... nagngalit ang panga ko. There was a guy behind her. Too close. His hand sliding along her waist, paakyat, pababa, at alam mo agad sa unang tingin na binabastos na niya ang babaeng 'yon. At nakikita ko sa mga mata ng lalaking 'yon ang matinding pagnanasa. Maging ang mga kasama niya, lango na sa alak, or sa alak nga ba?
Damn it. Napailing ako, pilit inaalis ang tingin ko sa kanila. Hindi ko na problema kung mapahamak man sila sa kamay ng mga lalaking 'yon, lalong-lalo na ang babaeng 'yon. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya responsibilidad, but why does it feel like it is?
Nagbuga ako ng hangin... marahas, frustrated dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko maaatim na hayaang magawa ng lalaking 'yon ang nais niya sa babaeng 'yon. Napatingin pa ako sa baklang kasama nila, at knocked out ito sa table. Ang dalawang babaeng kasama niya... parang may mali. May pinainom ba sa kanila kaya ganuon sila ka-wild kumilos?
Goddamn it. Bakit pakiramdam ko... responsibilidad ko sila ngayon? Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. I don't step in at never ko talaga 'yong ginawa.
I don't get involved sa mga taong hindi ko naman kilala. Pero ngayong gabi... parang may mali talaga sa kilos nila, parang ang wild nila sa maling paraan. Siguro ay may pinainom nga sa kanila ang mga lalaking 'yon. Damn it! Kung sino ka mang babae ka, may utang na loob ka na ngayon sa akin. Kayo ng mga kaibigan mo. At nang makita ko na dinadampian na sila ng halik sa leeg ng mga lalaking 'yon. Tumayo na ako. It's time to save them. It's time to save her.
-To be continued...