Chapter 6 -Muling paghaharap-

1818 Words
❀⊱Mattie's POV⊰❀ Dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa unit na ito, at unti-unti na akong nasasanay sa trabaho ko dito bilang tagalinis. Simple lang naman ang trabaho ko, linis dito, ayos duon, then alis agad bago pa sumapit ang oras na bawal na akong nandito. Kapag may kailangan ako, si Tatay Ige agad ang tinatawagan ko para sabihin kung ano ang kulang o kung may dapat na ipaayos. Mabait naman siya, sobra. Hindi niya ipaparamdam sa'yo na empleyado ka lang, parang may halong pag-aalaga sa paraan ng pakikipag-usap niya sa isang anak. Ganuon kasi si Tatay Ige. At nagpapasalamat din talaga ako na hanggang ngayon... hindi pa kami nagkikita ng amo ko. Kasi base sa mga kwento ni Tatay Ige, sobrang sungit daw ng lalaking 'yon. Hindi raw basta-basta nakikipag-usap, at ayaw na ayaw makakita ng ibang tao sa loob ng unit niya... lalo na babae. Kaya paulit-ulit niyang bilin sa akin, halos kabisado ko na nga na huwag na huwag akong pupunta dito ng Sabado, Linggo, at Lunes. Kasi iyon ang mga araw na nandito ang amo. Tapos kapag nandito ako at nagtatrabaho, dapat bago mag alas siyete ng gabi ay nakaalis na ako. At syempre, sinusunod ko 'yon. Ayokong masayang itong trabaho na ito dahil lang sa katigasan ng ulo ko. Ayokong mawalan ng trabaho dahil mahirap makahanap ng ganitong tagalinis lang, pero ang laki ng pasweldo ni amo. Pero syempre, habang tumatagal ay hindi ko maiwasan na maging curious. Ano kaya ang hitsura niya? Napahinto ako sandali habang hawak ang basahan, saka ako dahan-dahang luminga sa paligid. Ang linis ng paligid pero nililinis ko pa rin, pero ang weird lang... walang kahit isang larawan. Walang family picture, walang portrait, walang kahit anong clue kung sino siya. Parang sinadya talagang alisin lahat ng pwedeng magbigay ng idea tungkol sa pagkatao niya. Ano kaya ang problema ng amo ko? Saka nakakapagtaka kung bakit galit siya sa mga babae. Matanda na kaya? Baka matandang binata na sobrang strict at ayaw sa babae kaya ganito ka-private. O baka naman... may pinagdadaanan? May trauma? Napabuntong hininga na lang ako, at saka ako sumandal sandali sa table. "Baka naman kalahi ni Freyah?" Bulong ng isipan ko. Napatawa akong bigla sa sarili kong naisip. Kung ano-anong kalokohan ang tumatakbo sa utak ko. Pero baka naman may tragic backstory? Pwedeng ganuon. Umiling ako, pinipigilan ang sarili kong mag-imagine pa, o mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa amo ko. Pinapasakit ko lang ang ulo ko. Hindi ko nga alam kung matanda na ba 'yon, may pamilya, may mga anak, o bata pa ba? Ay ewan ko na nga. Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko na tigilan ko na ang pag-iisip tungkol sa lalaking 'yon ay hindi ko maitatanggi na naku-curious talaga ako tungkol sa pagkatao niya. Parang may kung anong misteryo na gusto kong mabuksan, kahit alam kong hindi naman dapat. At bakit ba pakiramdam ko na mas safe ako kung hindi ko siya makikilala? May sungay kaya ang lalaking 'yon? May buntot? Natawa na naman ako sa kalokohang tumatakbo sa utak ko. "Jusko, ayoko ng mag-isip!" Inis kong sabi sa sarili ko at ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko. Ilang saglit pa, nakapaglaba na ako, at ngayon naman ay natiklop ko na rin ang mga natuyong sapin ng unan, sapin ng kama, at pati na ang mga kurtina sa dryer. Weekly ko pinapalitan ang mga kurtina, bed sheets, punda ng una at blanket, kasi maselan daw talaga ang amo ko. Napabuntong hininga ako habang inaayos ang huling tiniklop ko at inilagay ko na sa malaking drawer. Nang matapos ako ay saka ko kinapa ang bulsa ng pantalon ko at kinuha ang dala kong sticky note. Medyo may lukot na siya sa gilid ng papel, pero pwede pa naman. Kumuha ako ng ballpen sa bag ko at nagsulat ng mensahe sa amo ko. Tuwing Friday ko ito ginagawa. Hindi ko alam kung nababasa niya ba o diretso lang sa basurahan, pero ewan... parang gusto ko lang mag-iwan ng mensahe para naman mabago ang mood niya. Hindi naman niya ako kilala, at hindi ko rin naman siya kilala. Pero okay lang 'yon. Ito na 'yung ikalawang beses na mag-iiwan ako ng mensahe sa kanya kahit na 'yung una, nakita ko lang sa basurahan, lukot at parang hindi man lang binasa, kasama ang gumamela na binigay ko. Pero heto nagsulat pa rin ako. -Sir, sana ay okay lang ho ang araw ninyo. Nandito ho ang inyong kape. Mainit na mainit pa 'yan, sinigurado ko bago ako umalis ng unit mo para kung darating ka man ay mainit pa, at sana ay magustuhan ninyo. Love, M- Pagkasulat ko, sandali kong tinitigan 'yung note. Napangiwi pa ako nang bahagya at saka ako natawa sa sarili ko. Pero okay na rin 'yon, at least... may kape siya. "Ang corny ko." Natawa tuloy ako sa sarili ko. Idinikit ko 'yon sa isang mug, saka ako nagtimpla ng mainit na kape. Amoy pa lang, ang sarap na. Maingat ko itong ipinatong sa ibabaw ng table, saka ko tinakpan para hindi agad lumamig. Sana kung makakauwi siya ng maaga, matikman niya. Sabi ng tatay at nanay ko, the best akong magtimpla ng kape. Ayaw niya ng bulaklak... susubukan ko siya sa kape. Kinuha ko na ang maliit na bag ko sa ibabaw ng sofa. Isang lingon pa ang ginawa ko sa buong unit. Na-off ko na rin ang aircon katulad ng bilin sa akin ni Tatay Ige, at saka ako lumabas ng pinto. Oras na ng uwian. Six thirty na, at baka abutan pa ako ng amo ko... mawalan pa ako ng trabaho. Pagkapasok ko sa elevator... napatingin ako sa orasang pambisig ko. Hala, mag aalas siyete na pala ng gabi. Bilin ni Tatay Ige, dapat bago mag seven ay wala na ako dito sa condo. Bigla tuloy akong nag-panic. Pero wala na naman ako sa loob ng condo ng amo ko, kaya siguro naman ay walang masama kung nandito pa ako sa building. Hindi naman ako kilala ng boss ko. Pagbukas ng elevator, nagmamadali ang bawat hakbang ko. Mahirap na, baka nakita ng amo ko ang resume ko, nilagyan ko pa naman 'yon ng picture ko na pang beauty queen, sigurado akong makikilala niya ako. Pagkalabas ko ng exit ng building, bigla akong natigilan ng makita ko kung sino ang lumalabas ng isang magarang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang gwapong lalaki na meant to be ko. Halos mamuso na ang mga mata ko ng bigla akong tinabig ng isang impaktitang babae sa likuran ko, kaya muntikan pa akong sumubasob. "Don't block the door, idiot." Galit na sabi niya. Bwisit na babaeng ito, hindi ko naman hinaharangan ang pinto. Teka... nasaan na pala ang future husband ko? Bwisit kasing babae 'yon, nawala tuloy sa paningin ko. "Payatot!" Sigaw ko sa babaeng 'yon habang naglalakad na ito patungo yata duon sa magarang sasakyan na nakahinto. Pero biglang napahinto ang babae kaya naglikot bigla ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin na parang nagpapa-cute, kaya bigla ko siyang nilapitan. Kunwari ay kakilala ko. "Kamusta ka na payatot?" Tanong ko, nakita ko ang pagkagulat niya at kinunutan pa ako ng noo. Akala siguro nito ay may tililing ako sa utak. Napatingin ako sa babaeng tinawag kong payatot. Tumaas lang ang isang kilay niya, at sumenyas sa kanyang mga bodyguards na mga naka uniporme pa. Kaya pinagbuksan na siya ng pinto ng sasakyan at umalis na agad sila, kaya bigla rin akong umalis at baka yakapin pa ako ng lalaking ito. Pero mali ang akala ko, bigla siyang umiwas sa akin sabay talikod niya na parang ang tingin sa akin ay nababaliw. "Sorry naman! Suplado ka, payatot ka naman talaga!" Inis kong sabi, pero hindi masyadong malakas, baka marinig niya at balikan akong bigla. Maghihintay na lang nga ako ng jeep para makauwi na ako at madilim na ang paligid. Baka mag-alala pa si nanay at tatay. Ayaw na ayaw ko pa naman na nag-aalala sila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nasaan na kaya ang gwapong lalaki na 'yon? Bakit biglang nawala? Nandito lang 'yon eh. "Damn bro. Mag-iinuman lang naman tayo mamaya sa bar. Basta sasama ka sa amin." Boses ng isang lalaki, kaya napalingon ako. Pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang kasama ng lalaking nagsalita. Napatulala akong bigla, at nakita niya ako kaya nagsalubong ang kilay niya. Ibig sabihin ay nakikilala niya ako? Oh my gosh... hindi niya kinakalimutan ang hitsura ko. "What the hell are you doing here?" Galit na naman siya. Inaano ko ba siya? Hindi tuloy ako makapag-salita, at tumingin na lang ako sa likuran ko at baka naman may iba siyang kausap, pero ako lang ito. Walang tao sa likod ko. "I'm talking to you, dumbass. Are you following me?" Aray ko naman. Ano ba naman ang problema ng lalaking ito sa akin? Inaano ko ba ito at mukhang ang init ng dugo niya sa akin? Ang gwapo-gwapo, pero ang sungit-sungit. Saka bakit ko naman siya susundan eh may sasakyan siya, samantalang ako sakay-sakay lang ako ng jeep. Jusko, gwapo pa naman sana, kaso shunga-shunga naman. "Hindi kita sinusundan. Mukha ba akong si Flash na kaya kong habulin ang sasakyan mo? Grabe ka. Malay ko ba nandito ka rin. Iyon kasi ang tawag sa meant to be together. Lagi talagang pinagtatagpo ng tadhana." Inis kong sabi. Magsasalita pa sana siya para kontrahin yata ang sinabi ko, pero pinigilan na siya ng gwapong kasama niya. "Ignore her, cuz. Come on... I will show you something in my unit. Hurry up, we're still hitting the bar tonight." Sabi ng gwapong lalaki na kasama niya. Grabe naman sa ignore her. Komo ba mahirap lang ako, ignore her na agad? Tumalikod na sila. Inis ko lang silang sinundan ng tingin. Bakit ba ang init ng dugo sa akin ng lalaking 'yon? Dahil ba sa kinulit-kulit ko siya sa sampaguita? Hindi pa rin ba siya maka-move on duon? Pero ang ganda ng pwet ha. Ang tambok. Ang sarap pisil-pisilin. So, pinsan niya 'yung lalaking kasama niya... at may unit ang pinsan niya sa building na ito? Hala, sana malapit lang sa unit ng amo ko, para kapag maglilinis ako... makikita ko sila. Meant to be talaga. Kung nasaan ako, nanduon din siya. Ayaw lang niyang tanggapin, pero tadhana na ang naglalapit sa aming dalawa. "Lingonin mo ako babe, bago kayo pumasok sa elevator. Kapag lumingon ka, talagang ikaw ang kapalaran ko." Bulong ng isipan ko. Nakatitig lang ako, pero ang bwisit na guard na ito... biglang tumayo sa harapan ko kaya hindi ko siya makita kung lumingon ba, tapos saka ako itinataboy paalis. Bawal daw ang tambay sa harapan ng malaking entrance door. Jusko, sa ganda kong ito, mukha ba akong tambay? Nakakaloka si kuyang guard. Pero kinikilig ako. Lagi na lang nagku-krus ang landas naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD