Chapter 5 -Sticky note-

1552 Words
◄Victor's POV► "What?! Tatay Ige, I clearly told you I want a male housekeeper... not a woman." Napahilamos ako ng palad sa mukha ko, mariin, parang gusto kong burahin ang inis na unti-unti kong nararamdaman. Malinaw ko namang sinabi sa kanya... walang paligoy-ligoy na lalaki lang ang pwedeng maglinis ng unit ko. I don't care kung matanda, kung pilay, o kung halos hindi na makatayo... basta hindi babae. I don't trust them. Not even a little. Napapailing na lang ako habang nakatingin sa kanya, pilit pinipigilan ang sarili ko na huwag mainis dahil napakalaki ng respeto ko sa kanya at siya na rin kasi ang tumayong tatay sa akin. "Fire her." Utos ko. Napapailing pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na babae ang maglilinis ng unit ko. Nagulat siya sa sinabi ko dahil hindi niya inaasahan na gusto kong paalisin ang babaeng 'yon. Agad niya akong nilapitan, ngumiti siya sa akin at bahagya niya akong tinapik sa aking balikat. Napapikit ako. Napahugot ng malalim na paghinga habang pinapakalma ko ang sarili ko. "Victor, anak... isang linggo na siyang nagtatrabaho sa condo mo. Hindi mo naman siya makikita. Sinigurado ko 'yon. Tuesday, Wednesday, Thursday and Friday lang siya nanduon. At sa mga araw na 'yon, busy ka sa itinayo ninyong negosyo ng pinsan mo. Walang chance na magkikita kayo." Sabi niya. Muli akong napahugot ng malalim na paghinga, saka bahagyang napailing. Hindi ko talaga inaasahan na kukuha siya ng babae. Alam na alam niya kung bakit ayoko. May dahilan ako. Malalim na dahilan. Para sa akin, lahat sila pare-pareho lang. Lahat sila, katulad ng babaeng nagluwal sa akin. Hindi ko na siya tinatawag na ina ko, dahil matagal ko ng tinapos ang koneksyon naming dalawa bilang magkadugo. Pero heto siya... sinuway pa rin niya ako. Pinikit ko sandali ang mga mata ko, trying to steady myself. Gusto kong magalit... gusto kong isigaw kung gaano ako ka-disappointed. Pero hindi ko magawa dahil malaki ang respeto ko sa kanya. Napamahal na siya sa akin at itinuring ko na siya na parang tunay kong ama. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya, matagal na siguro akong wala. Siya ang tumayong ama, kahit hindi niya obligasyon 'yon sa akin. Siya ang nandiyan mula ng maulila ako dahil sa babaeng 'yon. "Make sure, Tatay Ige, na hindi kami magkikita ng babaeng 'yon." Sabi ko na lang sa kanya, Kalmado lang ang boses ko, 'yung tipong hindi ko na kailangang ipaalala muli sa kanya na hindi ko pwedeng makita ang babaeng 'yon sa unit ko. Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa labi niya, parang amused pa siya sa reaksyon ko. Kaya napapailing na lang ako, napabuntong hininga pa. "Gusto mo bang makita ang documents niya? Maganda ang batang 'yon at magalang pa. Baka..." Mabilis akong umiling, halos hindi ko na siya pinatapos pa sa susunod niyang sasabihin. "No. I don't need to see anything." Diretsahan kong sagot, sabay iwas ng tingin. Hindi ko kailangang malaman kung sino siya. I don't care kung maganda siya, kung mabait siya, or kung ano ang pagkatao niya. Wala akong pakialam sa pangalan niya, sa background niya... none of it matters to me. As far as I'm concerned, she's just someone doing a job. At isang pagkakamali lang... just one mistake, kahit maliit pa 'yan, I won't hesitate to fire her. Tahimik akong naupo sa sofa, letting my body sink into it habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Napansin ko na parang may gusto pang sabihin si Tatay Ige, pero pinili na lang niyang manahimik. Sandali niya akong tiningnan, then he nodded. "Ikukuha kita ng maiinom na mainit na kape. 'Yung sakto sa panlasa mo." Sabi niya, then he turned around and walked towards the kitchen. Tumango na lang ako, kahit hindi na niya nakita pa. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa, saka ko ipinikit ang mga mata ko. Then, biglang natahimik ang loob ng kabahayan... 'yung tipong naririnig ko na lang ang mahihinang tunog sa paligid, like the ticking of the clock at ang malayong ingay ng tasa na nagmumula sa kusina. Pero ang utak ko... it wasn't quiet at all. Idiniin ko ang pagkakapikit ng mga mata ko, trying to shut everything off... even the memories I've been avoiding for so long. Pero bakit parating bumabalik sa utak ko ang lahat ng nangyari? Bakit hindi mawala sa isipan ko ang lahat-lahat? Bakit naririnig ko ang halakhak niya na parang sinasabi sa utak ko na mag-isa na lang ako. Na kinuha na niya ang lahat ng mahal ko sa buhay? f**k this life! Muli akong humugot ng malalim na paghinga, at saka ko hinilot ang sintido ko habang nakapikit lang ako. Tila ba bigla na lamang sumakit ang ulo ko ng muli kong naalala na babae ang kinuha ni Tatay Ige na tagalinis ng unit ko. "Yeah... this better not be a problem." Mahina kong bulong sa sarili ko. "Anak, heto na ang kape mo." Bigla akong napadilat. Napatingin ako sa tasa ng kape na maingat niyang ipinatong sa ibabaw ng coffee table, at nakikita ko pa ang usok nito na sumasayaw sa hangin. For a moment, I just stared at it, dahil bigla kong naalala kung gaano kasarap gumawa ng kape ang lola ko. I remember one time, iginawa niya ako ng kape. Simpleng umaga lang 'yon bago ako pumasok sa school... pero ewan ko ba, that was probably the best coffee I've ever tasted in my entire life. Kaso... that was also the last time dahil kinagabihan ng araw na 'yon... everything was taken away from me. Biglang nanlamig ang pakiramdam ko. The warmth from that memory quickly faded, replaced by something darker. Parang muling nanumbalik ang lahat sa akin ang lahat ng nangyari ng gabing 'yon. Ang bangungot na nangyari sa buhay ko na pilit kong tinatakasan. Kinuha niya ang lahat ng mga mahal ko sa buhay, at hindi ko alam kung anong klaseng puso meron siya para gawin ang lahat ng 'yon sa mga taong walang ginawa kung hindi ang mahalin siya. I hate her. Namumuhi ako sa kanya... to the point na parang hindi sapat ang salitang galit para ilarawan kung anong nararamdaman ko. Kinasusuklaman ko siya, buong pagkatao ko. And sometimes, I wish... I wish she never existed. Kahit na hindi na rin lang sana ako nabuhay sa mundong ito, para hindi ko nasaksihan ang lahat ng bangungot na 'yon sa buhay ko. "Naalala mo na naman? Kalimutan mo na ang lahat ng iyon, anak... matagal na ang nangyari, at nabubulok na siya sa bilangguan." Mahinahon niyang sabi. "It’s not enough na nabubulok lang siya, Tatay Ige." Sagot ko, halos pabulong at alam ko na naramdaman niya ang bigat ng bawat sinabi ko. Para sa akin ay hindi sapat na nakakulong lang siya. Hindi sapat na naghihirap siya sa loob ng kulungan. Ang dapat sa kanya... mawala na lang sa mundong ito. Completely gone. Para wala na akong maalala. Para tuluyan ko ng makalimutan ang lahat. Huminga ako ng malalim, saka ako tumayo. Inayos ko ang suot kong polo, pinantay ang manggas, parang gusto kong i-compose ang sarili ko kahit sa panlabas man lang. Then I looked at Tatay Ige... saglit na tingin lang, pero sapat para ipakita ko sa kanya na ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa babaeng 'yon. "Duon na lang muna ho ako sa unit ko. Saturday naman ngayon kaya wala ang tagalinis. I just need some space." Tumango siya, kahit halatang may gusto pa siyang sabihin. Pero tulad ng dati, pinili niyang respetuhin ang desisyon ko. Dumaan lang naman talaga ako dito para tanungin siya tungkol sa tagalinis ng unit ko. And honestly... I wasn't expecting that answer. Disappointed ako, yeah. Hindi ko gusto na sinuway niya ako sa bagay na malinaw kong ibinilin sa kanya. Pero wala na rin akong magagawa for now. I'll let it slide... for now. Pero tandaan ng babaeng 'yon na isang pagkakamali lang niya.... and she's out. No second chances. Nawala na talaga ang tiwala ko sa mga babae. Pagkalabas ko ng bahay ay mabilis akong sumakay ng sports car ko, at pagkabuhay ko ng makina... agad kong pina-ingay ang makina, at sapat na 'yon upang buksan ng mga guard ng mansyon ang malaking gate, at saka ko ito pinaharurot palabas. Ang gusto ko lang ay makarating agad ng BGC, magpahinga at tanggalin lahat sa isipan ko ang lahat ng gumugulo sa utak ko. Hindi nagtagal ay naglalakad na ako sa hallway patungo sa unit ko, at pagtapat ko sa pinto, ginamit ko agad ang keycard ko upang makapasok. Natawa ako ng maamoy ko ang buong unit ko, mabango, malinis ang amoy. Dumiretso agad ako sa kusina at natigilan ako ng may nakita akong isang bulaklak na mukhang pinitas sa kung saan na nakapatong sa ibabaw ng table. Palanta na ito, at sa tabi nito ay may isang maliit na sticky note. -Good day, sir. Sana ho ay nagustuhan ninyo ang pagkakalinis ko ng unit ninyo. Smile... love, M.- Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang note na 'yon. I smirked, at saka ko nilamukos ang maliit na papel at ibinato ko ito sa basurahan kasama ang bulaklak na mukhang pinitas lang sa gilid ng kalsada. Damn that woman! Huwag niyang sagarin ang pasensya ko. "M? I don't give a damn."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD