Chapter 3

1062 Words
CHAPTER 3: Skull and Xy A C E POV Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa narinig na boses. Iingay naman nila! "Nu bayan?" I asked them, nakaharap kasi ako sa pader kaya hindi ko makita kung bakit ang ingay nila. "Gising Ace! 5 na," rinig kong sabi ni Yra. 7 ang pasok ah! Mga excited ba'tong mga to? Inaantok pa ako eh. "Bilis! Mabagal tayong kumilos" Napabangon nako ng batuhin na nila ako ng unan. "Iingay nyo, ano bang meron?" "Tumawag si Dad, may step mom na raw tayo," mahinahong sambit Yra na para bang wala syang pakielam sa sinabi nya. "Ano?" Gulat na tanong ko. What the heck! Parang kahapon lang ay pinag-uusapan namin si Dad. "Are you kidding me?" I asked them, walang sumagot. "Kaya ba pinabalik tayo ni Dad dito? sabi nya malapit na tayong matunton tapos yun naman pala may stepmom na!" I can't believe him, ano bang tumatakbo sa isip ni Dad. "Tsk! mamaya na tayo mag-usap about kay Dad. Need na natin maligo" ani Krystal. Matapos maligo ay agad na rin kaming lumabas ng kwarto at hindi na nag-abalang kumain. Nagpahatid nalang kami kay Butler Kyro dahil walang gustong mag drive. "Butler Kyro? if tumawag si Dad sa inyo sabihin nyo busy kami. Wag na syang mag-abalang tumawag pa," bilin ni Alex. Agad na kaming bumaba at tahimik na naglakad. Ngayun palang ay naiinis na ako, bakit ang daming nakatingin? Ganun naba kami kaganda para pagtinginan nila. "Another loser!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig yun. Hinawakan naman ako ni Yra at umiling. Oh well, no trouble this time. Baka unang pasok palang namin ma-drop out kaagad kami. "Loser ha, tignan nalang natin," tinignan ko mabuti yung nagsalita nun. Tinatandaan ang muka, makita nya ang loser na sinasabi nya pag nagkaharap kami sa laban. Magsyadong maraming pasikot sikot at naliligaw na yata kami. Nasan ba yung room namin? Magsyadong malaki ito. "Excuse me?" Natigil kami dahil sa boses ni Yra sa paglalakad ng marinig ang boses ni Yra. Nakaharap sya dun sa lalakeng apat, yun yung nakatama sa kanya ng plastik bottle. "Uy, hi?" alanganing ngumiti si Yra, halatang napilitan lang sa pagkausap. "Hello, magtatanong lang sana ako. Nasan yung Class A?" Halatang nagulat yung apat na lalake. "Class A?" Tanong nung isa tyaka tumingin sa mga kasamahan nya. "Magkakaklase pala tayo. Sabay sabay na tayo" tumango nalang kami. Wala naman na kaming magagawa dahil hindi namin alam ang Class A na'yun. Hanggang third floor tong school, mahihirapan lang kami sa paghahanap. "Zhed! Huy! sino yang mga yan?" lumapit ang isang babae, tinignan kami nito tyaka ngumiti. Para syang kuneho kung titignan sya. "Baguhan dito, kaklase natin" sagot nung Zhed. "Hi! I'm Aljeya Torres, pinsan nitong si Zhed." Ngumiti na naman ito,masayahin yata. Naglahad sya ng kamay samin. Friendly naman ako kaya nakipagdaldalan nako, dun na rin kami naupo sa likuran nila Aljeya. "Xy group kami, kayo ba?" Tanong ni Rendy, isa sa mga kagrupo ni Aljeya. Kasama pa si Angel at Bianca. "Blacljack group, kayo yung ka dorm namin. Nice" anang Yra. "Ehem! By the way kilala nyo naba yang apat na'yan?" tanong ni Angel samin, tinutukoy yung apat na lalakeng pinagtanungan namin kanina. Umiling si Ace bilang tugon. "Si Zhed Torres,pinsan nitong si Aljeya. Yung magkambal—si Don at Dean Mallari. At last ay si Lester Reyes,pinsan ni Bianca. Sila ang Skull Group, wag kayong papaloko sa kanila ah. Matitinik yan sa pagbanat ng sweet line tapos— Hindi na nito natapos ang sasabihin ng takpan ni Don ang bibig nya. "Joke lang haha, nakalibot naba kayo dito?" Ako ang binalingan nito ng tingin kaya naman umiling ako. "Hm, osya sige mamaya pagkatapos ng klase. Ililibot namin kayo" ngumiti ito tyaka itinuon na ang mata sa mga kagrupo. Nagmasid lang ako sa kabuuan ng classroom. Kaninang pagpasok namin ay napansin ko ang kulay ng pintuan, kulay black. May white board sa harapan. Tatlo, apat, lima. Yan ang pagkakasunod sunod ng mga upuan dito. Apat kami kaya ang sumunod ay pang- limahang tao na. Napatingin ako sa may likuran, may mga bag ngunit wala ang mga nagmamay-ari. Napansin ko sa bawat lamesa ay may rank na nakalagay at may mga pangalan. So dito nga talaga kami nakaupo kasi may pangalan namin dito. Baka mamaya ay mapahamak pa kami sa pag-upo namin dito, nangamba pa'ko hays. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang tatlong lalake. Sa palagay ko ay teacher sila dito. "Good morning," sa pagsabi nito ng goodmorning ay halatang napaka seryoso nitong tao. Ang kasamahan naman nito ay tahimik lamang. "Kaming tatlo ang magiging guro nya dito hanggang sa maka-graduate kayo" nagpakilala na rin silang tatlo ay sinabi kung saan namin sila magiging guro. Wews, akala ko ay hindi ordinaryong school to pero mali yata ako. Base kasi sa nabasa ko ay hindi kilalang school to para sa hindi kabilang sa gangster or mafia world. Natapos ang oras ng klase ng maayos naman. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko at tumayo na, gutom nako. "Tara muna sa may dorm. Tapos ililibot na namin kayo dito" Tumango nalang kami kay Bianca. Mas maganda na rin na may alam kami dito sa Yg school at tandaan ang mga rules dito. Pasasalamat ko nalang talaga at walang uniform dito. Nakakasawa ang mag uniform, nababaduyan ako. "Kumain na muna tayo" Suggest ko sa kanila ng makalabas na kami ng dorm. "Magandang idea, nagugutom na'ko" ani Angel. "Dalawa ang cafeteria dito, una ay nasa 1st floor tas dito na sa second floor. Kahit saan ka naman kumain ay ayos lang. Ang maganda dito ay id ang nagsisilbing pera. Tulad nito." Inilabas ni Aljeya ang id nya at agad na inswipe dun sa may machine. Sa katabing machine ay andun na ang mga inorder nya. "Wala pang laman yang id nyo. Magkakalaman lang yan pag nanalo na kayo sa laban pero dont worry, dun sa side na'yun cash ang binabayad dyan" Itinuro nya ang kabilang side, meron ngang tindera dun. "Kami ng bahala sa pagkain nyo,humanap na kayong upuan" ani Rendy. Sumunod nalang kami sa sinabi nito, syempre libre eh! Wala na kaming aaksayahing pera. Madami pa rin ang tumitingin samin habang naglalakad. Ganda ba namin para pagtinginan? Dukutin ko mga mata nila eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD