CHAPTER 4: Black Shadow
Y R A ' S P O V
"Malaki tong school dahil may ibat ibang room dito,may shooting room. Dance, singing at kung ano ano pa. Alam nyo naman siguro na about gangster at mafia tong school but still may mga party din naman dito."
Itinuro ni Aljeya ang isang classroom.
"Yan ang Class B, may red na pinto. Wag kang magkakamaling mamali ng pasok dyan maaari kang pagtripan ng taong dimo kakilala. Etong room naman nato ay Class C, kulay white ang pintuan. At last ang ay Class D, kulay gray. Madaming matatalino dyan."
"Nakita nyo naman siguro yung ground diba? Dyan nagaganap ang laban tuwing party night."
"Party night?" curious kong tanong.
"Yup, but hindi sya totaling party. Bloody night ang tawag dun dati pero ginawang party night,bigla bigla nalang magkakaroon ng party night para malaman kung sino ang mananatili sa ranking sa mafia." Pag sagot ni Rendy sa tanong ko.
"May swimming pool dito, nasa 3rd floor. Nga pala may rules din dito, bawal kang pumatay hanggat hindi party night. Madami namang group na pumapatay pero dapat ay walang makaalam. Matatalino lang at mapaparaan ang gumagawa nun. Kapag nahuli kang pumatay ay mapapahamak ang grupo nyo o hindi kaya ay makakalaban nyo lahat ng grupo dito hanggang sa mamatay kayo."
"May bloody room dito, dun ikinukulong ang mga lumabag sa batas tulad ng pagpatay nalang bigla. Pagkalaban sa nangunguna ditong group."
"Nangungunang grupo?" tanong ni Ace.
Ngumuso si Angel. "Ang Supremo ang nangungunang group dito sa Yg school. Wala pang nakakatalo sa kanila,ang sino mang kumalaban sa kanila ay maaari nilang parusahan. Kung may magtangka man sa buhay nila at nahuli nila pwede nila itong parusahan o patayin. Makapangyarihan ang nasa rank 1 hanggang 6, sila lamang ang pwedeng pumatay, magparusa sa kahit sino dito."
Supremo? Sino kaya sa classroom yung mga yun.
"May mission na ibinibigay para mahasa ang kakayahan ninyo, alam nyo na. Hindi magsyadong mahigpit ang headmistres,sa katunayan ay mabait yun. Maraming grupo ang nagtataksil dito,ang ibig sabihin ay nag-aaral dito pero ang totoo ay espiya lamang para makakuha ng impormasyon. Hindi naman kasi natin alam kung sino ba dito ang anak ng dating mafia. Baka nga mamaya ay nandito pala ang nangunguna sa ranking sa mafia diba?"
"Wag kayong mag-alala madami naman ditong activities, tsaka malay nyo diba baka dito nyo mahanap love life nyo! Ay teka meron ba kayong boyfriend?"
Ngumiwi kaming apat sa naging tanong ni Angel.
"Wala, wala sa isip namin ang magboyfriend. Pero etong si Yra at Ace mahilig sa boys yan kaso di ngalang nagseseryoso" sagot ni Krystal.
Si Krysyal palang ang walang naging jowa samin, study first sya eh.
"Mag-iingat kayo lagi dito, minsan may nga tarantado talaga. May mga nantri-trip nalang bigla kasi bored."
"Napaparusahan rin ba ang nantri-trip?" I asked.
"Yeah minsan, yung iba naparusahan kasi baguhan palang pero kinakalaban na ang nasa mga rank na nangunguna dito. Kung mantri-trip kayo dapat yung sa mga mababang rank lang, wag sa rank 1 to 6," explain nito.
Napatango nalang kami. Well, dapat ay maging maingat kami lalo'nat baguhan palang kami. Maraming curious kung sinong mafia kami anak.
Maaga palang ay nakabihis na kaagad kami. Tulog pa ang Xy ng lumabas kami ng kwarto.
Marami na rin namang estudyante ang nasa labas na, mga morning person.
"s**t! Nawiwiwi ako," ani Ace.
"Edi umihi ka, wala naman samin yung cr!" inis na sabi ko.
"Wait nyo ko ah! Mag order na kayo,order nyo na rin ako" Kumaripas na ito ng takbo.
No choice na kami kundi ibili sya ng pagkain, tumakas lang yata yung babaeng yun para mailibre sya ng pagkain.
"Ano balak natin sa saturday at sunday?" tanong ko ng makaupo na kami matapos bumili.
"Puntang bahay syempre, need pa nating kontakin si Dad. Naiistress ako sa kanya" Natawa na lamang ako sa sinabi ni Alex.
"Natunton daw kaya tayo pinabalik dito yun naman pala may babae na. Hays, ganun na lang ba kadaling palitan si Mommy" Reklamo nya ulit.
Napakunot noo ako ng makita si Ace, nakabusangot ang muka.
"Nyare?" Natatawang tanong ko.
"Wala!" Padabog syang umupo at agad na kinuha ang pagkain na nasa lamesa.
Nagkibit balikat nalang kami. Matapos kumain ay nagdesisyon na pumasok na ng room, syempre madami pa rin ang nagbubulung bulungan habang nakatingin samin.
"Hey! Aga nyong gumising," Gusto ko sanang sumagot sa sinabi ni Bianca na halata naman diba! Pero wag nalang.
"Hey! Kailan kayo free?" Naupo sa desk namin si Zhed, yung tatlo namang kasamahan nya ay nakatayo malapit sa kanya.
"Why?" tanong kaagad ni Ace.
"Diba ililibre namin kayo bilang pagso-sorry sa nangyari nung nakaraan." Yung pagtama siguro ng plastik bottle sa ulo ko.
"Gosh!"
"Inaaya ba sila ng date?"
"Pasikat kaagad."
"Kebago bago,lumalandi kaagad."
Gandang bulungan, grabe! Ano bang problema nila.
"Owshit!" Mahinang sabi ni Ace at halata sa muka ang pagkainis.
Tahimik ang lahat ng bumalik mula sa pagkakaupo ang Skull, nalipat ang tingin ko sa limang lalake na naglalakad na at naupo sa likuran namin.
Ow? Sino sila at bakit parang nay bumalot na kung anong aura sa loob ng room.
Inilabas ko nalang ang cellphone ko at nanood sa youtube.
"Hoy! Tungaw, andyan na prof" Siniko ako ni Ace kaya naman inis ko syang binalingan at itinago na ang cellphone.
Si Prof Nick ang nasa unahan.
"Goodmorning class, alam nyo naman na history tayo ngayun right?" What the f**k, history? Uso pa sa mafia ang pag-aaral sa history?
Anong klaseng history?
"I will discuss about the history of Black Shadow."
Napaupo ako ng maayos ganun din ang tatlo.
"Black Shadow ang nangungunang mafia group sa mafia world dati. Yung iba siguro ay alam to at ang iba ay hindi. Nawala ang mga myembro ng Black Shadow ng maipanganak ang pang-apat na anak ng mag-asawa, hindi na matunton kung nasan ba ang mga ibang myembro nito. Sinasabi ng iba na baka patay na o nagtatago."
"Marami ng grupo ang gustong mapabagsak ang Black Shadow dahil sa pagiging makapangyarihan nito, walang nakakatalo sa kabila kaya ng mawala bigla ang grupong ito ay madami ang nagdiwang. Palaisipan pa rin ngayun kung buhay paba ang leader ng black shadow o hindi."
"Alam naman nating hindi nagpakita ng muka ang bawat myembro ng black shadow diba? Kaya siguro ang iba na nagtatago lang ang black shadow at muli ulit babalik pagdating ng panahon."