CHAPTER 5: Supremo Group
K R Y S T A L P O V
"Grabe no, san na kaya napunta ang lahat ng myembro ng Black Shadow? Pati yung anak nila" Hindi pa rin maka move on sila Bianca sa naging topic sa history.
Tahimik lamang kaming apat at prino-proseso ang mga narinig. "Alam nyo bang kahit isa sa mga myembro ng black shadow ay hindi makita,ang palatandaan lang sa kanila ay ang kanilang tattoo sa likod at maskara nila," Pagkwento ni Rendy.
"Shock's! ma-meet ko lang talaga ang Black shadow buo na araw ko," Masayang sabi ni Angel.
"Boba ka! Malay mo ma-meet mo nga pero katapusan na ng buhay mo" Naiiling na sabi ni Aljeya.
"Hmm? kayo ba? kanino ba kayong mga anak?" Natahimik kami lalo sa naging tanong ni Bianca.
"Vince Villafuente" sagot ni Alex, nanlaki naman yung mata nung apat.
"Yung mayamang business man ha? Wow, edi ang yaman nyo pala talaga" Ngumiwi nalang kami. Baka mamaya madulas pa kami at may masabi pang iba.
"Minsan napapaisip ako kung yung mga business man ba ay part ng mafia"
"Ewan namin," Nasabi nalang naming apat kay Aljeya.
Nasa may cafeteria kami ngayun kasama ang grupong Skull. Tahimik lamang sila ngunit nakikisali din naman paminsan minsan sa pinag-uusapan.
Nararamdaman ko pa rin ang masasamang tingin na ipinupukol samin. Mga siraulo yata mga tao dito, bat kung makatingin ay parang may ginawa kaming masama.
"Wag nyo nalang sila pansinin," Mahinang sabi ni Lester, napansin yata ang mga nakatitig samin.
"Naninibago lang sila, alam nyo na. Kami kasi hindi talaga nakikipag kaibigan dito" Sambit ni Bianca.
Tinignan ko sila maigi, sikat yata sila dito kaya ganun na lamang ang tingin samin ng iba. Agaw pansin ang table namin.
"Shocks! Sya na naman" Sabay sabay kaming napatingin kay Ace.
"What?" tanong nya.
Napatingin ako sa bagong paparating, yung limang lalake na nasa likuran namin.
"Wala!" aniya at umirap.
"Curious ba kayo kung sino yang mga yan?" Angel asked.
Umiling nalang kami. Wala naman kaming pakielam kung sino ba yung limang yun. Magsyado silang pacool kung tignan, i mean cool naman talaga sila tignan sadyang parang may kung anong aura lang ang bumabalot sa kanila.
"Order lang ako ng banana chocolate" paalam ni Ace.
Matapos kong ubusin ang pagkain ko ay uminom nako ng tubig.
"Tangina! Yung banana ko na naman!" Boses ni Ace ang umalingawngaw.
"Oh my," Gulat na sabi ni Aljeya. Napakunot noo naman kaagad ako sa naging reaction nila.
Ang kaninang maingay na cafeteria ay bigla nalang naging tahimik.
"Ikaw na naman!." Ace shouted. Ngumiwi ako dahil sa lakas ng boses nito.
"Stupid! Lagi na lang ba kitang makakabungguan?" sabi nung lalake, isa yata sya dun sa limang lalake.
"Ikaw haharang harang dyan eh! Yung banana ko na naman."
Hinawakan nung lalake si Ace sa kamay tyaka hinila papuntang counter.
"Sya si Sebastian Supremo, myembro ng Supremo group. Kinakatakutan ang Supremo Group dahil sila ang nangunguna sa ranking ngayun dito." Napansin yata ni Aljeya ang pagkunot noo namin.
"Yung blue yung buhok, sya si Terrence Supremo, kapatid naman nya yung kulay black yung buhok si Lawrence, tapos yung isa pa nilang kapatid ay si Sebastian Supremo, Yung lalake namang yun," Turo nya sa lalakeng tahimik lang habang kumakain.
"Yan si Thyron Madrigal, pinakamabait yan sa kanila. Yung isa naman ay si Dave Celvero, kapatid nitong si Rendy. So ibig sabihin ko, magpipinsan yang mga yan" Tukoy nya dun sa limang lalake.
"Wala ba yang mga kaibigan dito? Sila sila lang?"
Fuck this curiousity!
"Meron, close naman namin sila eh. Close din sila sa Skull kaso secret lang yun ah. Bawal malaman ng iba." Bianca whispered.
"Why?"
"Kasi bawal maging magkaibigan ang nasa rank 1 at rank 2 ,kasi bago mag graduation sila muna ang maglalaban." Explain nito.
"Rank 2 kayo?" Di makapaniwalang tanong ko sa Skull.
"Yup, don't worry. Kapag may umaway sa inyo nandito lang kami." ani Zhed.
Tumahimik kami ng umupo si Ace sa upuan, mukang masaya na.
"What?" She asked.
"Landi ah." Yra said, tumaray nalang si Ace. Mamaya ka saming babae ka, kukuyugin ka namin ng tanong.
Natapos ang klase ng matahimik,yung Xy wala dito sa kwarto may pinuntahan yata.
"So ano na! Kwento ka naman, Ace." Kinurot kurot ni Yra si Ace.
"The hell! tama na. Masakit" Sinipa nito sa tagiliran si Yra.
Tsk, parang mga tanga.
"Eto na nga, nameet ko yang si Sebastian kahapon sa cafeteria din. Nakabungguan ko at natapunan ko sya ng chocolate drink, kwinelyuhan ako ng gagong yun. Agaw atensyon kami kahapon."
Napailing nalang ako. Bagay na bagay sa kanya ang codename nya, trouble.
"The heck,Ace. Next time be careful!" I reminded her.
"Base on the info i've got. They are the grand son of Mr. Supremo, they owned hundreds of mall worldwide. 1st grandson is Terrence Supremo, kapatid nya si Lawrence at Sebastian. Pinsan naman nila si Thyron at Dave, ganun din si Rendy Celvero."
"Tanga ka,Ace! Layuan mo na'yun. Baka mapahamak kapa" sigaw ko.
"Owkay! Sayang ang hot pa naman nya" Natatawang sabi nya kaya sinamaan namin sya ng tingin.
"Muka namang mabait sila ah" Depensa nya.
"Muka lang, dipa natin sure kung mabait ba talaga. Sige sabihin na nating mabait pero hello, rank 1 sila dito sa Yg school so pwede din na sila na ang bagong nangunguna sa mafia world."
"Tama si Krystal. Atyaka kung mabait nga sila osya sige, pwede tayo makipag close sa kanila pero alam nyo naman na bawal magtiwala right? Kahit anong mangyari. Atyaka baka mapahamak tayo kasi rank 2 nga close natin pati ang Xy close na rin natin." Alex said
"Hays, osya sige na. Lalayuan kona. How about dad? Tumawag na raw ba sya?" tanong ni Ace.
Napairap ako sa tanong nito, naiinis ako kay dad.
"Malay ba namin, tawagan mo" Utos ko. Masunurin si gaga kaya kinuha yung phone nya.
"Hello,Dad!" Pagbungad ni Ace.
"Hello, how's shcool?."
"Fine,dad. How about you? kailan ang kasal?" Inis na tanong ko.
"We already married." Ano!
"Dad,unfair mo naman. Napalitan mo kaagad si Mommy." reklamo ni Yra.
"No,kahit kailan walang pumalit sa Mommy nyo. By the way,mapapaaga yata ang pagpapakilala ko sa inyo sa step mom nyo."
"Why? Uuwi ka dito?." Nagkatinginan kaming apat.
"Yup,pupunta kaming mansion sa saturday."
Ngumisi nalang kaming apat.