Katatapos ko lang sa pagjo-jogging ko dito lang malapit sa Apartment namin. Pagpasok ko ng Apartment dumiretso ako sa kusina at boses agad ni Bianca ang narinig ko na binibilinan si Balong. "Balong, handa na ba 'yong mga gamit mo for school?" "Oo, 'wag ka na ngang magalala dyan. Dinaig mo pa si Mama e." "Naniniguro lang! Alam mo na ba kung paano ang papunta sa School o kailan ka pa kitang ihatid?" "Hindi na! Alam ko na 'yon." Dumiretso na lang ako sa ref. at kumuha ng malamig na tubig para uminum. "Tandaan mo lahat ng sinabi ko sa'yo at rules dito sa Apartment a! Bawal kang magdala ng babae dito," Kawawang Balong, hindi makakapagdala ng babae dito! Tsk. Tsk. Tsk. "Kung uuwi ka ng late, mag text ka. 'Wag na 'wag kang makikipag away sa school dahil

