Nag hahanda na 'ko ngayon para sa pag punta sa gym ni Mark para mag workout again. Binitbit ko na 'yong bag ko palabas ng kwarto ko. Dumiretso ako pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa kusina kung saan ko na abutan si Bianca na umiinum ng tubig. Naka office uniform na rin siya at ready ng umalis. "Pupunta ka ulit sa Gym ni Mark?" Tanong niya. "Gano'n na nga." Sagot ko. Lumapit ako sa kanya at naki inum sa tubig. "Ba't ka pala nag pakalasing kagabi?" Tanong ko. "E paano naman kasi itong si Jarrett nag lalabas ng sama ng loob niya sa girlfriend niya." "Ikaw na talaga ang dakilang best friend sa lahat!" "Good morning ladies." We heard Balong greeted, lively. "Morning." Sabay naming bati ni Bianca. "Ang energetic mo a!" Bianca comments.

