Chapter 18

1097 Words
CHAPTER 18   Okay so alas-sais pa lang ng umaga, kausap ko ngayon si ate Hurricane. Sabi ko nga dapat si Rain ang kausapin niya kaso siguradong papagalitan lang daw siya non. Nagkwento siya sakin, lahat-lahat.   "Tsk! Tsk! Ikaw naman pala may kasalanan ate."   "I know may kasalanan ako, pero hindi lang naman ako ang may kasalanan! Kasalanan niya din yon kasi hindi niya sinabi sakin kaagad." Minsan naiisip ko mas marami pa akong alam kay ate Hurricane sa love.   "Ganito kasi yon ate Hurricane, galing kayo sa Jollibee. Tapos tumawag si Frecy at mula noon hindi mo na siya kinausap, hindi ka din niya kinausap dahil halata namang ayaw mo. Hindi naman ganoon ka manhid si kuya Reese, malamang bibigyan ka non ng space. Pinaghanda ka niya ng dinner, I’m sure dahil may gusto siyang sabihin sayo, ang kaso ‘yun nga lang kailangan niya munang puntahan si Frecy. Pagbalik niya tinalikuran mo siya, paano na niya sasabihin sayo aber? Sa tingin mo ba madaling magsabi ng I love you?" Natahimik sa kabilang linya si ate Hurricane, tinakpan ko yung bibig ko para mapigilan kong tumawa. Pumasok kasi si Rain sa kwarto ko at ngayon ay nangingiliti na.   "I know that! Pero bakit sayo madali mong nasasabi ang I love you?"   "Kasi po syempre aminado na ako na matagal na akong inlove sa kapatid mo eh iba ang situation niyo. Pareho din kayong mapride kaya mahirap magkaaminan, sabihin mo nga, ikaw ba hindi nahirapan sabihin sa kaniya na mahal mo siya? Diba nahirapan ka rin--.hahaha, Stop it Rain!"   "Asus! Nakita ng problemado ako tapos nagla-loving loving pa kayo diyan, naku Wynter! Ang kuya ko virgin pa yan kaya hinay-hinay."   "Oo nga virgin pa to pero yung isa diyan, wala na!"   "Tse! Mamaya na lang nga kita ulit tatawagan may flight pa kami ngayon. Ipagpatuloy niyo lang yan." natatawang binaba ko na yung phone, tinignan ko si Rain.   "Sinong virgin?"   "Ikaw."   "H-hindi kaya!"   "Weh?" Nag-iwas siya ng tingin, at dahil malaki ang kama ko ay gumapang ako papunta sa kaniya at sinundot-sundot ko siya sa tagiliran. Hindi pa rin siya tumitingin sakin.   "Ayieee! Nagba-blush siya oh."   "Tigilan mo nga ako." Naglakad na siya palabas ng kwarto, nakasunod naman ako sa kaniya. Naabutan namin sa labas ang tatlo na kasalukuyang nagja-jack stone. Sinundan ko si Rain hanggang makarating siya sa sofa.   "Capital V-I-R-G-I-N. What do we got? RAIN!"   "H-hindi nga sabi." Napatingin kami kila Kuya Ice ng bigla silang sumipol na tatlo. Tapos nang- aasar na tinignan nila si Rain.   "Ayieee! Binatang Pilipino, totoy!" asar ni kuya Ice kay Rain.   "Sipa gusto mo?"   "Hindi! Gusto ko ng kiss, pa kiss nga pare." Binato ng unan ni Rain sa mukha si kuya ng akmang lalapit siya kay Rain, kaso si Marv malapit na kaya sinipa niya si Marv na nagpagulong-gulong sa sahig na parang pakwan. Napailing na lang ako at kumandong kay Rain na namumula pa.   "Totoy."   "Alam mo kahit mahal kita itatapon pa rin kita sa labas ng bintanan kapag naasar ako."   "Weh?" "On second thought magkukulong tayo sa loob ng kwarto hanggat hindi mo ako nabibigyan ng triplets." Nanlaki yung mata ko, nakangiti siyang nakatingin sakin. Sina kuya at si Marv ay inipit si Summer tapos pinilit nilang sabay-sabay na kumembot habang nagha-hum. Trip ng mga to?   "Ilayo niyo si Rain sa tukso! Hummmmm!"   "Ilayo niyo siya kay Wynter period! Hummmmm"   "Ilayo niyo po tong dalawa sakin! Hummmm" Sunod-sunod na mantra nila kuya Ice, Marv at Summer.   Kumuha ako ng dalawang unan at ibinato sa kanila, umupo na lang ako sa paanan ni Rain dahil busy na siya ngayon sa kabit niyang laptop. Sinilip ko na lang ang ginagawa niya, a letter from Tito Poseidon.   ‘We found out na may list ng transactions ang York. May basement sila sa gilid ng bahay at may daan don, we need the other red folder na naglalaman ng mga list ng transaction nila. Ang alam ko It'll be safe tomorrow dahil may gagawin silang party, pwede kayong mag-assign ng pupunta don, at isa pa wala don si York dahil ang anak niya lang sa namayapang niyang asawa ang naroon dahil siya ang gumawa ng party. May alam siya sa mga ginagawa ng tatay niya pero hindi siya nakikialam. Take Care all of you, mas mahalaga pa rin ang kaligtasan niyo kesa sa kahit ano.’ Kinalabit ko si Rain, tumingin naman siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.   "Ako ang pupunta."-me   "Delikado, paano kung may makakilala-"   "I doubt it, ang alam ko may bussiness something si York dahil natatandaan ko pa yon sa planner ni Alacantara." Bumuntong hininga si Rain, I don’t know when will he finally grasp the fact na hindi niya ako mapipigilan sa mga mission. Naalala ko tuloy yung kwento ni Tita Mishy na dati daw hindi din daw siya mapigilan sa mission, nagtataka nga si Tita Mishy kung bakit daw ang hilig ko sa mga adventure. Samantalang hindi daw masyadong trip ng parents ko yon.   "Fine, everyone come here, may sasabihin ako." Lumapit samin sina Kuya Ice, naupo sila sa sahig na parang mga tuta na pacute. Tumikhim si Rain at sinabi ang tungkol sa letter ni Tito Poseidon.   "So, sinong pupunta?" tanong ni kuya kuya Ice.   "Si Wynter, ikaw at si Marv. Back-up ulit, si Summer." Nakita kong napasimangot si Summer, mula kasi ng mag-start kami sa mga mission ay lagi siyang back-up. Aba’y syempre, lagot kami kay Tito Poseidon kapag may nangyaring masama sa kaniya. Ibibitin kaming patiwarik non, at lagot din kami sa parents namin.   "The plan?" Marv asked.   "Ano ba kayo? Kakukuha lang ng e-mail tapos may plan agad-“ Pinigilan ako ni Rain, huwag mo sabihing may plan na siya kaagad?.   "Marv, you'll dress as a waiter ikaw din Ice. Si Wynter bisita lang, you need to find the basement without being caught. I guess iisa lang ang alam kong paraan."   "What is it?"   "You need to talk sa anak ni York, kumbinsihin siya na dalhin ka don. Dahil kung ikaw lang magisa ay baka may humuli pa sayo. I’m sure may nagbabantay don, pero kung kasama mo siya hindi ka sasawayin." Sa pagkakakunot ng noo ni Rain ngayon, mukhang alam ko na ang exactly na point niya. I need to flirt with-   "Babae ba yon o lalake? Aba kahit super-super na maganda ako kung babae yon hindi ko maaakit yon." Sabi ko kay Rain   "Lalake." nagsilayuan na sila kuya Ice at pumunta sa kusina. Alam kong nararamdaman na nila na magkaka-episode na naman kami ni Rain.   "Bakit ka nakasimangot?"   "I'm not."   "Yes you are."   "No I'm not."   "Selos ka no?"   "Bakit hindi?  Ang babaeng mahal ko makikita ko na-" nilapitan ko siya at hinalikan. Ang lakas ng boses, speaker much? Nang maghiwalay ang mga labi namin ay bumulong ako sa kaniya. "Pagkatapos nitong mission be ready."   "Why?"   "Kasi hindi tayo lalabas ng kwarto hanggat wala tayong triplets." napatawa na lang ako ng nag-blush siya.   Ang cute ng darling ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD