CHAPTER 17
"Problema mo?" Nilingon ko si Rain na umupo sa tabi ko, nakasimangot na hindi ako sumagot.
"Ano nga?"
"Hindi ako nilibre ni kuya ng ice cream!"
"Tsk! Tsk! akala ko naman kung ano na, hayaan mo na yon dahil mukhang naghihirap na ang kapatid mo. Ako na lang ang manlilibre sayo."
"Weh?"
"Nagpabili na ako kila Summer." Nakangiting sumiksik ako kay Rain, narinig kong natawa siya ng mahina at inakbayan ako. Nag-angat ako ng tingin at tinignan ko si Rain, tumingin din siya sakin.
Then he bend down. OMG! He's going to kiss me again! He's going to----
"Woohoo! Eto na ang Ice Cream--...ano ba? ako muna!" biglang dating nila Summer. Masama ang tingin namin pareho ni Rain sa mga taong ngayon ay na-trap na sa pinto dahil tatlo silang sabay- abay na pumasok. Nasa gitna si Summer na pilit tinutulak si Marv at kuya Ice.
"Hoy! Kayong dalawa may balak kayong gawin ng wala kami no?--- Aray! Summer ‘wag kang malikot mamaya kung anong mabangga mo diyan, sige ka! Mamaya mapikot kita diyan." Asar ni kuya Ice kay Summer.
"ASSANESS!"
"Aray! Saglit wag kayong malikot." Biglang singit ni Marv. Istorbo na pasaway pa ‘tong mga ito. Lumapit si Rain at hinila si Summer, natawa na lang ako ng sabay pang nahulog sa sahig si Marv at kuya Ice.
"Lagot kayo kay Tito Poseidon kapag napisa niyo ang bunsong baby girl niya." Pananakot ni Rain sa kanila. Inirapan pa ni Summer si kuya Ice, palapit na siya sakin dala ang yummy-yummy vanilla ice cream.
"Bitiwan mo ako Iceeeee!" Tili ni Summer, nakahawak kasi si kuya sa paa niya.
"Wag mo akong layuan aking prinsesa, wala ka ng mahahanap na kasing kisig ko kahit saan sa mundo, bow." Pagmo-monologue ni kuya Ice. Pinadyak-padyak ni Summer yung paa niya at parang sumisipa ng soccer ball na sinipa niya si kuya sa tagiliran. Pagkatapos ay nakasimangot na lumapit sakin at inabutan ako ng isang galong ice cream at kutsara.
"Bakit ang dami?" tanong ko kay Summer
"Tig-iisang galon daw tayo sabi ng shokoy mong kapatid." Sagot ni Summer
"Uy! gwapo naman ang kuya ko, triplets kaya kami."
"Ikaw lang at si Wynd ang tao, yan hindi tao." Napatawa ako, nagbu-beautiful eyes pa si kuya kay Summer habang may paflying kiss flying kiss pa. Umupo na lang ako sa tabi ni Rain, maloloka pa ako sa mga to.
"May narinig ka ng kahit ano? Or nakita?" Umiling si Rain na nakatingin sa laptop niya. Maghapon na naming tinitignan iyon para bantayan ang President ng York, normal lang ang mga nangyari. Bumalik na ang totoong Liam at Alcantara, katulad ng hula namin ay wala silang sinabi sa Presidente. Pero mukha silang haggard, namomobrelama sila kung anong susunod naming gagawin sa kanila.
"Yuck!" sabay-sabay na sabi naming lima. Lahat kami nakatingin sa laptop kung saan pumasok si Diana a.k.a Ciara na ngayon ay nakikipag kissing scene na sa impostor na black Santa Claus.
"Hindi kaya magkasugat sugat ang nguso niyan." Nandidiring tanong ni Summer.
"Ang sabihin mo buti hindi tumalbog si Ciara palayo ng tumama siya sa tiyan ng impostor na Santa Claus na yan." Eeeewwww!
"Mas gugustuhin ko pang makipaghalikan sa shokoy kesa dyan." Dugtong pa ni Summer, napatingin ako kay kuya na biglang tumayo at kemembot-kembot.
"Summer my love! Halika na! Halikan mo na ko. Tinatanggap ko na na shokoy ako! Come on baby."
"Asa."
"Sabi mo shokoy. shokoy ako!"
"Gusto ko yung totoong shokoy . Ayoko sayo, tsupi!" Nakangusong tumakbo paalis si kuya, si Summer naman ay napairap lang.
"Yuck Rain patayin mo na yan, kung manonood lang tayo ng bold wag naman yang ganiyan, kadiri." utos ko kay Rain.
"Sira iniintay ko lang na may sabihin si Ciara na balita." Tahimik na pinanood namin ang nakakarimarim na tagpo. Maya-maya ay naghiwalay na rin ang impostor na Santa Claus at si Ciara.
"Kamusta si Emerald at ang anak niya?" tanong ng impostor na Santa
"Ayon nakahanap na rin ng lugar, ewan ko ba sayo kung bakit kailangan mo gumastos sa mga yon. Nagsayang ka lang ng pera pero wala naman tayong mapapala sa kanila."
"Alam mong meron, marami silang resources at mga binabagsakan ng mga illegal na gamot at mga weapons noon. At saka isa pa kung wala na silang pakinabang satin ay mababawi din naman natin yung maliit na property yon."
"How?"
"Syempre ipapapatay natin sila. Pero kailangan muna nating makuha yung list na nasa isang chip ni Emerald, nandoon nakalagay ang mga listahan ng mga pangalan ng mga kliyente nila noon. At kailangan din nating pabagsakin ang pesteng BHO na yon, pagkatapos non ay malaya na tayong kikita. San ba sila kumuha ng lupa?"
"Isang resort yon malapit sa Mantigue Island, pinakamalaki ang resort nila doon."
“Huwag ka ng sumimangot, mapapasatin din yon, ipahihiram lang natin sa kanila."
Kita sa screen na ngumiti si Ciara, pagkatapos non ay nagsimula na naman sa 'yucky' nilang gawain.
"So alam na natin ang lugar, kailangan nating sabihin kila ate Hurricane para pumunta na sila doon." Suhestiyon ko sa kanila.
"Sige tatawagan ko muna." Pumasok ng kwarto niya si Rain, napalingon kami nina Summer at Marv sa direksyon kung saan ang room ni kuya ng biglang may parang torong tumatakbo.
"Ano yan? Pauso mo?" Nakatayo sa harap namin si Kuya Ice, tayo-tayo yung buhok niya na parang binuhusan ng maraming gel. May suot siya na ear muffs na kulay green, korteng parang leaves yung earmuffs kaya nag mukang tenga niya yon. Ang pinakaweird sa lahat ay nilagyan ni kuya ng mud pack yung katawan niya na halatang tuyo na, kulay violet din yung labi niya. Tapos yung kamay niya may gloves pa na kulay itim, naka suot lang siya ng boxers na kulay green. Nilingon ko si Summer na umaatras na.
"O nasan na ang kiss ko? Shokoy na ko! COME ON baby!" patakbo siyang lumapit kay Summer, nagmamadaling tumakbo naman palabas ng room si Summer kasunod si kuya.
"Minsan naiisip ko kung kapatid ko ba talaga yon, baka nakisingit na bulok na sperm cell lang yon at kami talaga ni kuya Wynd ang magka-kambal."
"Mapapatay na ni Summer si Ice." Natatawang sabi ni Marv.
"Malamang lagi na lang niyang hinahabol eh." Napatingin kami sa labas ng may nagsigawan bigla boses ng babae pero hindi si Summer. Lumabas kami ni Marv at tinignan kung sino yung sumigaw, nasa hallway si kuya Ice at may babaeng kalalabas lang ng room niya. Malamang dahil hotel to eh may iba pang tumutuloy dito. Nakatingin yung babae kay kuya na kung hindi pa namin alam na si kuya yon ay baka natakot din kami, lumapit ako dun sa babae. Si summer naman ay mukhang nakaalis na.
"Miss, pasensya na po takas ho kasi sa mental to pasensya na." Hinging paumanhin ko. Hinila ko na si kuya papasok sa kwarto namin, nang makapasok kami ay binatukan ko si kuya.
"Sira ka kuya! Buti hindi inatake yung babae, nasaan na nga pala si Summer?"
"Ewan ko dun ang bilis tumakbo eh."
"Mamaya nakidnap yun lagot ka." Nanlaki yung mga mata ni kuya at lalabas na sana ulit pero pinigilan ko siya.
"Magbihis ka kaya muna, mamaya may matakot sayo bigla ka na lang barilin." Sumimangot si kuya pero mabilis na pumasok siya sa kwarto niya, takot niya lang mawala si Summer. Unang-una ibibigti siya ni Tito Poseidon.
"Anong nangyari?"
"Wala naman, nag-ala shokoy lang naman si kuya. Anong sabi ni ate Hurricane?"
"Ayun bukas na bukas daw ay aalis na sila, hindi nila pwedeng gamitin yung plane ng BHO dahil baka masundan sila kaya kailangan daw kumuha ni Andreige ng plane ticket." tumango ako, lumapit ako kay Rain at yumakap sa kaniya.
"Alis ka muna Wynter kailangan kong icheck ang laptop."
"Ayoko." napapalatak si Rain at naglakad na lang kahit nakasabit pa ako sa kaniya, kaya para kaming si robocap na dalawa. Nang makaupo na siya ay nakakandong ako sa kaniya, inilipat niya sa gilid yung laptop para makakita pa rin siya. Pagkatapos ay nakakunot-noo na tinignan ako.
"Wala ka talagang balak na umalis diyan?"
"Wala." napabuntong hininga si Rain at pinabayaan na lang ako. Pinanood ko yung ginagawa niya, ang cool lang, kaya pa lang magtype ni Rain ng isang kamay. Yung isa kasing kamay niya naka-alalay sa likod ko incase tamaan ako ng pagkaengot ko at bigla na lang akong mahulog. Maya-maya lang ay pinatay niya na ang laptop.
"So..."
"Hmmm?"
"Let's continue."
"Saan?"
"On our kissing scene." Napatawa ako ng bigla na lang niya akong hinapit at hinalikan, nasabi ko na ba dati na. . .heaven?