Chapter 16

1221 Words
CHAPTER 16   Hulaan niyo kung nasaan ako. I'm on top of the world! Wooooo!   "Yeh! O yeh, oh yeh. Teach Me How To Dougie, Teach Me How To Dougie."   "Umayos ka Frost! Mamaya niyan mahulog ka pa." Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Rain. Nandito na naman kasi ako sa itaas ng mundo, este dito sa building ng mga York. Malapit na ako sa floor, to be exact ay 12th floor kung saan ang opisina ni Alcantara.   Napatigil lang ako ng may isang maliit na bintana na bukas, parang sa CR ata yun. Eh may narinig akong tugtog eh. 'Teach Me How To Dougie' kaya huminto muna ako at sumayaw.   "Mamaya niyan may makakita sayo." Saway ni darling Rain.   "Pagbibintanangan ba nila akong inaakyat at papasukin ang building nila eh simpleng window washer lang ako." Nagpeace sign ako ng makita kong may nagme-meeting na nakatingin sakin, tapos nagpatuloy na ako sa pagakyat sa 12 floor ng York. Grabe lang! Pinapagod nila ako. Ganun ulit ang ginawa ni Kuya Marv at Kuya Ice, pagkakaiba lang ay nandito na rin sa loob si Summer dahil hindi na pwedeng pumasok sa room ni Alcantara si kuya. Dahil I'm sure namumukhaan niya si kuya, si Summer naman ang gaganap na janitor ngayon at employee si kuya Ice at si Marv.   "In position na buksan ko na ang bintana." Sabi ni Summer   "Okie!" nagmadali na ako. Nang makarating ako sa 12th floor ay katulad ng ginawa ko dati ay tahimik pero mabilis na pumasok ako sa loob. Pero mukhang mas alert ngayon si Alcantara kaya bigla siyang tumingin sakin. Nanlalaki yung mga mata niya, nagpeace sign naman ako.   "LIAM-" lumapit ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.   "Ikaw naman masyado kang excited, ibabalik ko lang naman ang envelope. Sabi kasi ng Momma ko masama daw nangunguha ng gamit kaya daw dapat ibalik ko." Litanya ko sa kanya.   Kinuha ko yung syringe sa bulsa at tinurukan siya, hindi na siya nakapalag. Hinila ko siya sa pinto. Nandoon na yung tatlo, tulog narin yung guard. Nilagay namin sila sa cart, hinubad ko yung damit ko at ibinigay kina Marv at Summer. Pagkaraan ay umalis na rin sila. Sinuot ko yung fake face. "Activate Enhance Voice Stressed Analyzer." I activated the device. Ginawa din ni kuya yung ginawa ko, maya-maya lang ay kaboses na namin yung secretary at yung guard. Pumasok na ako sa loob, umupo ako sa swivel chair at ibinalik ko yung envelope sa dating kinalalagyan. Tinignan ko yung mga gamit sa ibabaw ng lamesa at ipinagpatuloy ko yung ginagawa ng secretary. Sus! Ang dali lang eh.   "Teach me how to dougie, teach me how to dougie, oh yeh, yeh!" kanta ko ulit.   "Shhh, mamaya may makarinig pa sayo."   "Para namang hindi to ginagawa nung secretary na yon dati, ang boring naman ng buhay niya. Walang music, no life, OMG!" Napangiti ako, parang nai-imagine ko na kasi ang pagkakakunot ng noo ni Rain ngayon.   "Bojoong jung jung chit hat hat pft tsat dam dam, yeh!" Narinig kong may tumawa sa listening device, si Marv. Hindi po sumpa ang mga words na sinabi ko, yun po ay tinatawag na beatbox. Sarili ko nga lang version. Nang hindi pa ako nakuntento, eh pinagpapalo ko pa yung table habang naghe-head bang ako. Yeh! Oh yeh! Yeh, yeh!   "Frost..." tawag sakin ni kuya Ice, bahala ka diyan. Kinuha ko pa yung dalawang ballpen at pinagpapalo ko sa table habang bumibigkas ng 'Bojoong jung jung chit hat hat pft tsat dam dam', tuloy-tuloy pa rin ako sa paghe-headbang. Hanggang may marinig akong tumikhim, Oh s**t!   "I wish you're not wasting my money Ms.Alcantara, oras ng trabaho hindi oras para kung ano man yang ginagawa mo. Anyway, come to my office after you finish doing your messy hair, tawagin mo din si Liam." ]   Iyon ba ang President? Bakit ang pangit? Yuck! pinatulan ni Ciara yun? Kahit pa pulubi ako ngayon at alukin ako ng pera ng lalakeng presidente na mukang black version ni Santa Claus hindi ko tatanggapin yon. Katanggap-tanggap pang makipag-kissing scene ako kay Santa Claus kesa sa impostor na lalaking yon.   "ANG PANGIT-"   "Frost."   "Sorry darling" Inayos ko na ang buhok ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang notes ni Alcantara at lumabas na ako. Tinawag ko si kuya Ice na si Liam kunwari, na kasalukuyang nagbe-beiber flip at pogi pose sa reflection niya sa isang room.   "Magkapatid nga tayo." Natatawang sabi ko kay kuya Ice.   "Syempre! pareho tayong in-love sa mga mukha natin." Sabay pa kaming nagpose don, sya pogi pose ako sexy pose, may papout pout pa kami.   "MS ALCANTARA, FASTER!" tawag sakin nung pangit na presidente.   "Sus! corny." Bulong ko kay kuya Ice, hinila ko na si kuya at pumasok na kami. Nagtuloy-tuloy kami sa office ni black version Santa Claus na nakabukas na ngayon obviously. Alangan namang pumasok siya don ng hindi binubuksan yon, kahit si Santa Claus hindi kaya yon. Bumulong ako kay kuya.   "Paano nakakapasok si Santa Claus sa chimney ng isang bahay eh ang taba niya kaya."   "Malay mo me-duplicate siya." Sabagay, tama ba yon? May duplicate si Santa Claus kaya nakakapasok siya? Okay!   "Sir?" tanong ko kay black version ni Santa Claus, este sa President.   "Sit. Ms Alcantara, Liam. May mga nangyari ba nito ng wala ako?"   "Lalo ho akong gumwapo." Sagot ni kuya Ice   "Ano? Lakasan mo ang boses mo!" naiinis na utos ni black version Santa Claus.   "Ang sabi ko ho wala." Narinig kong napabuntong hininga si Rain sa listening device. Minsan talaga sa isang mission tinatamaan kami ng pagiging natural na makulit. Sisihin niyo ang parents namin, wag kami.   "Ms. Alcantara, I want you to take some notes."  "Yes, Santa- Boss. Sir!" Nakakunot noong nilingon ako ni Santa Claus. "May problema ka ba Ms. Alcantara? You look tense." "High lang ho siguro ako Sir." "What?! Diba sinabi ko ng huwag kang kukuha sa mga drugs sa baba? Kumuha ka na naman ulit?" Woah! 'Ulit' daw. Masaya to! "Tsk tsk, sinabi ng wag kang kukuha don dahil mahal yon. Dun ka sa isang lab kumuha." "Yes, Boss. Sir!" "Okay! Can you take some notes? O hindi mo magagawa?" "Wala ho bang kuto diyan sa balbas niyo?" "Ano? Hindi ko narinig." Sarap lang pagtripan eh. "Sabi ko ho magagawa ko." "Okay, now. " Nagsimula na siyang magsalita, Grabe parang may karera ng kabayo sa bilis. Anong akala niya sakin spider? Isa lang ang kaya kong ipangsulat no! Para tuloy akong ewan at 10 pages ata ang nagamit ko para lang maisulat lahat ng sinabi niya. Bara-bara na yung sulat ko na parang sulat ng taong nag do-doodle sa computer o grade 1 na bata. "Safe ba ang red envelope?" tanong ni Santa Claus   "Yes sir!" Tumkhim si kuya Ice, tumingin naman sa kaniya si Santa.   "Sir. . Iche-check ko lang po yung camera dito, incase na may sira dahil ang tagal ng hindi napasok tong room na to."Tumango lang si Santa, tumayo na si kuya at pumunta sa likod. Nakita ko pa na pasimple niyang inayos yung camera, pero may kinabit siya don. Yung BHO Hack, nang lumayo na siya ay hindi nakita yung device. Astig!   "Lumabas muna kayong dalawa, magpatanggal kayo ng high dahil I'm sure hindi kayo makakapagtrabaho ng maayos." Tumango kami ni kuya, lumabas na kami ng room. Paglabas namin ng office tumakbo na kami palabas, pag nagising si Liam at Alcantara I'm sure hindi sila magsasalita. Lagot sila sa Boss nila kapag nagsalita sila. Kaya safe kami sa ngayon at mission accomplished na naman. Yeh boy! "Kuya kain muna tayo ng ice cream." "Sige ba? saan mo gusto?" "Masarap sa hagen-"   "Sige diyan lang sa dirty ice cream? Sure!"   Napasimangot ako.   kuripot mo kuya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD