Chapter 13

1518 Words
CHAPTER 13   Alam mo yung feeling na paggising mo parang nalulungkot ka? Kasi nag-end na ang napakandang mong panaginip? Yung feeling na parang gusto mo na lang matulog dahil mas maganda yung panaginip mo kaysa sa reality? Alam mo yung feeling na ganon?. . . Ako kasi hindi ko alam eh. Bwahahaha! I'm so happy! Ang cute pala ni darling Rain kapag natutulog, hindi din niya suot yung salamin niya kaya kitang kita ko lahat. Those yummy lips, OMG! Parang gusto ko ng r**e-in ang darling ko!   "Wag mo naman akong tunawin." Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.   "Gising ka na?"   "Ay hindi. Tulog pa ako, nagii-sleep talk."   "Ang sungit mo!"   "Love mo naman." napangiti ako at kinurot ko siya sa pisngi.   "True." Tumayo na ako at sinuot yung robe ko. Naamoy ko na yung pagkain ng room service. Masarap ang room service nila dito hindi katulad sa ibang hotels.   Tumayo na ako at sumunod si Rain, pikit pa ang mga mata ko ng naglakad ako. Kaya nagulat ako ng bumangga ako sa isang katawan, buti na lang nasalo ako ni Rain bago pa ako makipag face to face sa sahig.   "Easy on your sister, Ice. Alam mo namang wala sa sarili yan kapag bagong gising." Paalala ni Rain kay kuya Ice. Ice? Nagbaling ako ng tingin kay kuya na seryosong nakapamewang sa harap ko.   "Wynter, aminin mo nga! May ginawa ka ba kay Rain?" tanong ni kuya sakin   "Ha? Anong ginawa?"   "Hinarass mo ba siya? Hinipuan? Sinilipan o ni r**e?"   Pinaupo pa ako ni kuya sa sofa at nagpalakad-lakad sa harap ko na parang abogado. Naka Ninoy Aquino pose pa siya habang sinusuri ako ng tingin, si Summer naman ay nakatingin lang samin na parang natatawa.   "Para kang sira kuya."   Hindi ako pinansin ni kuya at tinignan-tignan ang naiilang sa pagkakatayo na si Rain. Bakit feeling ko ako ang villain dito at si Rain ang virgin girl na ni r**e ko?. "Kitang kita mga kababayan, namumula pa ang mga labi ng ating biktima na si Rain Dale Night. Kitang kita sa magulo niyang buhok na pinagsamantalahan nga siya ng ating suspect na si Wynter Roqas."   "Objection your honor!" pagtatanggol ko.   "Overrule! The suspect should remain silent." Tinikom ko yung bibig ko at binigyan ng matalim na tingin si kuya na halatang nage-enjoy.   "Rain Dale Night, ayon sa ating witness na si...si Summer, ikaw daw ay ni r**e ni Wynter, tama ba?"   "No-" pinutol ni kuya ang pagsagot ni Rain.   "Kung ganoon nga ay tama siya. Ni r**e ka nga ni Wynter. I declare Wynter Roqas, Guilty!" Anong klase yon? Lumapit ako kay kuya at kahit mas matangkad siya ay binatukan ko siya. Natawa lang siya at kinurot ang pisngi ko.   "Aw! Kuya!" Sinipa ko siya at nagmamadaling tumakbo ako sa lamesa para kumain. Kapag ganitong gutom pa naman ako nangangain ako ng mga judge at lawyer.   Woah! Pancakes! Nag sunod-sunod yung kain ko.   "Dahan-dahan hindi naman makakatakbo sayo yan." Saway ni Rain "Wag kang maingay nagfo-focus ako." Narinig kong natawa siya, tinignan ko si kuya at Summer na mukhang nakakita ng multo na napatingin kay Rain ng bigla siyang tumawa. Kaka surprise talaga ang tawa ng darling ko. "I think I'm in love." Sabi ni Summer na nakatingin parin siya kay Rain, napasimangot ako. Hindi pwede! Kahit na alam ko naman talagang hindi pwede dahil mag pinsan sila. "Ako din! I love you, pare." natawa ako bigla, sa sinabi ni kuya. Nagpeace sign si Summer, na ang ibig sabihin ay joke lang. Pero si Kuya Ice mukhang pinangatawanan na ang pag-aala bading niya at lumapit pa kay Rain at sumiksik. "Ice, layuan mo ko kung ayaw mong lasunin kita. Kadiri ka. Wynter!" tumayo ako at hinila si kuya sa kwelyo, inupo ko siya sa dati niyang pwesto. "Isusumbong kita kay Momma, Kuya! saka Summer, wag na wag mong sasagutin ang kuya kong to ha? Bakla pala-"   "Of Course not! My heart only belongs to you my Summer!" Sinimangutan lang siya ni Summer, pero mukhang hindi pa kuntento si kuya dahil tumayo pa siya at itinaas ang tinidor na may tusok na pancake. "Summer my loves! Kung sasagutin mo na ako hindi ka magsisisi dahil ako lang naman ang next na superman! Kinukuha na rin ako bilang next na James Bond."   "Sige sa kanila ka na lang. Goodluck."  Malungkot na umupo si kuya, napangisi ako. Si Summer lang pala ang nakakapagtahimik kay Kuya Ice. "Oy, kumain ka pa." Utos sakin ni Rain "Ikaw din, O." Sinalinan ko siya ng bacon at pancakes, tapos pinagpatuloy ko na yung pagkain ko.   Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Marveige.   "Hi everyone! Meron akong dalang doughnuts!" Nakangiting nilapitan ko si Marv at kinuha yung dala niyang doughnut. Umupo na ulit ako at lalantakan na sana yung doughnut. Favorite ko yung babarian doughnut eh.   "Naku! Masarap to-"  Nakanganga na ako na aktong may isusubo, ang kaso wala na sa kamay ko yung doughnut dahil inalis na ni Rain at ipinatong sa pinggan niya. "Ibibili na lang kita ng doughnut mamaya." "Bakit pa eh meron namang dala si Marv-" "Basta! Stop asking questions." "Ayoko, gusto ko ngayon na!" Binawi ko yung doughnut at kinain. Masama naman ang tingin sakin ni Rain. Si Marv naman ay umupo sa kabilang side ko at nagsimulang kumain.   "So kamusta ang dyosa na yon?" baling ko kay Marv. "About that I really want to thank you." Pasasalamat ni Marv. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinanggilan ang pisngi ko na pinisil. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi. Nanglaki ang mga mata ko ng bigla na lang siyang hinila ni Rain at sinuntok. Bumalandra si Marveige sa sahig. "Rain!" napatili ako at tinulungan ko si Marv makatayo. "Okay ka lang? Wait kukuha ako ng yelo-" "Wag mong tutulungan yan Wynter! lumayo ka diyan."  Nakasimangot na tumayo ako. Nakapamewang na humarap ako kay Rain. "What the hell Rain Dale Night? Bakit ka nang-aagaw ng doughnut? Bakit ka nanununtok?"   "Ikaw bakit ang kulit mo? Sinabi ng ibibili na lang kita eh! Kahit ilang truck pa ng doughnut. At saka bakit ka ba pumapayag na hawakan ka ng lalaki niyan? Akala ko ba?. .akala ko ba?.."   "Ano?"   "Akala ko ba ako ang gusto mo! Wag mong lalapitan yan! dapat sakin ka lang lumalapit, hindi ka dapat nagpapaligaw sa iba." Napatunganga kami ni Marv at nagkatinginan. Sabay pa kaming napabunghalit ng tawa, inakbayan ako ni Marv na tawa pa rin ng tawa. Lalapit na sana si Rain ang kaso pinigilan ko siya. "Manong Rain, para sabihin ko po sayo etong mamang gwapo nato-"  "Mas gwapo ako diyan." Pagtutol ni Rain. "Oo mas gwapo ka sa paningin ko pero gwapo din siya, lalo na sa paningin ni Kate. Na I'm sure ay girlfriend na ulit niya ngayon." Tumango-tango pa si Marv. Si Rain naman natameme at nakatingin lang samin.   "Ano pare. . .pasensya ka na." Hinging paumanhin ni Rain.   "No problem, Ganiyan talaga ang mga in-love. Seloso, anyway narinig mo ba ang pag-uusap namin sa phone ni Wynter kagabi?"   "Yes, about that. I don’t like you sleeping beside my Wynter." "Of Course not! Pare, nagbibiruan lang kami." Nagkamay sila pagkatapos non, ako naman nakatingin lang sa kanila na parang nanonood ng movie at panay kagat sa doughnut. Nang humarap sila sakin tinaasan ko sila ng kilay. "So? kayo na?" pang-aasar ko kina Rain at Marv. Pinitik lang ako sa ilong ni Rain at umupo na ulit kami at nagsimulang kumain.   "Anong plano natin ngayon para makapasok sa York?" tanong ni kuya Ice.   "Well, kailangan nating gumawa ng mga fake face." Sagot ni Rain.   "Ano bang dapat nating makuha? Saan ba tayong part ng company na ‘yon papasok?" tanong ni Marv.   "Sa office dapat ng president, though that would be too risky. Dapat mag-isip tayo ng ibang room na pwedeng may makuha tayong information about sa president-" paliwanag ni Rain. Napapalo ako sa mesa dahilan para mapatigil si Rain, nagpeace sign ako at uminom ng tubig.   "I have an idea." Suhestiyon ko sa kanila "What is it?" tanong ni Rain "The secretary of the president, kailangan makapasok tayo sa office ng sekretary na adjointing room ng sa president. The secretary almost have all the information the president have, dahil kadalasan ay ang secretary ang sumasalo sa mga trabaho ng president." Tumango-tango si Rain, inilabas niya sa bulsa ng pajama niya ang BH Phone niya. Sinilip ko at nakita kong tinitignan niya ang structure ng York.   "Wynter, you can’t get inside dahil kilala ka ni Ciara, at I'm sure may iba pang makakakilala sayo dun na kasabwat nila Ciara. Dahil ikaw lang naman ang agent na nakita niya, but Ice and Marv can go." No! Gusto kong sumama.   "I can use a fake face, the secretary's face." Paliwanag ko kay Rain.   "Yes we can do that. . .pero makikita sa security na papasok ka pero ang tunay na secretary ay nasa taas."   "I can use a different face, then papalitan ko na lang."   "You can’t, we're in a hurry at mas madali kung isa lang ang gagawin. Alam mong kapag maraming fake face ang ginawa natin sa device na naggagawa ng fake face ay bumabagal yon."   Tumahimik ako at nag-isip, there is definitely a way. Tinignan ko yung phone niya na may nakalagay na structure ng York. Napangiti ako ng may maisip ako, tumingin ako kay Rain.   "Maybe I don’t need to enter on the entrance anyway."   "What do you mean?"   "Pwede namang sa labas ako umakyat diba? Then aakyat ako hanggang sa room ng secretary." Nanlaki yung mga mata ni Rain. I can feel it, this would be a great mission.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD