Chapter 14

1605 Words
CHAPTER 14   I'm so ready na, Nahack na ni Rain ang mga cameras sa loob ng York para makita niya kami. Though hindi niya mahack ang camera sa president office. Si Marveige ay suot ang office uniform ng York, excited na daw siya dahil ngayon lang daw siya gagawa ng ganitong mission. Kadalasan daw kasi ang mission nila ay gagawa lang sila ng cover. Katulad nung na-ikwento niya,  na nagpanggap siyang waiter sa restaurant ng girlfriend niya na ngayon ay si Kate. Tumagal daw ng ilang buwan ang cover niya bilang waiter, may nagtatangka kasi sa buhay ni Kate. So in the end, nagkain-love-an sila. Rather na-inlove siya kay Kate at hinabol-habol niya si Kate, tapos nalaman niya na gusto pa rin ni Kate yung ex niya. But now, sila na.   Si Kuya Ice naman ay nakasuot ng pang janitor, may tulak-tulak din siya na malaking cart ng basurahan na wala ng laman at malinis na ngayon. Parehong nasa loob na ng York si Marv at si Kuya, ako naman nandito sa gilid ng building. Natatakpan ako ng mga puno, suot ko ngayon ang uniform ng isang window washer. Para hindi nila mahalata in-case na may makakita sakin. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang Chameleon Black Suit dahil magtataka naman yung mga tao kung bakit parang gumagalaw yung tali eh wala namang tao. Pero sa loob ng window washer uniform ko ay suot ko ang eksaktong damit ng secretary ng president ng York, Inaabangan kasi namin siya kanina. And it’s so easy to find a suit like that, it’s a common suit na marami ng nagsusuot.   "Ready?” Rain asked.   "Yup." Narinig kong bumuntong hininga si Rain.   "Agent Frost, for the hundred time sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko."   "Nakikinig naman ako ah."   "Yeh right, what about nung sinabihan kitang wag kang lalapit sa target noon. Lumapit ka pa rin at kinausap yung target, tapos yung sa isang mall ang sabi ko sayo abangan mo sa labas, pero pumasok ka sa loob. Tapos the last time, sumali ka sa ballet kahit wala akong sinabi sayo." Tinawanan ko lang si Rain.   "Oo na po." Pagsang-ayon ko kay Rain, narinig ko sa listening device sila Marv at kuya.   "Woah! Pinag-iinteresan ako nung isang employee o kahit na supposed to be, eh janitor ako." Pagmamayabang ni kuya Ice.   "Ako nga may nagbigay bigla sakin ng number kanina eh."segunda ni Marv napailing na lang ako.   "You can start now Frost." Rain commanded me.   "Copy."   Umakyat na ako, nakatali ang buhok ko at nilagay ko iyon sa hat. May malaki din akong mask kaya natatakpan halos ang mukha ko, may hawak ako na pang-linis. Sinimulan ko na ang pagakyat.   "Ingat sis, baka naman mahulog ka diyan." Nag-aalalang sabi ni kuya Ice.   Nakikita ko siya sa isang window, paakyat na rin siya at may tulak tulak na cart. May mga babae na nakatingin sa kaniya. Wew! Kakaiba talaga ang kuya ko, nagpatuloy na ako sa pagakyat. Kung bakit naman kasi ang taas. Hanggang 15th floor ito. Ang 15th floor ay party room or whatever, basta ginagamit nila yon kapag may party. Fourteenth floor pent house, sa 12 floor nandun ang office ng president. Pero ang window na iniaakyat ko ngayon ay nakatapat sa secretary's room.   "In position." Sabi ni kuya Ice, sa listening device.   Papasok siya sa office ng secretary, kunwari ay may kukunin siyang basura pero ang totoo ay bubuksan niya lang ng konti ang malaking sliding window ng office.   "Good Morning, Ms.Alcantara, kukunin ko lang po ang basura." Paalam ni kuya Ice sa secretary. Narinig ko pa yung mahinang sagot ng secretary, I'm sure na starstruck siya kay kuya.   "In position." announced ko sa listening device. Nakarating na ako sa 12th floor, nasisilip ko na rin si Alcantara at si kuya na paalis na.   "Done." bulong ni kuya Ice. Dahan-dahang binuksan ko yung sliding window, pumasok na ako sa loob at sinara ko na ulit yung salamin. Sakto naman na napalingon sakin yung secretary.   "SINO?---" Nilapitan ko siya at tinakpan yung bibig niya, and of course ay nagpapa-pasag siya. May kinuha akong maliit na syringe sa bulsa ko at itinurok ko sa kaniya yon, naramdaman ko na lumaylay ang katawan niya. Mabilis na sinalo ko siya bago pa siya bumagsak sa sahig. Hinila ko siya papunta sa pinto, binuksan ko yung pinto at pumasok sa loob si Marv na binuhat yung secretary at inilagay sa cart na tulak ni kuya.   Hinubad ko ang uniform ng window washer at tinanggal ko ang syringe don, inabot ko kay Marv ang syringe na itinago naman ni Marv sa bulsa niya. Lumabas na sila pareho, nagthumbs-up sakin si kuya. Umupo ako sa swivel chair, I tried to imagine na tinatawag ako ng boss. Then he will give some private file to me, now where would I put it? Kung private file yon, hindi ko dapat basta-basta itago yon sa drawer, kung saan nakalagay ang mga normal files. Itatago ko yon sa tagong lugar. Minsan kasi the more you hide something on a very hidden place, mas nahahanap pa yon. Dahil kahit sino ay magsisimulang maghanap sa imposibleng taguan.   "I can see you, you know." Sabi sakin ni Rain, tumingin ako sa camera at nagsmile. Nagflying kiss pa ako then I mouthed ‘I love you’.   "Love you too." Sagot ni Rain, napangiti ako. Back to the mission, saan ako maghahanap? kung very important ang file na yon bakit sa secretary ibinigay at hindi na lang tinago nung president sa office niya? Because if you're a single minded detective, you'll first search in his room. Common sense lang, marami mang information sa office ng president pero syempre hindi niya itatago don ang information na makakatulong sa mga naghahanap sa kaniya. Meaning. .yung information na binigay niya sa secretary ay makakatulong samin, sa BHO. Dahil kung may iba pang information sa loob ng office ng president, mas mahalaga samin yung nasa file. At kung may iba pa, alam ng president na hindi namin pagtutuunan iyon ng pansin. I think he's waiting for us to attack his office, gusto niya kaming i-trap don.Though, we're not that stupid to go to his office. Sino ba naman ang mag-aakala na dito kami magsisimulang mag hanap?  Ang stupid naman nila, katulad ng kwento ni Tita Mishy. Nag-improve man daw ngayon ang B.E.N.D. dahil sa York, pero hindi pa rin nila kayang lamangan ang talino ng mga taga BHO. Kung wala lang si Ciara na siyang talino nila, baka matagal na tong tapos. Tumayo ako at lumapit sa mga drawer, tumingin ako sa likod at ilalim ng mga drawer pero wala pa rin. There's something I’m missing, may nakaligtaan ako. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Momma, ' You should always be calm kapag may mission ka, para mas madali kang makapag isip. If you succumb to your nervousness, wala kang mapapala.' I need to relax, inhale. .exhale. .inhale. .ex hale. "30 seconds Frost, sabi ni Marv may narinig daw siya na isang employee na paakyat diyan, nandito ako sa hagdanan. I’m waiting for you." Narinig kong sabi ni kuya Ice sa kabilang linya. Hindi ko narinig si Marv busy akong mag isip eh. Paano ako magre-relax niyan. s**t! Calm, be calm. Umupo ulit ako sa swivel chair. Kung ako ang secretary at may ibinigay sakin na importanteng file, dapat laging nasa malapit lang yon, laging nasa tabi ko. Ganoon ka importante yon. Damn! Mabilis na kinapa ko yung ilalim ng table, may siwang don. Hinatak ko yon, nagstuck siya kaya mas nilakasan ko pa. There it is, a red envelope.   "10 seconds."  Kuya Ice reminded me. "Faster Frost." Rain said, mabilis na inilagay ko yung envelope sa bulsa sa loob ng suit ko, at tumakbo ako palabas. "Hey!" ang pagkakamali ko ay lumingon ako, nakita kong nanlaki ang mata nung isang lalaking naka black suit at may earpiece. A president's guard. Damn! Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at may tinignan siyang papel. Sa nakikita kong bakat non, it's my face sketch. Nagmamadaling tumakbo ako sa hagdanan, naririnig kong nakasunod siya sakin. "We have company." Sabi ko kila kuya. "Aakyat ba ako ulit diyan?"tanong ni Marv "No. Stay in the car with Flame." Si summer ang tinutukoy ko, Nakasulubong ko si kuya at nakita kong nasa loob parin ng cart yung secretary. Magigising naman na siya after a few hours. "Mauna ka na." Utos ko kay kuya Ice, tumango si kuya at lumabas sa isang pinto. Sa 11th floor, naman ako at nagtuloy tuloy. Naalingon ulit ako sa likod ko. s**t! Nakasunod na siya sakin, pumasok ako sa isang floor. Eight maybe, may hinila akong isang blue coat at sinuot yon. Sinuot ko rin yung isang hat, kinuha ko sa bulsa ko ang isang black shade. Pagkatapos non ay tumakbo na ako sa elevator. Hindi na ako naabutan nung lalake, pero I'm sure na makakasunod pa siya sakin. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa ground floor ay tinignan ko yung katabing elevator. Pababa narin yon, and my great hunch tell me na nandoon yung lalaki. And mukhang nai-alert niya narin yung iba dahil may naabutan akong mga lalaking palinga-linga. Naglakad lang ako, of course kapag tumakbo ako maghihinala na sila. Nang mapatingin sakin yung isa ay nakangiting tumungo ako sa isang stroller ng bata na nasa isang tabi. Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko yung lalake at nakita kong umalis na siya at sa iba naghahanap. "The security system are up now, I cant hack it." "Di bale palabas na ako." Sagot ko kay Rain. Kalmado na lumabas na ako, huminto ako sa labas at biglang huminto sa harap ko ang sasakyan namin. "HULIHIN NIYO SIYA!" Nakangiting tumingin ako dun sa lalake na kanina ay humahabol sakin. nagflying kiss pa ako.Pagkatapos ay sumakay na ako. "Damn! so cool." Tawa ni kuya Ice. "I know right."   "Wynter? Okay ka lang ba." tanong ni Rain.   "Better than okay." At ngumiti ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD