Tatlong ulit pang nagsalo sa tanghalian sina Noah at Cristina. Hindi na uli nahuli si Cristina sa pagbalik sa opisina ngunit masaya pa rin ang bawat paglabas nila. Hindi sila nauubusan ng kuwento. Hindi nauubusan ng nais alamin tungkol sa isa’t isa. May reserbasyon pa rin siya kahit na paano ngunit nakakatulong na bukas si Noah para mas mabuksan niya ang sarili. Mas nagiging madali para sa kanya ang pagkukuwento dahil ginagawang madali ni Noah ang pagkukuwento tungkol sa sarili nito. Nagkukuwento ang binata sa paraang hindi mayabang at arogante. She had seen his file. Alam niya kung gaano ito kahusay na anesthesiologist. Ngunit ni minsan ay hindi nito iyon ipinangalandakan sa kanya. May paraan din ang binata na maiparamdam sa kanya na napakaespesyal niya, na waring bukod-tanging siya lang

