Papito-pito si Noah habang papunta sa opisina s***h clinic ni Dr. JC Boyce. Kailangan niyang ipasa ang pain management details ng isa nitong pasyente na may osteosarcoma. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Lahat ng makasalubong niya ay gumaganti ng ngiti. Lahat din ng makasalubong ay kanyang binabati. Hindi gaanong mapaniwalaan ni Noah ang ganda ng kanyang pakiramdam. Walang ibang babae na nagparamdam sa kanya nang ganoon at wala naman silang gaanong ginawa ni Cristina. Nagsalo lang sila sa tanghalian at kinilala ang isa’t isa. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang koneksiyon na nadarama niya sa dalaga. Hindi na niya maalala kung gaano katagal na nila kakilala ang isa’t isa. Iniisip niya kung naroon na ang koneksiyon na iyon sa simula pa lang at hindi lang niya kaagad naramdaman. O

