Nagkukumahog na naupo si Cristina sa kanyang puwesto at mabilis na inumpisahan ang trabaho. Halos isang oras siyang na-late sa pagbalik sa opisina. Hindi niya mapaniwalaan na hindi niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng magandang ngiti sa mga labi sa kabila ng kaunting takot na baka mapagalitan siya ng chief sa kanyang pagiging late. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras dahil masyado siyang naaliw at nalulong sa kuwentuhan nila ni Noah sa restaurant. Masarap kakuwentuhan si Noah. Mabilis na nalaman ni Cristina ang kuwento ng buhay nito dahil hindi naman nag-alinlangan ang binata na ibahagi iyon sa kanya. “My mother died of cancer when I was three. Hindi ko siya gaanong maalala dahil noong masyado na siyang mahina para alagaan ako ay kin

