8

2080 Words

ANG LAKAS ng kabog ng dibdib ni Cristina nang mamataan na palapit si Dr. Noah Manzano. Nakita na siya ng binata at may nakahanda nang ngiti para sa kanya. Hindi niya maiwasang humanga nang husto sa binata. He was charming and dazzling. He was so dreamy. Matangkad si Noah at maganda ang tindig. He walked with confidence—not too arrogant. Tisoy ang binata at palaging napakalinis tingnan. Parang laging bagong paligo. Mukhang palaging mabango. Sariwang-sariwa at parang napakasarap pupugin ng halik ang mukha at leeg. Mas nagliliwanag ang guwapong mukha nito kapag nakangiti. Medyo bumabata ang hitsura. Bahagya pang naniningkit ang mga mata nito. Hindi nakasuot ng white coat si Noah. Isang simpleng puting T-shirt at itim na pantalon ang suot nito ngunit mukha pa ring modelo na rumarampa. Mat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD