Matagal nang nagtatrabaho si Cristina sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital ngunit noon lang siya kinabahan sa pagpasok. Kanina pa siya nakatayo sa entrada, hindi malaman kung susulong o tatalikod na para umuwi. Alam ni Cristina kailangan niyang gawin ang kanyang mga trabaho, ngunit hindi rin yata niya kayang harapin ang sinuman kina Marlon at Noah. Lumipas na ang weekend ngunit hindi pa rin niya malaman kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon na kinasuungan. Hindi siya sanay sa ganito. Hindi siya sanay sa komplikasyon at komprontasyon. Sanay siya sa monotonous na buhay. Sanay siya na walang nagaganap. Hindi niya gustong kinakabahan sa pagpasok sa trabaho, sa pagharap sa isang tao. Hindi niya gusto ang pakiramdam na walang kasiguruhan ang napakaraming bagay. Hindi pa rin tumatawag o

