“Nag-propose ako kagabi.” Natulala si Cristina. Parang may bomba na pinasabog sa kanyang harap. Nasa cafeteria na silang dalawa ni Marlon. Hindi naman siya nito pinaghintay nang matagal kanina. Bumili sila ng pagkain at pumuwesto sa sulok. Iilan pa lang ang mga kumakain doon. Bumubuwelo na sana siya sa pagsasabi ng kanyang totoong nadarama nang bigla na lang ibinulalas ng kaibigan ang bagay na iyon. Nananantiya ang tingin ni Marlon. “Princess said yes. Hindi ko gaanong mapaniwalaan. Inakala kong ayaw niya ng commitment but she fell in love with me also. Ang hirap paniwalaan pero masayang-masaya ako.” Sunod-sunod ang naging paglunok ni Cristina. Hindi iyon nais tanggapin ng kanyang isipan ngunit malinaw ang sinabi ni Marlon. He proposed and she said yes. Ikakasal na si Marlon kay Princes

