“YOUR budget meeting is at ten this morning. Nai-e-mail ko na po ang lahat ng report na kailangan n’yo. Tapos ko na rin po ang Powerpoint presentation para sa lecture n’yo mamayang alas-dos. I’m sending it to you now. Your dinner meeting with a sponsor is canceled, baka po nakalimutan n’yo. Miss Sybilla wants you to approve the wedding cake. I’m sending some photos but I’ll find some free time sa sched para po makapag-taste test ka po. Kai—” “Wait, wait,” sansala ni Chief Mendoza sa mga sinasabi ni Cristina. Magkausap silang mag-amo sa telepono nang umagang iyon. Nasa bahay si Cristina at hindi pumasok sa opisina. Nakabukas ang laptop niya at sinusubukang gampanan ang kanyang mga tungkulin kahit na wala siya sa opisina. Nagi-guilty siya na hindi pumasok at nagdahilang hindi maganda ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


