26

1570 Words

Kaagad nabasa ni Cristina ang pagrehistro ng gulat sa buong mukha ni Marlon nang madatnan siya sa bahay nito pagkatapos ng shift sa ospital. Hindi pumasok sa araw na iyon si Cristina. Pagsikat ng araw ay determinado siyang maayos ang ilang bagay sa kanyang buhay bago lumubog ang araw. Hindi niya hinayaan ang sarili na magmukmok sa isang tabi at umiyak. Alam niya na mas ikinagulat ni Marlon ang presensiya ni Princess sa bahay nito. Mugto ang mga mata ng mapapangasawa ng kaibigan. Habag na habag si Cristina kay Princess at inis na inis siya kay Marlon. Dahil talagang naiinis at naaawa na, nilapitan niya si Marlon at inundayan ng suntok. Narinig niya ang pagsinghap ni Princess. Napamura naman si Marlon ngunit kilala siya nito. Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinuntok niya ang kaibigan. A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD