25

2613 Words

PAG-UWI ng bahay mula sa dinner ay tinawagan ni Cristina si Noah. Hindi sinasagot ng nobyo ang kanyang mga mensahe. Pigilan man, bahagya pa rin siyang nag-aalala. Hindi karaniwang tahimik ang nobyo. Bago pumasok sa OR ay tine-text o tinatawagan siya nito. Paglabas nito ay agad din siyang tinatawagan. Bago matulog ay tinatawagan din siya ng nobyo para mag-goodnight. “Tapos na ba ang honeymoon stage?” naitanong ni Cristina sa sarili nang hindi sagutin ni Noah ang kanyang tawag. Nawawala na ba ang kilig at pananabik nito sa kanya? Tinatawagan niya uli ang nobyo nang marinig ang katok sa pinto. Kaagad niyang tinigilan ang pagtawag at nagmamadaling tinungo ang pintuan. Nasisiguro niyang si Noah ang nasa labas nang pagbuksan niya ang kumakatok. Hindi napigilan ni Cristina ang pagdagsa ng disma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD