NAPAGPASYAHAN ni Cristina na dalawin si Noah sa lounge nang hapon na iyon. Dala niya ang isang lata ng chocolate cake. Nakalagay ang tsokolate sa isang lata na mas madalas na ginagamit sa ice cream. Inorder niya iyon sa kaibigan na nasa online business. Masarap iyon at alam niyang may nakabukod na tiyan si Noah para sa masarap na cake. Dalawang araw na rin silang hindi nagkikita ng nobyo. Halos hindi na ito lumabas ng operating room nang mga nakaraang araw dahil nagkasakit ang isang anesthesiologist. Matagal na niyang alam na kung stressed si Noah sa trabaho ay naghahanap ito ng cake. Natagpuan ni Cristina na nakaawang ang pinto ng lounge ng mga anesthesiologist. Hindi nag-reply si Noah sa text niya kanina ngunit alam niyang walang naka-schedule na operasyon ang nobyo. Naisip niya na baka

