“RED-HOT s*x secrets.” Nanlaki ang mga mata ni Cristina nang makita ang hawak na magazine ni Noah. Paano nito nahanap ang special edition magazine na iyon na pinakatago-tago niya? Pagkakain ng hapunan ay nagtungo sila sa loob ng craft room. Ayaw pang umuwi ng nobyo. Nais pa siya nitong makasama. May kailangan siyang tapusing order kaya nakaupo siya sa kasalukuyan sa kanyang working table. Sa loob ng kalahating oras ay hindi siya inabala ni Noah. Hinayaan niyang kutingtingin nito ang kanyang mga gamit dahil ibinabalik naman sa tamang lugar. Iniligpit nito ang mga nakakalat. Mabilis na tumayo si Cristina nang makitang binuklat-buklat ni Noah ang magazine. “Huwag! Please, huwag mo nang tingnan `yan.” Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha at leeg. “Bakit ka may ganito, ha?” n

