13

1319 Words

Gabi na nang magmulat ng mga mata si Cristina. Pagkatapos kumain ng sopas at uminom ng gamot ay kaagad siyang nakatulog. Mas magaan na ang kanyang pakiramdam. Hindi na siya “emo.” May lagnat pa rin siya ngunit hindi na kasintaas ng kanina. Hindi na masakit ang kanyang ulo. “Hindi ako aalis.” Pumasok sa loob ng banyo si Cristina at nagsepilyo. Ayaw niyang umasa na naroon pa sa apartment si Noah. Nangako ang binata na hindi aalis ngunit hindi naman niya ito masisisi kung kainipan ang paghihintay na magising siya. Habang palabas ng silid ay paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na okay lang. Hindi siya madidismaya o magtatampo kung matatagpuang wala na sa labas si Noah. Alam niya na mayroon itong trabaho, may sariling buhay na hindi umiinog lang sa kanya. Nasa apartment pa rin ni Cristina si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD