14

1455 Words

“DAPAT siguro, hindi ko na lang sinabi sa `yo.” Mula sa telebisyon ay ibinaling ni Cristina ang paningin kay Noah. Hindi naman kasi talaga niya pinapanood ang anumang palabas sa telebisyon. Lumilipad ang kanyang isipan. Pagkatapos nilang kumain kanina ay hindi siya hinayaan ng binata na tumulong sa pagliligpit. Pinapunta siya nito sa sala at pinag-relax. Halos wala sa loob na binuksan niya ang telebisyon ngunit hindi naman talaga siya nanonood. Nang samahan siya ni Noah sa sala ay may bitbit itong isang malaking mangkok na may lamang sliced fruits. Mukhang kasama ang mga prutas sa mga pinamili nito nang lumabas dahil wala siyang matandaang mayroon siya ng mga iyon sa ref. Tumango si Cristina bilang tugon sa sinabi ni Noah. Napapabuntong-hininga ang binata na sumandal sa sofa. “Naisip k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD