CHAPTER 6

1120 Words
~MARK POV~ "Sigurado ba kayo na walang nakasunod sa atin??" tanong ko sa isang tauhan pagkatapos kong bumaba sa sasakyan "Sigurado po boss!" "Good!. Kayo na din ang magsabi kay Aze na dagdagan ang bantay dito!" ani ko pero medyo hininaan ko ang boses ko "Sige po boss!. Masusunod!" aniya At umalis na siya… Alam niyo kung bakit ko dito sa Batangas dinala si Ziara??. Una, safe kaming lahat dito. Pangalawa, medyo may kalayuan dito, ay nandoon si Aze. Btaw, siya ang nag suggest na dito "Bro, hindi ka pa ba papasok??" Napatingin ako kay Vhince… "Sge, sabay na tayo" ani ko At umalis na kami __ (~BLAIRE POV~) Nandito kami ni Perlie ngayon sa kuwarto ni Ziara. Nililipat nila ito sa kama. Habang ako dito'y nag-iisip Alam ko na din pala ang buong nangyari kay kuya. Ikinuwento at ipinaliwanag sa akin ni Mark kanina sa biyahe nung papunta kami sa hospital Hindi ko alam kung saan ako maawa kay kuya ba o kay Ziara. Fifty-fifty na lang sa kanilang dalawa. Hayst! Huwag ko na ngang isipin yun Alam ko na din na malapit lang dito sa mansiyon ni bebeko si kuya, kung saan kami dinala nung kunwaring "kinidnap kami" "Maraming salamat po mga kuya, maaari na kayong umalis, kami nang dalawa ang bahala dito" Nabalik na lang ako sa realidad ng magsalita si Perlie "Sige po maam" ani nung lalaki Tsaka umalis na sila… Lumapit naman ako sa bandang gilid sa kama ni Ziara "Sigurado namang hindi na tayo mahahanap ng Mr. Tan na yun noh?!" "Yes, I'm absolutely sure!. Mga bwesit sila!"-sambit ko sabay upo sa upuan na nandito "Bwesit na lang kung bwesit!. Demonyo pa!. Mabuti na lang at nandito tayo mga kaibigan niya, para alagaan at protektahan siya!" aniya "Sana noon pa natin ito ginawa noh?!. Pero nangunguna ang takot natin. Pero ngayon, ipinapangako ko kay Ziara, proprotektahan ko siya!" aniya "Same here!" Ilan segundong tumahimik… "O siya!. (Tayo). Maiiwan muna kita dito bes ha??. Aayusin ko lang magiging kuwarto ko dito!" Wika ni Perlie "Sige, okay lang sa akin. Mamaya ko na lang din aayusin ang magiging kuwarto ko" At umalis na siya… Pagkaalis ni Perlie ay tiningnan ko naman si Ziara na natutulog Now I know, kung bakit nabighani si kuya kay Ziara. Ang ganda niya, lalo't na't pag tulog. Kung lalaki din ako, mabibighani ako sa ganda niya Alam niyo ba kung bakit hinahanap ni Mr. Tan si Ziara??. Si Mr. Tan lang naman ang demonyong step father ni Ziara. Tsaka, kapag mahanap na nila si Ziara ay papatayin nila ito. Dahil ang Tuazon lang naman ang pinakamayaman sa buong Pilipinas. At si Ziara ang tanging tagapagmana. At gusto ni Mr. Tan na kapag, wala na si Ziara ay mapapasakanya ang lahat ng yaman nito. PUTANGINA DIBA??. Mukhang pera?? Magsama sila ng step mother ni Ziara na mukhang clown at mga anak nitong hindi naman kagandahan at kagwapuhan! __(~FAST FORWARD~) Habang kumakain kami dito ay biglang tumawag ang dalawa. Mabuti na lang at ready na yung puwesto ng tablet. Kaya kita kaming lahat [Hey guys!] bungad agad ni Peter "Wazz up bro!" Si bebeko "Hi Franz! Peter!" "Kain tayo diyan!" [No, Thanks. Tapos na kaming kumain. Dinner in bed] Nabilaukan naman ako sa sinabi niya Mabuti na lang at binigyan agad ako ni bebeko ng tubig "Hindi pa rin kayo nagbabago kayong dalawa noh?!. Ang babastos niyo pa din!. Kita niyong kumakain kami oh!" [Ok sorry] Patawa-tawa lang ang iba… [Ok change topic. Mabuti na lang at, ligtas kayong nakarating diyan!] si Franzie "Yezz!!. Sa kaawaan ng Diyos!!"-Perlie [Si Ziara? Asan siya??] [Ayun pala oh??. Hi Ziara!!] ___ (~ZIARA POV~) Bumangon na ako. Medyo okay-okay na lang din naman ako. Ta's, kakapagod kapag parating nakahiga lang Binuksan ko na ang pinto ng kuwartong ito. Oo nga pala, nandito kami sa mansion nila Mark *Lakad *Lakad *Lakad Huminto muna ako sa may hagdanan. At tiningnan ang buong bahay 'Mansion nga!. Ang laki kasi!. Mas malaki pa ito, kaysa sa bahay KO. Ta's ang linis ng bawat sulok. Wala ka talagang makikitang ni isang alikabok' Nagpatuloy na ako sa pagbaba sa hagdan. Maski sa hagdan. NAPAKALinis! Nasa ground floor na ako 'Teka, asan ba ang dining dito??. Nagugutom na kasi ako' Grabe noh?!. Sa kalaki ng bahay, hindi ko mahanap ang dining area "Ma'am Ziara!. Kayo lang naman po pala!" Napatingin ako sa likod ko… Sino naman ito?? "Ah eh… Good evening po!. Alam niyo po ba, kung nasaan sila Mark??" Mas mabuti na lang Mark ang gamitin kong pangalan "Opo ma'am!. Sumunod po kayo!" aniya __ At sa wakas!. Nandito na ata kami. Mga 2-3 minutes din kaming naglakad "Maraming salamat po???…" "Yaya Rosi na lang po!" "Maraming salamat Yaya Rosi!" Nagngitian muna kami bago siya umalis… At nandito ako sa mga hinayupak kong kaibigan. Hindi man lang ako ginising. Kahit, maghapunan na! Ka video call pala nila sina Franzie at Peter Napatingin naman sa akin si Mark… "Uy Ziara!?. Nandiyan ka pala!" aniya "Wawait, Ziara?;?" Agad naman akong inalayan ni Vhince. Napaka oa neto!!? Tsaka binigyan ako ng upuan "Ziara, okay ka lang??" Ani Blaire [Hi ma friend!!]-Franz [Hi Ziara!!]-Peter "Hi sa inyong dalawa!" ani ko sabay ngiti at kaway "Bakit ka bumangon bes!. Hindi ka pa totally magaling!!"-Perlie "Hindi!!. Magaling na ako!!" Wika ko "Sure ka ba??!"-Vhince Tumango lang ako sa kanilang lahat sabat ngiti… "Eh yung puso mo??. Magaling din-" Hindi na naituloy ang sasabihin ni Mark dahil tinakpan ni Blaire ang bibig nito "Huwag mo na ituloy!" Bigla na lang naman akong nalungkot. Alam ko kung ano ang idudugtong ni Mark ___ (~AUTHOR'S POV~) May isang lalaking nakatayo na umiinom ng wine habang naka tingin sa mga buildings este sa labas "Boss, bad news at good news" ani nung tauhan niya Nanatili pa din siyang nakaharap sa labas. Glass kasi ito, kaya kitang-kita ang ibang buildings "Yung good news ang unahin niyo" aniya "Yung good news boss. Napaamin namin yung nurse. Nandon nga sa hospital na 'yun si Ziara at mga kaibigan niya!" Humarap siya dito… "Ano pang hinihintay niyo??. Kunin niyo na si Ziara!!" Wika niya sa tayhan niya Nagkatinginan naman ang dalawang tauhan "Yun na nga po ang bad news boss. Wala na po sila dun!. Nakatakas po!"-tauhan2 Galit na galit ang boss nila. Dahil sa galit nito ay inihagis sa kanila ang wine ng glass "Hindi puwede yan!!. Kailangang mahanap niyo sila!!. Hanapin niyo!. Kahit saang parte ng mundo!!" "Opo boss!. Hanapin din namin. Ngayon din!" ani nung tauhan at umalis na sila Naiwan namang mag-isa ang boss nila "Kahit saan ka man, kayo magtago bata ka!. Mahahanap at mahahanap pa rin kita!. Sana noon pa kita pinatay eh!. Lintek kang bata ka!!" __~END OF CHAPTER 6~__
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD