~AUTHOR'S POV~
May isang lalaking nakahodie na papasok ngayon sa mansiyon nila Marc
"Sino ka??!. Bawal pumasok ang hindi nakatira dito!" matapang na sambit nung isang tauhan habang itinutok sa lalaki yung baril niya
Iniangat naman nung lalaki ang ulo niya para tingnan yung tauhan
"Boss!!! Kayo po pala yan!. Pasensya na po kayo!. Hindi kasi kita nakilala!"-tauhan at inilayo na niya ang baril
"Okay lang. Maaari na ba akong pumasok??" Ani nung lalaki
"Sure boss!"
Binuksan na ng tauhan yung gate at ipinapasok ang lalaki
___
~MARK POV~
Hinihintay ko ngayon si Aze dito sa madilim na parte. Bwesit na lalaking toh oh!. Baka makita pa siya nila Vhince!
"Mark! Bro!"
Tumingin ako sa likod ko dun kasi nanggagaling ang boses
At eto nga siya!. Nakaitim lahat ng suot at may dala ng isang teddy bear
"Bro, ano bang pumasok sa kokote mo at, pumunta ka dito!!. Baka makita ka pa ni Vhince. Bugbugin ka pa nun. Alam naman natin na galit siya sa'yo diba!?"
"Hindi nila ako makikita, kung hindi mo ako ipakita sa kanila. Kailangan ko ng tulong mo, niyong dalawa ni Blaire bro!"
"Teka teka, ano bang kailangan mo??"
"Samahan mo ako sa kuwarto ni Ziara. Ituro mo kung san ang kuwarto niya"
"Bakit?? Miss mo noh??!"
"Puwede bang samahan mona ako??!"
"Sige. Dito tayo sa likod dadaan"
__~FAST FORWARD~__
Sa wakas ay nagtagumpay akong ipasok si Aze sa loob ng mansiyon na walang nakakakita sa kaniya
Malapit na kami sa hagdanan papaitaas ng bigla na lang kaming napahinto dahil merong kaming nadinig na tawanan galing sa sala. Magkatabi lang kasi ang hagdan at tsaka sala
Nagpigil sign muna ako kay Aze. At sinilip kung sino ang nagtatawanan
And then I see, si babe, Perlie at Franzie
"Nandiyan ba sila??"
"Ssshh!. Magtago ka muna diyan. May naisip ako" ani ko
Nagtago naman siya don sa may kurtina at lumabas na din ako
"Babe??!" Tawag ko na parang hinahanap su Blaire
"Bebeko! I'm here!" sagot niya
Lumapit naman ako sa kaniya. At niyakap siya mula sa likod. Samantalang nakaupo lang siya
"Uy Mark! San ka galing!" Si Perlie
"Nagpahangin lang. Puwede bang hiramin ko muna si Blaire, kahit saglit lang??" ani ko
"Sure bro!. You can do whatever you want sa girlfriend mo!"-Vhince
"Thanks!"
Humiwalay naman ako sa pagkakayakap kay Blaire. At ipinatayo siya
Ta's pumunta kami dun sa banda ng pinagtaguan ng kuya niya
"Babe, anong gagawin natin??. May sasabihin ka ba??" aniya
Hinarap ko naman siya…
"No babe!. Kailangan ko ng tulong mo. Kailangan namin!. Ang tulong mo!"
Nakita ko namang nagtaka siya sa sinabi ko
"Namin?!"
"Oo!"
Tumingin ako sa tinataguan ni Aze. Sakto naman ang paglabas niya
"Kuya!!"-Blaire at sinalubong ng yakap ang kuya niya
Ta's humiwalay din sila…
__
(~AUTHOR'S POV~)
Bumalik na si Blaire kina Vhince at Perlie
"Uy bes! Ang dali lang ata niyo ni Mark!"-Perlie
"Mamaya na lang kasi raw"
Napatingin naman si Blaire sa bandang likod niya kung saan doon nagtatago ang dalawa. Ta's balik din sa dalawa na nasa harap niya
"Uhm guys. I have a favor to you"-Blaire. "Puwede bang samahan niyo akong magluto?? Este mag bake tayo!"
"Ano namang I ba-bake mo Blaire??" Tanong ni Vhince
"Kahit ano!. Brownies, cupcakes, cakes etc!. Total, wala naman tayong ginagawa dito!"
"O sige!. Game ako diyan!"-Perlie. "Magba-bake ako, at ipakain ko kay Ziara"
"Sige!. Payag na din ako!"
"Thanks guys!. Tara na!. Magtungo na tayo sa kusina!"
Pagkaalis nila Blaire. Ay hinintay mo na nila Mark na makalayo na ito. Since, nasa bandang dulo ang kusina
Nang makalayo na sila ay lumabas na din ang dalawa. At nagmamadaling umakyat sa hagdan
___
(~SA HARAP SA KUWARTO NI ZIARA~)
"Dalian mo bro ha??. Baka aakyat yun dito!" Saad ni Mark
"Sige. Sigurado ka bang, tulog si Ziara??" Ani Aze
"Oo!. Sure na sure ako!"
"O sige. Puntahan ko na!"
Pumasok na si Aze sa loob ng kuwarto ni Ziara habang dala pa din yung stuff toy na kamukha niya
Dahan-dahan at mahina lang ang kilos ni Aze, baka kasi magising si Ziara
(-BRAZE POV-)
Yung isang paa ko ay nakaluhod sa sahig
Inilagay ko muna yung stuff toy sa may mesa na nandito. At yung sulat
Tapos tiningnan ulit si luv…
"Luv, ang ganda-ganda mo pa din. Sana tanggapin mo teddy bear at sana basahin mo yung sulat. Finally luv, nalapitan na talaga kita. Mahal na mahal pa din kita luv. Noon pa"
Tiningnan ko naman ang napakaganda niyang mukha…
At sa labi niya. Na sabik na sabik ko nang mahagkan ulit
"Pasensya na luv ha??. Iiwanan naman kita. Baka kasi, makita ako ni Vhince. Galit na galit yun sa'kin!"
Tiningnan ko naman siya ulit
At tumayo na ako…
Tapos hinalikan siya sa noo ng ilang segundo
___
(~BLAIRE POV~)
Habang masaya kaming nagbabake ay bigla na lang ding tumunog ang phone ko
Pinunasan ko muna yung kamay ko bago ito kinuha…
?BEBEKO?
Text: Tapos na Babe. Salamat sa tulong mo, sabi ng kuya mo
Napapangiti na lang ako sa text ni bebeko
To ?BEBEKO?:
Welcome❤
Pag ka send ko sa message ay, ini-off ko na ang phone ko
At binalikan sila Vhince at Perlie
___
(~ZIARA POV~)
Napa gising na lang ako dahil sa ingay ng tunog ng pinto. At naramdaman ko din kanina na may tao sa kuwartong ito. At kilalang-kilala ko…
Bumangon na ako…
"Luv?!"nsambit ko
Tatayo na sana ako para i-check kung si luv ba talaga yun ng biglang may nahagilap ang dalawang mata ko
Kinuha ko ito
Isang teddy bear na medyo kahawig niya
"From Aze
To: Sa pinakaimportante at pinakamaganda sa buhay ko,Ziara. My luv❤"
Napapaiyak-iyak na lang din ako
"Si luv nga yung nandito kanina"
At may sulat pa…
Binuksan ko yung sulat at nagsimula nang magbasa
[ Dear luv,
Hi luv!. Alam mo ba kung ano ang araw ngayon??. Naaalala mo pa ba??. Its our 2nd anniversary!!!. Second kasi, kahit kailan hindi tayo naghiwalay
Sorry luv ha? Sorry sa lahat-lahat ng mga nagawa ko sayo. Una, sorry dahil alam kong nasaktan kita luv nung naghiwalay tayo. Hindi ko naman yun ginusto luv eh!
(Tears started falling)
Pangalawa, sorry luv kasi. Dalawang taon akong hindi nagparamdam sayo. Sorry luv. Sorry!!. Miss na miss kita luv. Gustong-gusto na kitang yakapin, halikan. Ngunit, kailangan kong kayanin. Sana maiintindihan mo ito lahat luv. Magpapaliwang din naman ako, kapag puwede na tayong magkita. Malapit na luv!. Malapit na ang araw na yan. Pangako yan!
Tsaka luv, yung stuff toy pala. Yan na muna ang papalit sa akin, habang wala ako ha??. Yakapin mo lang yan luv, sakaling miss mo ako. Salamat luv. Salamat
Dito na ako magtatapos. Huwag mo sanang kalimutan na mahal na mahal kita luv. Paalam sa muna ngayon ]
Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya
Kinuha ko yung stuff toy at niyakap iyon
"Miss na miss kita luv. Sana malapit na tayong magkita. Mahal na mahal kita"
__~END OF CHAPTER 7~__