—DAYS PASSED—
(~ZIARA POV~)
Ilang araw ng lumipas mula nung binigay sa akin ni luv ang teddy bear na ito
Mula sa paggising, kung saan man ako pupunta ay dala ko ang stuff toy na ito. Maging sa pagtulog ay katabi ko ito at yakap-yakap
"Uy bes! Saan ka pupunta??" Ani Perlie. Kasama niya si Vhince
"Somewhere" ani ko
"Pasensya na Ziara, hindi ka namin masamahan kasi mag celebrate kami eh!"-Vhince
"Its our Anniversary Ziara!!"-Perlie
"Congrats sa inyong dalawa. Stay strong. Okay lang na hindi niyo ko samahan. Pinasama naman sa akin ni Mark yung dalawang tauhan"
"Sge. Mabuti yun. Para sa kaligtasan mo rin"
"Sige bes, mauna na kami sayo ha??. Mag-iingat ka"
"Mag-iingat din kayo" sambit ko sa kanila
Tuluyan nang umalis silang dalawa
Nagpatuloy na din ako sa paglalakad
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Nandito na ako malapit sa kotse na gagamitin ko. Nakaalis na din pala ang sasakyan nila Vhince at Perlie
Tumingin muna ako sa buong paligid. Malaki pala ito. Ta's ang backyard at harapan ng mansiyon NAPAKALAKI. Puwede nang maglaro, mag picninc and etc
Binalingan ko na ng tingin yung isang tauhan…
"Tara na po kuya" ani ko
Pinagbuksan muna niya ako ng pinto at umikot na siya
Habang papalabas kami ng mansiyon ay dito ko nakita ang kabuuan nito
Andaming matataas na puno, ta's napakaganda ng paligid. Pang probinsiya talaga siya. Perfect na perfect na pang horse riding
___
(~BLAIRE POV~)
Sad ako dahil hindi ko nasamahan si Ziara. Nandito kasi kami kay kuya. Ilang araw na din kami na hindi nakabisita dito
Miss ko na si mom and dad at si kuya…
Bumaba na ako sa kotse at ganun rin si bebeko
__
"Anak!"-mom
At nagyakapan kami muna
"Good morning po Tita" bati ni bebeko
"Good morning iho"
"Mom, asan po si kuya at dad??"
Iniyaya muna niya kaming umupo. Kaya umupo kaming dalawa
"May pinag-uusapan. Nagplaplano kasi sila kung paano lusubin ang mga kampon ni Tan"
"Nagplaplano??. Bakit hindi ako kasama??"-babe
"Heheheh. Ikaw talaga iho. Alam ko namang kung ano ang plano nila ay sasabihin nila iyon sa atin"
"May point kayo"
Ilan sandali pa'y may mga boses kaming naririnig na paparating sa kinaroroonan namin
I think si kuya at dad na iyon…
"Dad!" sambit ko kaagad ng makita ko si dad
"Anak"
At nagyakapan kami…
"Hi kuya!"
Pagkatapos kong banggitin yun kay kuya ay bumalik na ako sa kakaupo
"So bro, Tito. Ano ang napanlanuhan niyo??"
Umupo muna si dad at kuya tsaka nagsalita…
"Bago namin iyon sabihin sa inyo. May ipakilala muna kami"-dad
"Isang taong tatanggapin niyo. At tutulong sa atin. Maaari ka nang lumabas!!"-kuya
May mga yapak naman ng paa ang palapit sa amin
At lumabas na nga yung lalaking matangkad
At nagulat na lang ako ng mamukhaan ko ito
___
(~VHINCE POV~)
Nandito kami ngayon ni mylabs sa isang di masyadong sikat na restau dito sa Batangas
'Pero nagandahan ako sa lugar at paligid'
Alam naman namin na safe kami sa lugar na ito. Kaya puwede lang lumabas. Pero huwag magkampante. Sabi pa ni Mark
Kahit pa man, may problema ngayon. Hindi pa rin namin makalimutan ni mylabs ang anniversary namin. Kailangang i-celebrate pa din
Habang kumakain kami ngayon ay biglang tumunog yung phone ko. Kaya kaagad ko itong kinuha
Daddy Cio's calling. Daddy ni mylabs…
Inayos ko muna ang pagkakalagay nun para makita kaming dalawa ni mylabs. At sinagot na si Daddy. Chaar!. Heheheh
"Hi dad!. Kumusta po kayo??"-mylabs
"Good morning po Tito!" Bati ko
[Hindi na good morning. Heheheh. Maayos lang din naman kami mga anak. Kayo ba diyan?!. Wala bang nangyaring masama??]
Nasa ibang bansa kasi sila Tito at Tita, together with mom and dad. Ta's alam na nila ang nangyayari sa amin
"Sa kabutihan ng diyos. Wala naman po" sagot ko
[Mabuti yan]
"Daddy, asan si mommy?? Si Tito and Tita din" maylabs
[Wait. Puntahan natin sila]
Napangiti naman kaming dalawa ni mylabs. At nakikita nga namin sa vc, naglalakad si Tito
Ilan sandali din ay huminto ito…
[Hon, Ma'am Celine!, Sir Nash. May nangungumusta sa inyo oh!]
At ipinakita na kaming dalawa ni mylabs
[Anak!!]nmommy ko
"Hi ma!"
"Hi po Tita!"
___
[Sige na mga anak. Dito na magtatapos, may trabaho pa kasi kami eh!]-Melody
"Sad man ma. Pero okay lang"
[Mga anak. Mag-ingat kayo parati diyan!]-Nash
[Ang parating bilin ko sa'yo Vhince ha??. Aalagaan mo 'tong anak ko!] ani Tito kaya napangiti ako
"Always po Tito. Makakaasa po kayo"
[O sige. Bye na]-Celine
"Bye ma! Pa!" sabay naming sambit ni mylabs
At nawala na sila…
"Kakamiss din mylabs noh?!. Namiss ko tuloy si daddy!" Malungkot niyang saad
"Oo nga eh!. Matagal pa natin silang, ulit na makasama"
Ilan segundong katahimikan…
"Alam mo mylabs. Picture tayo dali!!. Ipopost ko sa Ig"
Lumapit naman siya sa akin
At nagpicture nga kami…
Nakakailang pictures din kami eh!. Kahit ano-ano na lang ang mga posing
___
(~SOMEONE'S POV~)
"Ipagpatuloy niyo ang paghahanap dun sa kanila"
"Opo boss!. Ginagawa na po nila"
"Good!!"
Umalis naman siya at may pumasok
"Mr. Tan" aniya at umupo sa harap ko sa may upuan
"Anong dala mo??!"
"Bad news po Mr. Tan"
"Alam mo naman siguro na hindi ako nakikinig ng mga bad news"-ako
"Pero kailangan niyo pong malaman" aniya
"Ang alin??!"
"Nawala po ang kuha ng CCTV sa pagkamatay ni Mr******"
Bigla namang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya
"Paano??"
"Hindi po namin alam. Ang aka-aka nila, may nagnakaw nito mula sa pinagtataguan niyo. Pero nung I check po namin yung CCTV. Wala naman pong nakuha!"
"Hindi puwede yan!!!!. BWIIISIITT!!!"
Napatayo ako sa galit ko plus sa inis…
'Isa lang ang hinala ko kung sino ang nagnakaw'
'Mga Suarez!'
___
(~ZIARA POV~)
Nandito ako ngayon sa isang malawak na lupain, na may mga puno din habang yakap-yakap pa din ang stuff toy
Huminto naman ako at umupo muna sa may branch na upuan dito. At itinabi ko din/ pinaupo ko yung stuff toy
Yung mga lalaki pala na kasama ko kanina. Nandun sa sasakyan, medyo malayo dito
Pagkaupo ko ay tiningnan ko ang kalangitan
"Ma?. Pa??. Naririnig niyo ba ako??!. Kung naririnig niyo 'ko. Gusto ko lang sabihin 'toh!"
"Ma. Pa. Nung una, hindi ko talaga matanggap ang lahat. Wala na pala kayo. Gawa-gawa ko lang pala na may kapatid ako. Heheheh"
"Ma. Pa?. Sana, magpakita na sa akin si luv!?. Sayang noh?? Hindi ko siya napakilala sa inyo. Pero alam ko namang nakikita niyo kami. Alam niyo, ma pa. Mahal na mahal ko ang lalaking yun. Kaya sana, plsss. Magpakita na siya sa akin"
Tears started falling down…
"Para magsama ulit kami ng masaya. Dahil alam niyo ma, pa. Siya na lang yung nandiyan sa akin eh!. Kinuha na nga kayo ni God. Sana, huwag niyo naman kaming ipaglayo ni Luv!. Baka isang araw, mapapagod na ako. Mapapagod na akong kakahintay sa kaniya"
Tumayo ako at lumapit don sa may bangin…
"WAHHHH!!!" sigaw ko
"WAAAAHHHH!!!!"
Napatigil na din ako
At lumapit pa sa bangin. Kung saan malapit na akong mahulog
"Hey miss!!"
__~END OF CHAPTER 8~__