(~ZIARA POV~)
"WAAAAHHHH!!!!" sigaw ko ulit
Napatigil na din ako
At lumapit pa sa bangin. Kung saan malapit na akong mahulog
"Hey miss!!!"
Napatingin ako sa likod ko ng may boses lalaking nagsalita…
"Magpapakamatay ka ba?!"
Ay shocks!!. Ang wafu niya!!. At may kamukha siyang actor!!. Pero Aze pa rin ito!
"Miss??!. Okay ka lang??"
Nabalik naman ako sa realidad. Nasa harapan ko na pala ito. At nakatingin lang ako sa kaniya kanina
Kakahiya ka Ziara!!
"Ah oo. Okay lang ako" ani ko
"Magpapakamatay ka ba miss??. Kung magpapakamatay ka, huwag naman sana. Marami pang mga taong nagmamahal sa'yo"
Ay iba din siya!
"Hehe. Hindi ako magpapakamatay. Wala sa bukabularyo ko yan!"
"Huwag tayo dito mag-usap miss, ang init-init oh!?" aniya
"O sige. Tama ka!"
Naglakad naman kami at balik doon kung saan ako umupo kanina at yung stuff toy. Tapos kinuha ko ito
"Miss, ako pala si Ian. Isra Angelo Nel Reyes. For short Ian" nakangiting sambit niya sabay lahad ng kamay
Tinanggap ko naman itong nakangiti
"Nice to meet you Ian. Ako pala si Ziara. Ziara Nicole Tuazon" wiks ko at nagshake-hands kami
Tapos binitawan ko na din ito…
"Nice meeting you Ziara. Nice name!"
Napapangiti naman ako sa sinabi niya at tumingin sa malayo…
"Puwede ba tayong magkaibigan??!"
"Sure!. Basta, kaibigan lang" ani ko at bahagyang tumingin sa kaniya at tumingin ulit sa malayo
Ilan segundong katahimikan…
"Ano palang ginagawa mo dito?!"
"Wala!. Magpapahangin lang. Ang ganda pala dito sa probinsiya noh?!. Kesa sa Maynila"
"Oo nga. Ang ganda dito. So, taga maynila ka pala. Pareho tayo"
Napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin din pala ito sa malayo
"Sure?!. Taga Maynila ka din??"
Tumingin naman ito sa akin…
"Actually hindi Taga dito talaga kami. Pumunta lang kami dun, para makapag-aral ako. Tapos ngayon tapos na, bakasyon na lang" aniya
"Ah okay!. Congrats. Same pala tayo" ani ko
"Eh ikaw?!. Bakit ka nandito??. Nagbakasyon ka rin ba?!"
"Actually marami kami, mga kaibigan ko. Pero hindi ko na ikuwento sayo ang buo, long story kasi. Basta, dito muna kaming magkakaibigan, ligtas kasi. May naghahanap kasi sa amin doon sa Maynila. At balak na patayin kami"
Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko kapag kausap siya…
"Nasa panganib pala ang mga buhay niyo?!"
"Ganun nga"-ako
Ilan Segundo ding tumahimik…
"By the way, napapansin ko atang. Kanina mo pa yakap-yakap ang stuff toy na yan!"
"Ah eh…" ipinaharap ko sa kaniya yung stuff toy
"Meet Aze (Yazz, yan ang ipangalan ko sa stuff toy na ito). Little Aze. Napaka importante kasi nito sa akin. Ayokong mawalay ito sa tabi ko"
"Importante huh?!. Bakit ba??"
Niyakap ko ulit si Little Aze…
"Binigay ito sa boyfriend ko. Which is now, missing. Walang ni isa sa mga kaibigan namin na nakakaalam kung asan siya. And then, mahaba ding storya!"
"Ok!. Gets ko. May boyfriend ka na pala"
"Oo. 2 years na din kami. Alam mo, mahal na mahal ko yun!. Kahit wala siya. Eh ikaw ba??. May girlfriend ka??"
"No. Ex gf meron. Pero hindi ko na mahal yun. Naghahanap pa ako ngayon" aniya
"Sige. Sana makahanap ka!"
___
(~FAST FORWARD~)
"Tara na po, kuya" sambit ko dun sa lalaki na kasama ko kanina
Nakita ko namang tumingin sila pareho kay Ian. At parang nag-uusap ang mga mata nila
"Weird" bulong ko at sumakay na
Nagtataka lang ako, bakit hindi nila tinanong si Ian?? O nag-uusap lang talaga sila, gamit ang mata
'Weird eh!. Parang magkakilala na sila'
___
(~PERLIE POV~)
Nakauwi na kami ngayon ni mylabs. Pero one thing, wala pa si Ziara??
"Yaya??!"
Tumingin naman siya sa akin…
"Yes po maam, sir??"
"Nakauwi na ba si Ziara??"
"Hindi pa po ma'am eh!"
"Sge yaya. Salamat"-mylabs
At umalis na yung kasambahay…
"Asan na ba, yung babaeng yun!!"
___
Time check✔ 1:15 pm
Mag iisang oras na mula kami umuwi dito pero wala pa ding Ziara'ng dumadating
Tinawagan na namin siya. Pero naiwan pala niya phone niya. Ta's si Mark at Blaire, papunta na raw sila dito
Ilan sandali din ay
Bumukas ang main door at iniluwa doon si Ziara. Pero may kasama siya eh!
"Bes!!!" mylabs at niyakap si Ziara
"Bes, bakit ganyan ka??"
At humiwalay na sila sa pagkakayakap…
"Ziara!. Saan ka galing?? At sino yang lalaking kasama mo??" ani ko sabay turo dun sa lalaki
Lumapit naman sila sa amin…
"Uhm Vhince, bes. Siya si Ian. Ian, sila yung mga kaibigan ko. Vhince at Perlie. Pero kulang pa" pagpapakilala ni Ziara
"Nag lunch pa kasi kami ni Ian eh!. Kaya mga 1 na ako nakauwi"-Ziara
Grabe!
"Nice meeting you Perlie"-Ian
"Nice meeting you din Ian. Ampogi mo!!"
Tiningnan ko naman siya…
"Heheheh. Thanks"
Tumingin naman yung Ian sa akin…
"Hi bro!. Nice to meet you" aniya sabay lahad ng kamay
Kahit labag man sa kalooban ko, tinanggap ko na lang ito at nagshake-hands kami
"I'm Perlie's boyfriend" sambit ko
"Ooh!! Key!"
Alam niyo kung bakit, parang ayaw ko dito kay Ian??. Kasi parang, may something siyang tinatago eh!. Feel ko talaga!
___
(~ZIARA POV~)
Habang nag-uusap kami dito about kay Ian, kaming dalawa ni Perlie. Ewan ko kay Vhince. Bad mood ata
Ay biglang dumating sina Mark at Blaire
"Hey Ziara!. Nandito ka na pa—"
Hindi na naituloy ni Mark ang kaniyang sasabihin ng makita niya si Ian
"Ian?? Bro?? Is that you??"
"Ian Reyes??"-Blaire
Wait… Bakit nila kilala??
"Mark?? Blaire?? Totoo bang nakikita ko??" Ani Ian at napatayo pa
"Ian ikaw nga!!" at pareho nilang niyakap si Ian
At humiwalay din…
"Grabe, mukhang ang laki ng pinagbago mo ah??" Saad ni Blaire
"Wait lang Blaire, Mark… Kilala niyo si Ian??" sumingit na ako
"Of course!. Bro ko yan eh!"
"Yes Ziara. Si Ian kasi ang kababata ni Mark dito. Tapos nakilala ko siya last year. Nung nagbakasyon ako dito" si Blaire
"Ah okay!"
"Bro!! Namiss kita!!" Mark at muling niyakap si Ian
__
(~AUTHOR'S POV~)
"Anak, aze!"
Palapit siya sa anak niya ngayon na nakaupo sa swivel chair habang may inasikaso
"Yes dad?? Bakit kayo naparito??"-Aze
"Gusto ko lang sabihin na nakahanda na lahat sa paglusob natin doon kay Mr. Tan"
"Mabuti sa ganun dad"-Aze
"Isang tanong lang ha??. Ibang topic nato"
"Ano po iyon??"
"May tiwala ka ba talaga kay Ian??"
Napatingin naman si Aze sa daddy niya…
"Yes dad. Pinagkakatiwalaan ko siya sa gagawin niya"
"Pero paano na lang, kung ma-fall siya kay Ziara. At ganun din su Ziara. Magiging magkaaway pa kayo sa isang babae"
"May tiwala ako kay Ziara dad. Ako lang ang mahal niya"
"Pero baka sakali. Puwedeng- puwede mangyari ang sinabi ko"
Napaisip na lang din si Aze, sa sinabi ng ama niya
__~END OF CHAPTER 9~__