~BRAZE POV~
Thank you author. Pina-POV mo na din ako
Well guys, nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Umupo ako sa ibabaw ng kama ko. At kinuha ang picture ni luv sa may gilid ng kama
Pinapa picture frame ko pa talaga ito kasi, para paggising at pagtulog ko ay siya lang makikita ko, kahit picture lang. Maging sa wallpaper sa phone ko, ay siya
"Luv. I really miss you so much. Malapit na luv. Maipaghihiganti nadin natin ang pagkamatay ng papa mo. Maipaghiganti na natin ang lahat-lahat. Hindi ko hahayaang, makatakas pa yung Mr. Tan na yun!"
"Mahal na mahal kita luv"
At hinalikan ko yung picture…
…
…
(KATOK)
"Aze, tapos ka na ba diyan!?" boses yun ni Mark
Pinahidan ko muna ang tumulo kong luha kanina
At tumayo na ako. Tapos binalik yung picture sa kinalalagyan nito
At lumabas na din ako sa kuwartong ito…
"Mark, asan si Ian??. Bakit hindi mo siya kasama??"
Yep!. Kasabwat namin yung Ian na yun. At ang boung katotohanan ng lahat ng ito tungkol sa akin, malalaman niyo sa susunod na araw
"Ewan ko din sa lalaking yun!. Pa wala-wala na lang!. Baka kasama lang niya si Ziara" sagot niya
"Wala ba siya sa baba?!"
"Wala. Sila Tito lang ang nandun"
"Ok. Tara na!"
At umuna na akong naglakad
___
(~BLAIRE POV~)
"Dad, mag-iingat po kayo ha??"
Kayakap ko ngayon si daddy. Ngayong gabi kasi nila lulusubin suna Tan
"As always anak. Salamat"
Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at ngumiti ng pilit
Ta's si mommy naman din ang yumakap kay daddy…
Nakita ko namang pababa na si kuya at bebeko. Kaya agad ko itong nilapitan
"Babe!?" niyakap ko siya
Gumanti naman din siya ng yakap sa akin…
"Bakit babe?!" aniya
"Mag-iingat ka ha??. Tatandaan mo na mahal na mahal kita. Hindi ko matanggap babe, na mabalitaan ko na lang bukas na…"
Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko
Ipinaharap naman niya ako sa kaniya. At hinawakan ang magkabilang pisngi ko…
"Babe, kung hindi man ako papalarin mamaya. Tandaan mong, mahal na mahal kita"
"Babe naman eh!. Huwag ganyan!"
"Just kidding babe. Mag-iingat kami mamaya. Kami pa ba??. Kawawa siguro ang mga tauhan ni Tan sa amin"
Mas napangiti naman ako sa kaniya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko sa kaniya…
"Mas mabuting maiwan ka dito Mark noh?!. At maghaharutan lang kayo buong gabi!. Niyang kapatid ko!"
Napahiwalay naman ako sa pagkakayakap kay Mark nang magsalita si kuya
"Ikaw naman kuya. Inggit ka lang ata!"
Hindi siya sumagot sa akin at inirapan ako…
"Kuya eehh!!. Payakap nga!!"
At yinakap ko siyang mahigpit, sobrang higpit
"Mag-ingat ka kuya ha??. Maghaharap pa kayo ni Ziara"
"Papakasalan ko pa siya Blaire" aniya
Humiwalay naman ako sa kaniya
"O siya, Tara na. Malayo-layo pa ang biyahein natin" sambit ni dad
"Tara po Tito"
"Sana magtagumpay kayo" ani ko
"Ingat hon. Anak. Mark. At sa inyong lahat!"-mom
Niyakap ko sa bewang si mommy…
At, tumingin muna silang tatlo sa amin at ngumiti…
"Lord, sana magtagumpay sila"
__
(~ZIARA POV~)
Pagbaba ko ngayon sa hagdan ng sakto naman ang pagbukas ng main door at iniluwa doon si Blaire na kararating lang ata
"Blaire, asan si Mark?? Bakit hindi mo kasama??"
Nandito din pala sa sala sina Perlie at Vhince…
"Oo nga bes. Diba magkasama kayong dalawa kapag uuwi kayo??"-Perlie
"Eh kasi, bumalik siya doon sa Maynila (upo). May asikasuhin lang raw. Hindi ko alam kung ano"
"Yang si Mark ha?!. Nahahalata ko na yan!. Parati na lang wala sa sariling bahay niya. Minsan, mawawala lang na parang bula!"-Vhince
"Pagpasensyahan niyo na. Busy talaga yung lalaking yun. Me as gf, naiintindihan ko naman. Eh kayo pa ba na mga kaibigan??" aniya
"Oo nga. Naiintindihan ko na din" ani ko
(~FAST FORWARD~)
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Nag i-sss. Nang biglang tumunog yung notification
Notif: Ian Reyes sent you a friend request
Kaya inacept ko kaagad
Tapos ilan sandali din ay may nag message sa akin
{Hi Ziara. Thank you for accepting my friend request}
{You're welcome. Kaibigan na kaya kita?} - reply ko
Mag 3-3 days na din, Simula nung makilala ko si Ian
Bumalik ako sa home at nag scroll-scroll muna
Tapos may nag message na naman. Ang dali niya maka reply noh?!
{Puwede ba akong pumunta diyan sa inyo bukas??. Wala kasi akong gagawin dito sa bahay eh!}
{Oo sure!. Welcome na welcome ka dito} - relpy ko ulit
Segundo pa man ay replying ito. Ang bilis niya nga mag-reply
{Sige. Thanks Ziara. See you tomorrow. Good night}
{Good night din}
Nag go back to home na ako
At sinearch ko ang pangalan ni luv
Pagkatapos kong i-search ay tiningnan/ tinitigan ko muna ang profile pic niya
"Hayst luv!. Miss na miss na kita. Ang buong ikaw luv" sambit ko
Ilang minuto ko ding tiningnan ang picture niya at sinave ito
Tapos pumunta ako sa albums at ni-wallpaper ito
At ini-off ko na din ang wifi
At inilagay ito sa mesa. Tapos, inayos ko na ang hihigaan ko
At natulog
Good night everybody!
__
(~VHINCE POV~)
Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok
Kaya binuksan ko ito kaagad
"My labs, ikaw pala yan!. Pasok ka"
Si mylabs habang yakap-yakap yung unan
Nagulat na lang ako ng bigla ako netong yakapin
"Mylabs, puwede bang dito ako matutulog??" aniya
"Huh??"
At humiwalay na siya sa akin…
Tapos pumunta doon sa may kama
"Sabi ko naman sayo mylabs diba. Na nakakatakot ang kuwarto ko!. Kaya puwede bang dito na ako, plss??"
"Nakakatakot?? O ikaw lang yung takot??"
Binato naman niya sa akin yung unan na dala niya
"Bahala ka mylabs!. Basta dito ako!!" aniya at humiga na talaga
Kaya nilapitan ko siya…
At may naisip ako
"Okay lang naman na dito ka mylabs eh!. Mas mabuti na din yun. Pero naiisip mo ba ang iniisip ko??" ani ko at ngumisi
Inalis naman niya ang kumot na nasa mukha niya at tumingin sa akin ng malalim
"Ikaw mylabs, alam ko yang iniisip mo!!. Isusumbong talaga kita kay daddy kapag ginawa mo yan sa akin!!" aniya
"Sige na mylabs. Kahit ngayon lang, plss??"
"Alam mo naman siguro ang salitang bawal diba??. Inaantok na din ako. Good night mylabs!" aniya at muling ibinalik ang kumot sa mukha niya
Takte naman oh!
___
(~BLAIRE POV~)
Nandito ulit ako ngayon kay mommy. Hindi talaga ako mapakali. Masama talaga ang kutob ko
Pabalik-balik na din ako
"Anak. Easy ka lang!. O siya!. May kukunin muna ako sa kusina" mommy at umalis na siya
Pabalik-balik pa din ako
Lakad dito, lakad doon
Ilan sandali pa'y biglang humangin ng malaks at…
*BOGSSH!*
Nahulog ang isang picture
Nilapitan ko ito kaagad…
At mas lalo akong kinabahan
"Masamang pangitain ba ito??. Huwag naman sana"
"Kuya!"
__~END OF CHAPTER 10~__