~BRAZE POV~
At sa wakas ay nakarating na kami sa destinasyon namin…
Nagtago muna kami sa kaniya-kaniyang madilim na lugar para hindi makita ng mga tauhan ni Tan na nagbabantay sa labas
'Mukhang wala nga silang, kaalam-alam sa mangyayari. Perfect!'
Nakita ko namang isa-isa nilang pinapalihim na pinapatumba ang iba at kasali na doon si Mark
Naalala ko tuloy yung nakaraan. Yung pagsagip namin kina luv, Perlie at Franzie laban kina Eric at Dexter
___
(~BLAIRE POV~)
Hindi talaga ako mapakali sa nangyari kanina
"Anak puwede bang kumalma ka diyan!" mommy
"Mommy kasi (upo). Baka, masamang pangitain yun!. Ganon naman sa mga movie diba??"
"Yan ang napapala sa panonood mo ng mga ganyan eh!. Think positive lang anak. Kaya din nila yun!"-mommy
___
(~BACK TO BRAZE POV~)
Mag-isa na akong nakatago dito ngayon
Ilan sandali pay…
"Sino ka??!"
At naramdaman kong itinutok niya ang kaniyang baril sa aking ulo
Dahan-dahan naman akong humarap sa kaniya…
"Aze?!"
Gulat na gulat niyang sambit
"Oo ako nga!. Buti nakilala mo pa ako"
"Itaas mo ang kamay mo!. Kung ayaw mong mamatay!!" matapang niyang sambit
Ito yung assistant ni Tan
"Tsk!" at itinaas ko ang dalawang kamay ko
Nakita ko namang nasa likod si dad. At sinenyasan ko itong umalis na, dahil kaya ko ito
"Alam mo Aze"
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin
"DAPAT KA NANG MAMATAY!!!"
Ipuputok na niya sana yung baril ng…
Sinipa ko siya sa ano niya. Kaya ayun, nasasakatan. Hahahah
At mabilis na inigaw ang baril
At…
*BANG
*BANG
Deads na. Naligo sa sarili niyang dugo. Tsk!
___
~Mr. Tan POV~
*BANG
*BANG
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko ng may nadinig akong putok ng baril
And bumukas ang pinto…
"Boss, sinusugod po tayo nila Aze!!!"
Nagpantig naman ang tenga ko…
"Gawin niyo lahat!!. Patayin niyo sila!!!!" sigaw ko
At mabuting umalis na siya
Dali-dali kong kinuha ang dalawang baril na itinago ko sa ilalim ng mesa
At inilagay muna yung isa sa may bulsa
Tapos may tinawagan sa phone ko
"*** asan ka?? Pumunta ka dito dali!!. Sumugod dito sina Aze, at alam kong kasama din niya daddy niya!!. Kailangan kita!!!"
"Papunta na ako diyan!. Kayo nang bahala kay Bradley. Ako na kay Aze"
"O sige. Dalian mo!!!!"
Tapos binabaan ko na…
"Humanda kayo sa akin. Papatayin ko kayo lahat!!!"
___
(~ZIARA POV~)
"I love you luv"
"You're so cute talaga. Kaya nga mahal na mahal kita eh!"
"Tandaan mo luv ha??. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang mamahalin ko"-Aze at hinalikan ang noo ko
__
Napamulat na lang ako sa aking dalawang mata dahil si luv ang nakita ko
Panaginip lang pala yun
At hindi ko alam kung asan kami nun. Basta sinabi niya yun
"Pero teka lang. May ibig sabihin pa yung mga sinabi niya??"
Kinuha ko na lang si Little Aze at niyakap ito
"Luv, kung saan ka man ngayon. Sana, nasa mabuting kalagayan ka. Mag-iingat ka luv"
___
(~BRAZE POV~)
Papasok na ako sa kung saan man ito…
'May dalawang tao sa right'
*BANG!
*BANG!
Isang bala lang csila. Tsk!. Weak!
'May tao naman sa left side!'
*BANG
*BANG
Kasabwat ko third eye ko noh?!
'Aze, nasa likod mo!!!'
Tumingin naman ako sa likod ko
At
*BANG!!
*BANG!!
Tapos hindi ko na pinansin ang mga patay na katawan nila at nagpatuloy na sa paglalakad
'Asan na ba kasi yung Tan na yun!. At yung anak niya!!'
___
(~MARK POV~)
Ipuputok ko na sana ang baril. Ng mapagtanto kong wala na itong bala
"Ano na ngayon?? Mr. Velasquez"-tauhan
At mas dumami pa sila…
"Mukhang hindi mo na ata kaya"
"Tsk!. Asa kayo!!"
At mabilis na kinuha ang dalawang baril na nasa magkabilang gilid sa may bandang tuhod ko
Tapos pinaputok na sa kanila. With ikot-ikot style pa!
Kaya mga hindi ata nakaabot ng 10 seconds. Deads na yung nakapalibot sa akin kanina
(~FAST FORWARD~)
*BANGG!!
Pagkatapos ko yun barilin ay wala na din akong ingay ng putok ng baril ang nadinig sa buong kapaligiran
Kaya, hinipan ko pa yung kung saan lumalabas ang bala bago ito nilagay ulit sa kinalalagyan kanina
At umalis na din ako dito sa kinatatayuan ko
(~AUTHOR'S POV~)
Patagpo ngayon si Tan at isa niyang tauhan
"Boss, nauubos na po tayo lahat!. Mas marami pa po sila Aze. Tatakas na lang po tayo!"
"Asan si Rico?? (Yung assistant niya). Nakita niyo ba siya??. Buhay pa ba siya??"
Nalungkot naman ang mukha nung tauhan
"Opo boss. Pero, wala na po siya. Ayun sa nakakita! Si Aze, ang bumaril sa kaniya"
"Bwessssittt ka talagaaa Aze!!!!. Sge, umuna na kayo dun!. May hahanapin pa ako!"
Umalis naman yung mga natirang tauhan niya…
At nagsimula na din siyang naghanap sa lalaking tinawagan niya kanina
__
(~BRAZE POV~)
Habang nakita naming may hinahanap si Tan o di kaya'y tatakas na ito is, lumabas na din kaming dalawani dad at parehong tinutukan siya ng baril
"Saan ka pupunta?. Tatakas ka ata"-daddy
Humarap naman ito sa amin…
"Aze at Ley. Mag-ama nga. Buti at nahanap ko na kayo"
"Mabuti at nahanap ka din namin" si dad
"Mukhang ikaw na lang ata mag-isa ah?!–"
May sasabihin pa sana ako pero hindi ko na ito natapos dahil may nagsalita
"Hindi siya nag-iisa. Nandito pa ako"
At lumabas naman yung anak niyang si Xie
"Ooh!. Mag-ama laban sa mag-ama. Magandang laban"
"Pero mas maganda. Kung mamatay na kayo. Ready na ba kayo??"-Xie
"Hahahah. Kakatakot ka naman!. Eh ikaw?!. Handa ka na bang magpaalam sa mundong ito??!"bani ko
"Hayop ka!!!"
At nakipag-away siya sa akin nung baril ko…
At si Dad naman at si Tan ay nagsimula na din sa kanila
"Bwesit ka talaga kahit kailan Aze!!!. Bumitaw ka na!!!"
"Asa ka!!!"
Mas malakas ako kaya na sa akin pa din yung baril ko at ganun din si dad…
"Grabe talaga ang power of Suarez!"
"Alam na alam ko Aze na ikaw ang nagpakuha sa cctv video nung pagkamatay ni ***!!"-Tan
"Oo ako nga. Kami nga. At dun namin nalaman na ikaw talaga ang nagpapatay sa kaniya!!. Mukha kayong pera!!!. Ang dami niyong kasalanan!!!"-dad
"Una yun. Pangalawa, pagbabayaran niyo ang pagtrato niyo na parang hayop kay Ziara" saad ko
"Pangatlo, ang pagnakaw mo ng malaking halaga sa kompanya ko!!!"-dad
"Hindi pa ba sapat ang mga nakuha niyong pera na DAPAT AY KAY ZIARA??!. Siya naman talaga ang karapat dapat na mamahala sa kompanya niya AT HINDI KAYO!!" Bulyaw ko
"Ang dami niyong sinasabi! Tapusin na natin ito!!"
Imbes na kay Xie ko ipinutok iyon ay kay Tan. At nagkasabay pa kami ni dad
Ipuputok ko na sana kay Xie ng biglang…
*BANG!! *BANG!!!
___
(~ZIARA POV~)
*BOGSSHH!*
Biglang nadulas ang kamay ko at nabasag yung baso ng tubig na iniinom ko
Tapos bumilis ang t***k ng puso ko…
"Maam Ziara, okay lang po ba kayo??. Ako na po rito!"-katulong
"Sige po" ani ko at umalis na
Hindi ko alam kung bakit. Pero kinakabahan ako
__
(~BACK TO AZE POV~)
May dalawang balang tumama sa akin…
"ANAKKKK!!!"
Hindi ko na ito nilingon dahil natumba na ako
And everything turns black…
__~END OF CHAPTER 11~__