CHAPTER 12

1044 Words
~BLAIRE POV~ Habang pabalik-balik pa din ako sa paglalakad dito ay biglang tumunog phone ko Si Mark! "Babe, anong nangyari?? May masama bang nangyari??" [Babe, pumunta kayo ni Tita dito sa ****] "Huh?? Bakit??–" May sasabihin pa sana ako pero pinutol na niya "Babe!!!" sigaw ko Tiningnan ko si mommy na naghihintay din sa balita… "Mommy, tara po!" sambit ko at nag una nang naglakad "Anak, anong nangyari?!?" ___ (~MARK POV~) Nandito ako nakaupo sa labas ng operating room. Inaalala pa din ang nangyari kanina __~FLASHBACK~__ *BANG!! *BANG!! Kasabay nun ang paglabas/ pagdating ko dito "ANAK!!!!!"-Tito Tiningnan ko ang bumaril kay Aze. Naka itim ito lahat ta's may maskara pang nakasuot Pero teka, hindi namin ito kilala ah?! Dali-dali naman itong pinuntahan sila Xie at Tan na may tama na din ng bala. Pero mas malala kay Tan dahil naliligo na talaga ito sa sariling dugo Pinuntahan ko naman si Tito na inalayan si Aze na nakahandusay na "Bro!, gumising ka!" "Anak!!!"-Tito at umiiyak na siya Tiningnan ko ulit ang gawi nila Tan. Pero wala na ito. Nakatakas na!. "Tito kailangan po nating dalhin si Aze sa hospital!" __~END OF FLASHBACK~__ Isa lang talaga yung tanong ko. Sino ang nasa likod ng lalaking naka-maskara?? Ilang sandali pa'y dumating naman si mylabs at Tita "Babe!!" Tumayo naman ako at agad niya akong niyakap. At ginantihan ko din "Babe, salamat at buhay ka!. Anong nangyari, bakit tayo nandito sa hospita–" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya… "ANO!!!??" "Anak Aze!!!" Wika ni Tita at papasok na sana siya sa OR ng pigilan siya ni Tito "I'm so sorry hon, hindi ko naprotektahan ang anak natin!!" Si Tito at muling niyakap si Tita Tumingin naman sa akin si Blaire… "Nabaril si kuya??!" "I'm sorry babe!" Umiyak siya kaya inalayan ko siya. At pareho na kaming umupo "Babe, hindi mo naman kasalanan eh!" ___ "Nakita niyo ba kung cno ang gumawa nun??"-Tita na katatapos lang niya sa pag-iyak "Opo Tita. Pero hindi ko alam kung sino siya. Basta, kasabwat siya ni Tan!" Saad ko "Napatay niyo ba si Tan babe?? Daddy?? At pati lahat nung tauhan niya??" "Sure akong patay na yung si Tan dahil sa tama ng bala sa kaniyang ulo at puso. Pero si Xie, sa bandang braso ko lang nabaril!" Ilan segundong katahimikan At lumabas na yung doctor sa operating room… "Doc, kumusta na po yung anak ko??" Agad tanong ni tita At lumapit na din kami sa doctor… "As now. Okay naman siya. Ipapalipat na din namin ng kuwarto. Natanggal na din namin ang dalawang bala na tumama sa kaniya. Pero. Hintayin na lang natin kung kailan siya magigising"-doc "Matatagalan po ba yan doc??" Ngumiti ng pilit ang doctor sa amin… "Dependene sa pasyente, kung kailan siya gigising. Sige po Family Suarez, maiiwan ko muna kayo" "Salamat po doc" ___KINABUKASAN (~ZIARA POV~) Napagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko Nakatulog pala ako. Akala ko kasi hindi ako makakatulog kagabi dahil na din dun sa nangyari Bumangon muna ako at kinuha si little Aze tapos niyakap ito… "Good morning luvv!!" sambit ko na nakangiti At mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay little Aze… ___ (~PERLIE POV~) "Good morning mylabs!!" maligayang sambit ni Vhince pag karating ko dito sa dining "Good morning din mylabs!!" nakangiting sambit ko din At hinalikan diya sa pisngi at umupo din "Bakit sa pisngi mylabs?? Dapat sa–" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya ng lagyan ko ng isang pandesal ang bunganga niya "Dapat magpasalamat ka pa nga eh! Kesa sa iba dyang, walang ganyan!" ako sabay sandok ng kanin "Ok. Salamat mylabs!!!" aniya with ngiti pa "Teka, asan si Blaire??. Nakita mo ba siya??" "No!. Baka tulog pa!" aniya Habang kumakain kami dito ay bigla namang dumating si Ziara, dala si little Aze niya!. Tsk! "Good morning guys!!" aniya "Good morning din bes!!" "Morning Ziara!" "Uhm Ziara!. Nakita mo ba si Blaire sa kuwarto niya??"-mylabs "Hindi!. Akala ko nandito siya?? Pagpasok ko kasi dun, walang tao" sagot niya "Saan naman pupunta yun!"-mylabs "Uhmm Yaya!?" Tawag ko. Tumingin naman ito sa akin "Alam niyo po ba kung saan pumunta si Blaire??" Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya makasagot. Yung tipo btawng, pinag-iisipan pa niya yung isasagot niya!?. Ganun! "Hindi po ma'am eh!. Sge po, balik na po ako sa trinatarbaho ko!" aniya at umalis na nga "Weird. Parang may tinatago siya!" "Alam niyo. Pareho talaga yang mag-jowa na yan!. Parang bula kong mawala!. At isa pa, bahala sila sa buhay nila!. Kumain na lang tayo"-mylabs At sinunod ko naman siya Napatingin naman ako kay Ziara dahil nilagyan niya ng plato si little Aze. Ta's may ulam at kanin pa!. Plus may tubig pa! Tiningnan ko si mylabs, kay Ziara din pala ang tingin niya. Ta's tumingin din siya sa akin. At balik kay Ziara "Bes, okay ka lang??" Tanong ko Para siyang baliww!. Dzzuhh! "Oo naman!. Masaya nga ang umaga ko!. Bakit ba??"-Ziara "Eh Ziara. Bakit mo nilalagyan ng plato yan! (Sabay turo sa stuff toy). At may kanin at ulam pa!" Sambi ni mylabs "Bakit?? Wala namang masama dun ah??!" "Meron!. Hindi naman kumakain yang stuff toy eh!. Wala pa akong nakitang stuff toy na kumakain!"-mylabs Hinawakan ko naman ang isang kamay niya… "Hayaan mo na siya mylabs" ani ko at binitawan na din ____ (~BLAIRE POV~) Nandito kami ni bebeko sa kuwarto ni kuya sa hospital "I miss you na kuya" sambit ko habang tinititigan siyang natutulog Ilan sandali din ay bumukas ang pinto at alam kong si mommy at daddy yun! Ngunit hindi ko na nilingon "Anak Blaire. Mark. Kailangan niyo nang bumalik. Baka hinahanap na nila kayo doon"-dad "Or baka nagtataka na sila kung bakit parati kayong nawawala kayong dalawa"-mom Hinawakan naman ni bebeko ang sa banda kong balikat "Babe, tama ang daddy at mommy mo. Kailangan na nating bumalik" Tumayo naman ako… "Huwag kang mag-alala anak. Baka bukas, nandun na kami. Doon na lang itong kuya mo" ani dad "Mas ligtas kasi tayong lahat doon anak. Hindi natin alam na, pupunta dito sa hospital na'to si Xie at hahanapin tayo especially ang kuya mo"-mom "Promise po ma'am dad, nandun kayo bukas ah?!" "Yes anak!" At pareho ko silang niyakap… __~END OF CHAPTER 12~__
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD