~ZIARA POV~
Katatapos ko lang maligo ngayon. At nilapitan ko ang laptop ko. Balak ko kasing. Kung may papasok sa isip ko. Ipagpatuloy ko ang pagsusulat
Ini-open ko na ito at nag-log-in muna. Kukumustahin ko lang yung mga readers ko na parang family ko na din
Pagka-open ko palang ay messages at notifications ang bumungad sa akin
Tapos, clinick ko yung messages
[Miss Ziara, ok ka lang po ba?? Nakita kasi namin ang post ng ng kaibigan mo?] ito yung lalaking naghikayat sa akin na gawan ng libro
[Ok na po ako?]
Pagka sent ko ng message ay nag back to home muna ako. Hindi ko kasi kayang basahin lahat ng messages kasi ang dami. Ibigay ko kaya sa mga walang ka-chat dyan noh?!
At nagpost:
And post✔
Ilan segundo pa bago ang post ko ay…
Isa-isa nang may nagcomment
:Yehey! I'm so so happy ate Ziara!!:
:Ms. Ziara, kailan po panibagong update mo?:
:Welcome back my favorite author!!
At marami pang iba. Nakakatuwa.
Habang nagbabasa ako sa mga comments dito ay…
*knock *knock *knock
"Bes?? Nandiyan ka ba??"
Si Perlie lang pala…
"Oo bes. Natutuwa nga ako sa mga nababasa ko dito" ani ko
Naramdaman ko namang nasa likod ko na siya
"Sana ol sayo bes. Sikat ka nga" aniya. "How to be you"
"Gaga!. Humahanga lang din naman sila sa mga gawang stories ko"
"Ano ka ba!. Pareho lang yun!"
"Ano palang ginagawa mo dito??"
"Hayst!. Si Ian nasa baba"
Tumingin naman ako sa kaniya
"Sige bes. Puntahan ko" ani ko at isinarado ang laptop
Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko…
"Bes. Gusto ko lang sabihin sayo na. Sana, hindi mahulog ang loob mo ni Ian. Remember bes, mas sumikat ka dahil sa loveteam niyo ni Aze. Mas maraming humanga sa kakayahan mo. At isa na ako dun. ZiarAze pa din ako, kahit anong mangyari"
"Hindi mangyayari yan bes. Kahit wala man dito si Aze ngayon. Mahal na mahal ko siya"
"Mabuti bes. Pero naninigurado lang ako"-Perlie
I smiled weakly to her…
___
(~FAST FORWARD~)
–MARK POV–
Nakarating na kami sa mansiyon. At nagsimula nang maglakad…
*Lakad
*Lakad
At binuksan ko na ang pinto…
"Mabuti!. At umuwi na kayo"
Si Vhince ang bumungad sa amin. Nakaupo ito sa single sofa na naka dekwatro at nakatingin ng malalim sa amin
"Hi Vhince"
"Bro!"
"Saan kayo galing?? Bakit parati na lang kayong nawawala dito??"
Umupo muna kaming dalawa ni babe…
"Bro, may negosyo kasi kami ni dito. Kailangan kong bigyan ng pansin 'yun. Kaya sorry, kung parati kaming wala"
"Oo Vhince. Tinutulungan ko din si Mark"-babe
"Sana. Nagsabi kayo ng totoo. Alam niyo namang. Ayoko ng sinungaling at manloloko. Na gaya ng ginawa ni Aze kay Ziara??"
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni babe
"Totoo ang sinabi namin Vhince"-babe
"Sige!. Magtiwala ako" aniya
"Speaking bro ni Ziara. Asan siya?? Tsaka si Perlie??"
Tumayo naman diya…
"Puntahan ko muna si Perlie dun sa may bakuran. Nag-iinit ang dugo ko, kapag nandito ako. Kayo na ang bahala sa dalawang yan diyan!" aniya tsaka umalis
Tiningnan naman namin siya hanggang makalabas siya
"Mukhang mainit ata ulo ni Vhince" ani babe
"Mainit nga"-ako
__~FAST FORWARD~__
(~ZIARA POV~)
Nandito kaming dalawa ni Ian ngayon sa gilid ng pool, kung saan may upuan tsaka mesa
Nasa harap ko naman siya at syempre katabi ko si little Aze
"So Ian. Hindi pa ata natin napag-usapan ang mga parents mo. Magkuwento ka nga!" sambit ko sabay kuha sa burger na dinala niya at kinagat ito
"Huwag na!. Wala naman akong dapat na ikuwento about sa kanila eh!" Sagot niya
"Eh, asan ba sila??" tanong ko ulit dito. At sa ngayon ay umiinom na siya ng coke
"Uhmm… Wala na!. Kinuha na ni Lord nung 6 years old pa lang ako (inom)"
Natigilan naman ako sa kinakain ko
"Sorry ha??. Hindi ko kasi alam"
"Hindi mo naman kasalan Ziara eh!. Ang dapat na magsisi ay. Ako. Ako naman yung dahilan kung bakit sila namatay eh!"
Tumahimik na lang naman ako…
"Eh ikaw Ziara?? Asan na mga parents mo?? Bakit hindi mo sila kasama dito!?"
Ilan segundo pa ako bago nakapagsalita…
"Wala na din eh!. Si mama, namatay nung ipinanganak ako. Si papa naman, nilason. Papatayin ko talaga yung taong nagpagawa nun!"
"So hinahanap pa kung sino yung pumatay??"
"Parang ganun na nga. Pero hindi. Hinahanap pa kung sino ang may gawa. May isang tao akong pinagdududahan, pero. Wala akong ebidensiya eh!"
"Sino naman yung taong yun?"
"Ang Demonyong step father ko. Si Tan" at kagat ng burger
Tiningnan ko naman si Ian, nakatingin ito sa kung saan. Mukhang ang layo ng isip
"Hoy Ian!!"
Napatingin naman ito sa akin
"O bakit??"
"Nakikinig ka ba sa akin??"
"Ah oo!. May naalala lang ako" aniya
"Ok! (Kagat)"
Ilan segundong katahimikan…
Nagulat naman ako sa ginawa niya
Tapos habang ginagawa niya yun, nakatingin lang ako sa mga mata niya
Pinahidan lang naman niya ang gilid ng labi ko gamit ang tissue
My ghaddd Ziara!!!!!
"Ayan na!. Mag-iingat ka sa susunod" aniya
"Salamat" tanging nasambit ko lang
Ngumiti naman ito sa akin
'Sheeeet!!! Ang gwapppooo!! Niya!!!'
Ano bang pinagsasabi ko. Erase Ziara. Mahal mo su Aze. Si Aze lang ang gwapo
Tsaka umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya…
___
(~BLAIRE POV~)
Pagbaba ko sa hagdan. Galing kasi akong nagbihis
Ay hinanap ko si Ziara at Ian…
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Napatigil naman ako dahil nakita ko na sila at tsaka nagtago sa may kurtina pero kitang-kita ko pa rin, lalong-lalo na ang ginagawa nila
At kitang-kita ko din kung paano pinahidan ni Ian si Ziara, habang si Ziara ay nakatitig lang sa kaniya
'This can't be!. Baka mahulog pa sila sa isa't-isa!. Alam niyo, kailangan talagang gumising na si kuya as soon as possible'
'Or else. Baka tuluyan nang mahulog ang loob nila'
___
(~XIE POV~)
"Argh!!!~"-ramdam na ramdam ko ngayon ang sakit
"Puwede bang dahan-dahan ka lang?!!. Alam mo namang ang sakit kapag may tama ng baril diba??!!"
Ginagamot kasi niya ang tama ng baril ko. Na kagagawan ni Ley. Bwesitt!!
"Sorry po boss!"
___
At natapos na niyang gamutin ang sugat ko
"Xie" manggagamot
"Bakit??"-ako sabay tayo
"Masakit man sabihin. Pero wala na ang daddy mo. Hindi niya kinaya"
Nagulat naman ako sa sinabi niya
At dali-daling pinuntahan ang kuwarto ni dad kung saan man ito
"Alam namin nung una na imposible talagang mabuhay pa siya. May tama na siya sa puso at ulo"
Hindi ko na siya pinansin…
"Daddy??!"
Yinuyogyug ko yung katawan
"DADDDDDDYYYY!!!!!!"
___
"WAAHHHHH!!!! MGA HAYOPPPP KAYOO!!!! PINATAY NIYO SI PAPAAAA!!!!!" sigaw ko sabay putok ng baril sa itaas
"WAAHHHH!!!!!"
"Kuya, tama na yan" kapatid kong si Irish
Tumingin naman ako sa kaniya
"Magbabayad ang mga Suarez. MAGBABAYADDD SILA!!!!"
__~END OF CHAPTER 13~__