"YOU'RE with me now. You're safe now. Sleep baby."
Matamis ang ngiting iginawad ni Tempest bago unti-unting pinikit ang mata. Pasado alas dose na at kanina niya pa sinusubukang matulog pero hindi siya magawang dalawin ng antok. But when she tried to listen to her ASMR boyfriend, she felt relaxed hanggang sa bumigat ang talukap ng mata niya.
Naging ganun ang routine niya kada gabi; makikinig sa mga ASMR hanggang sa dalawin siya ng antok. Hindi niya rin namamalayang nagiging adik na siya dito dahil pakiramdam niya'y may maalaga talaga siyang nobyo sa mga naririnig na ASMR.
His husky voice that gave tingling sensation on her body that made her hot all over lalo na kapag pumapapinlang sa earphone niya ang tunog na tila hinahalikan siya nito. At ang malambing na boses na tila hinahalina siya.
How she wish, she really know him-the voice behind the ASMR she was listening everynight.
"Good night, my ASMR boyfriend."
***
MAGANDA ang gising ni Tempest kinabukasan. Bukod sa nagkaroon siya ng ilang minutong oras sa kanyang ASMR boyfriend ay paniguradong hindi rin siya male-late sa trabaho kahit late na siyang natulog kagabi.
"Maganda pa ako sa umaga, Nay, Tay!" bati niya sa magulang.
"Magandang umaga, anak. Mukhang maganda ang gising mo ngayon, ah?"
Malawak siyang ngumiti sa ama baga pumwesto sa hapag. "Siyempre, sahod namin ngayon. Nga pala nay--" baling niya sa ina. "Jingin ko muna 'yung reseta ng gamot ninyo ni tatay at dadaan akong botika mamaya," aniya.
Totoo namang maganda ang bungad ng umaga sa kanya dahil sahod mamaya pero bukod pa dun ay pakiramdam niya'y inspire na inspire siya.
Excited siyang gumabi ulit at makinig sa ASMR boyfriend niya.
Umiling ang kanyang nanay. "'Wag na anak. Nagpadala pa lang kahapon ang kuya mo. Itabi mo na lang iyang pera mo at kakailanganin mo iyan sa pagbuo mo ng pamilya."
Bukod kay Tempest ay may isa pa siyang kapatid na nagsusustento sa mga magulang niya. Isa itong engineer sa kuwait kaya medyo may kalakihan din ang sahod. Kahit may asawa't anak na ang kanyang kuya ay hindi pa rin ito nakakalimot sa kanila.
Napangiwi si Tempest. "Bakit Nay? Ako ba ang bubuhay sa mapapangasawa ko?"
Kinilabutan siya nang biglang maisip si Danger. Ano ba naman ito. Sa dami ng pwedeng maisip na lalake, 'yung sigang-barumbado na tambay pa na si Dan.
"Hindi sa ganun. Mas mabuti pa rin iyong may sarili kang pera. 'Wag ka na lang mag-asawa kung ang makakatuluyan mo lang naman pala ay iyong siga at tambay d'yan sa kanto. Iyong mga basagulero. Mag madre ka na lang kung ganun."
Kahit hindi sabihin ay mukhang pareho sila ng naiisip ng kanyang nanay lalo na't kalat na din sa lugar nila na nanliligaw sa kanya si Danger. Kahit hindi naman totoo.
Kasalanan itong lahat ni Baldo eh! Kung hindi lang ito maypagka-chismoso di sana hindi nadagdagan ang haters niya!
Nakakainis lang kasi sa tuwang lumalabas siya ay wala nang tigil sa bulungan ang mga babaeng may gusto kay Dan.
Ang kakapal ng mga mukha pag-usapan siya! Mga walang magawa sa buhay!
"Don't worry, Nay,Tay--" Tumayo siya at tinapik sa mga balikat ang magulang. "Magiging buhay reyna ako sa piling ng mapapangasawa ko."
Iniisip niya pa lang na magiging full-time housewife siya at hindi pagta-trabahuhin ng asawa ay kinililig na siya. At sa gabi, pagdating nito galing trabaho, siya naman ang magsisilbi dito sa lahat ng bagay na gusto nito.
"Ewan ko sa 'yong bata ka. Kahit sino ang mapangasawa mo. Basta 'yung mga walang records sa baranggay at may marangal na trabaho. Mapapanatag na kami doon."
Niyakap niya ang magulang dahil sa sinabi ng tatay niya. Na-touch naman siya dito.
***
NAKAPAGTATAKANG walang mapang-asar na alagad ni Danger na sina Baldo ang bumungad sa kanya sa tapat ng tindahan ni Aling Amy.
Malinis din ang mesa at walang bakas ng mga bote ng alak at ng mga junk foods na madalas ay pulutan ng mga tukmol.
"Magandang umaga ho Aling Amy. Pabili naman ho ako ng pads."
Nakatulong din na wala ang mga ugok dahil kung hindi ay mahihiya siyang bumili ng napkin lalo na at meron siya ngayon.
"Mukhang maganda ang gising natin ngayon ah Tempest."
Tempest flip her hair saka pabirong kinurap-kurap ang mga mata. "Ganun talaga, Aling Amy. Lalo na't mga walang sagabal dito sa daan at hinaharang ako sa tuwing dumadaan. Naku! Imbyerna talaga ako kina Baldo eh!"
Sarap pagtitirisin kahit ang lalaki ng tyan sa kaiinom ng alak. Samantalang iyong boss nilang si Danger ay puro bato naman ang katawan.
Natawa ang matanda. "Hindi mo talaga maabutan ang mga iyon dahil nasa barangay sila ngayon. May nakaaway na naman kanina 'yung sina Dan kaya doon ang diretso nila."
"Bakit daw ho?"
Nangibit balikat ang matanda. "Puro lasing ang grupo nila eh. Mabuti nga't nalinisan ko na d'yan kanina. Napagtripan iyong bagong salta dito sa 'tin. Kesyo ang laki-laki daw ng katawan, hindi naman kayang makipagbugbugan."
Naiiling na lamang si Tempest sa nabalitaan. Mga gago talaga ang team Dangered specie na 'yan. Kahit bagong salta pagtitripan maipakita lang na sila ang hari ng lugar na ito.
Umalis na si Tempest matapos mabayaran ang binili para mag-abang ng tricycle. Pero habang nasa daan ay nakasalubong naman niya sina Baldo na kalalabas pa lamang ng baranggay hall na tila walang pakealam at may panibagong record na naman sila sa barangay.
Puro pa asaran ang nalalaman habang pinagmamalaki ang lider nilang si Danger.
"Tingnan natin, hula ko hindi 'yun dito magtatagal. Ano siya? Magha-hari pa dito? Eh wala nga s'yang panama kay Boss Dan," mayabang na ani nung isa nilang kasama.
Napairap siya at tila hangin lamang itong dinaanan nang mapalingon sa kanya si Baldo.
"Uy Tempest! Aga natin ngayon ah!"
Napangiwi siya. "Kayo nga ang aga din sa barangay, nagreklamo ba ako ha? Kamusta? Di ba kayo makukulong?"
Nagsalubong ang kilay ng ugok ngunit nayamaya lang ay humalakhak. "Makukulong? Hangga't si Boss Dan ang hari dito, malabong mangyari 'yun!"
Umirap siya. Palibhasa kasi, kaibigan nila iyong kurap na kapitan kaya malabong mangyari at kahit madami na ang reklamo sa grupo nila ay naabswelto pa rin ang mga ugok.
"Yeah, ingatan niyo iyang grupo niyo dahil 'Dangered specie na kayo. Geh, bye!"
Nilagpasan niya ang mga ito nang may humawak sa kanang braso niya.
"Anu ba?!" singhal niya sa jejemon na feeling close.
"Hindi mo man lang ba gagamutin iyang si Boss Dan? May sugat sa gilid ng labi oh. Ikaw din, kapag iyan hindi nagamot, walang halikan na magaganap sa inyo." humalakhak ito.
Uminit ang magkabilang pisngi niya dahil sa pambabastos nito sa kanya. Gusto niya itong sungalngalin pero pinigilan niya lang ang sarili.
Nang sulyapan niya si Dan ay nakaigting na ang panga nito.
Inirapan niya ito. Dalawang araw na ang nakakalipas pero imbyerna pa rin siya sa pamamahiya nito sa kanya. At mas lalo pang nadagdagan ang inis niya sa tuwing nakikita 'yung bakla na inaasar siya tungkol kay Dan. Na kesyo, malabo itong magkagusto at ligawan siya dahil di sila bagay na dalawa. Masyado daw gwapo si Danger samantalang siya, average lang!
Walanghiyang bakla iyon. At least siya, may matris!
"Eh kung pinapaputok ko din iyang labi mo nang hindi mo rin magawang makipaghalikan sa jowa mong bading?"
Nagtawanan ang mga kapwa niya tukmol dahilan upang mapikon itong si jeje.
"Bading daw jowa mo pre! Haha!" gatong pa ni Baldo dito.
"Aba'y! Gago ka rin Tempest ah. Ano bang gusto mo?! Para sabihin ko sa 'yo, hindi bading si Bebang!"
Napapitlag siya nang akmang susugod ito sa kanya ngunit naunahan ito ni Dan at hinawakan sa tuktok ng ulo dahilan upang hindi ito makagalaw sa kinatatayuan.
"B-boss?" anito kay Dan pero ang huli ay hindi man lang siya nagawang lingunin.
"Go. You can punch him. Paputukin mo ang nguso kung gusto mo," ani Dan sa 'kanya.
Nanlaki ang mata niya pero nang tingnan ang reaksyon nina Baldo, naiiling na lamang ito.
"What now?" tila bagot na ani Dan nang hindi pa rin siya kumilos.
Biro niya lang naman iyon eh. Hindi niya kayang paputukin ang nguso ni jeje. Ayaw niyang makapanakit. Kahit sobrang napipikon na siya dito.
"Busy ako!" Irap niya at akmang lalagpasan na ang mga ito nang muling magsalita si Dan.
"Ako na lang ang gagawa," anito at walang pakudangang sinuntok sa mukha si jeje dahilan upang mapaupo ito sa lupa at matanggalan din ng isang ipin.
"A-anong?" napaamang siya.
Ginulo ni Danger ang buhok at walang pasabing nilagpasan sila. Napangiwi pa siya nang banggain siya nito sa balikat. Gago talaga! Hindi ba siya nakita at binunggo siya!
Nailing naman ang naiwang sina Baldo.
"'Yan kasi pre. Binalaan na tayo ni Boss na 'wag babastusin si Tempest di'ba? Kulit ng lahi mo kasi. Natanggalan ka na ng ipin, tanggal ka pa sa grupo. Bahala ka na nga sa buhay mo." Isa-isang tinapik ng mga tukmol si jeje sa braso bago naiiling na tinalikuran ito.
At nang mapalingon ang mga ito sa kanya ay umirap siya. 'Wag siyang babastusin? Kalokohan! Kung may numero unong manyak dito sa lugar nila, walang makakatalo kay Danger!
Never niyang makakalimutan ang ginawa nitong panghahalay sa kanya sa may riles noong madaling araw.
***
HIMALANG hindi mainit ang ulo ng senior manager niya pagkadating niya sa opisina. Buong maghapon ay wala siyang narinig na sermon galing dito. Natapos niya rin ang trabaho sa araw na ito na walang hassle sa mga kliyente.
Ngunit nang mag-uwian ay pahirapan naman sa pagsakay. Sobrang namamanhid na ang mga hita niya at gusto na lamang niya makauwi at magpahinga.
At matapos nga ang halos kalahating oras ng pag-iintay, sa wakas nakasakay na siya.
Laylay ang balikat na naglalakad si Tempest papunta sa bahay nila nang matigilan dahil sa nakita.
Tila isang modelo na nakasandal si Dan sa pader habang ang isang kamay ay nakapamulsa sa punit-punit nitong pantalon at ang isa naman ay nasa bibig, hawak-hawak ang yosi.
Gulo-gulo ang buhok nitong nakatingala at bumubuga ng usok galing sa bibig.
Nang makita siya ay mabagal itong umalis sa pagkakasandal at lumapit sa kanya.
Muli itong bumuga ng usok pero sa mukha na niya kaya napaubo siya.
"Anu ba--anu 'to!?" inis niyang tanong nang batuhin siya nito ng bulaklak ng santan sa dibdib. Hinayaan niya iyong malaglag sa lupa saka inirapan si Danger.
"It's for you. Come with me." Muli itong bumuga ng usok bago tinapon sa lupa ang yosi at inapak-apakan.
"Ayoko nga! Saka mag-damit ka nga! Anong feeling mo sa sarili mo? Model? Artista? At dini-display mo iyang abs mo?!" Ito ang ayaw ni Tempest sa sarili. Walang kontrol sa mga lumalabas sa bibig kaya minsan, ito din ang nagpapahamak sa kanya sa trabaho.
"So you like my abs?" may ngiting sinusupil sa labi na ani Danger.
"A-ano?" natigilan si Tempest. Gusto niyang tampalin ang sariling noo dahil nawalan na naman ng preno ang bibig niya.
"You want to touch it?"
Unti-unting napaatras si Tempest nang unti-unting inihakbang ni Dan ang mga paa patungo sa kanya.
"Uy, D-Danger umayos ka nga!" Tapik niya sa kamay nito nang akmang kukunin ni Danger ang kamay niya. "At anong abs? Assuming ka! Wala akong sinabing ganun!" Tinulak niya ito saka nilagpasan.
"I said come with me."
Napatili siya nang hawakan ni Danger ang kaliwang kamay niya at hinaklit papalapit dito.
"Ayoko! Hindi ako sasama sa 'yo! Ayokong maging miyembro ang Dangered Specie mo!"
Umigting ang panga ni Dan kaya natigilan si Tempest. Dumilin ang mukha nito kaya napakurap-kurap siya.
"S-saan ba kasi tayo pupunta?" sunod-sunod siyang napalunok dahil sa kaba.
Kahit masakit ang paa ay hinayaan niyang hilahin siya nito dahil sa takot na baka anong gawin sa kanya ni Dan lalo na't nakikita niyang naiinis na ito sa kadaldalan niya.
Ayaw niya pang mamatay. Hindi pwede, hangga't hindi siya nakakapag-asawa.
"At my house."
"What?" natigilan siya. "Ayoko! Itong pagsama ko pa lang sa 'yo ay isa nang pagkakamali tapos pupunta pa ako sa bahay mo! No way! Kaya bititwan mo ako! Baka halayin mo pa ako!"
Inalis niya ang kamay nito sa palapulsuhan niya pero sadyang mahigpit ang hawak ni Dan sa kanya at mas lalo pa ngang hinigpitan.
"Trust me, lady. I am doing a favor. Kaya sumunod ka na lang sa sinasabi ko."
Nagsalubong ang kilay niya. "Wala akong pake sa favor mo na iyan Danger! Uuwi na ako!"
Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nitong pabor. Naiinis na siya at simula nang magkaroon sila ng engkwentro ni Dan ay halos araw-araw na sila nitong nag-aaway. Gusto niya lang ng tahimik na buhay.
"I said come with me! Cook for my dinner tonight."
Napaamang siya. Napapantastikuhang napatitig kay Danger. Gusto niyang mapahalakhak pero naiinis siya.
"Kapal ha." Itinirik niya ang mata "At bakit ko naman gagawin iyon, aber? FYI lang ha Danger; hindi ako kasali sa mga alagad mo. Magluto ka mag-isa mo."
Naiinis na ngumisi ito sa kanya. Huh! At siya pa ang may ganang mainis? Neknek niya!
"You wanna know my reason? FYI too, Lady--" Pinasadahan siya nito ng tingin.
Tinakpan naman niya ang kanyang dibdib nang dumako doon ang mata ni Dan.
"--naghahanap ako ng maganda mong katangian para may rason akong ligawan ka. You're already thirthy, right? And yet... wala man lang nanliligaw sa 'yo. So, might as well, pagtyagaan kita."
At sumabog na lahat ng pasensya niya. Kung isa lamang emoji si Tempest, malamang ay umuusok na ang ilong niya.