"MATAGAL pa ba bago maluto iyan?"
Kumuyom ang mga panga ni Tempest sa gigil kay Danger. Ngali-ngali niyang batuhin ang kutsilyong hawak dito habang nakaupo ito sa kahoy na sofa at nakadipa ang dalawang kamay sa sandalan nito.
Maliit lamang ang tinitirhan ni Danger kaya tanaw na tanaw siya nito mula sa sofa. Bagot na bagot itong nakatingin sa kanya habang ang buhok ay gulo-gulo dahil kanina pang pinapasadahan ng mga kamay nito.
"Matagal pa!" irap niya.
Ang kapal-kapal ng lalakeng ito. Hindi talaga maka move on si Tempest dahil sa sinabi nito kanina. Bakit? Anong tingin nito sa kanya? Magpapaligaw siya? Huh! Asa namang papatol siya kay Danger!
Kung hindi lamang siya nito kinaladkad kanina ay nuncang ipagluluto niya ito. Dahil lamang sa takot na baka gahasain o saktan siya, kaya sumama siya dito.
"Stop shouting lady," iritang ani Dan.
Pabagsak niyang binitawan ang kutsilyo saka ito hinarap at sinamaan ng tingin. Dumako ang mata niya sa labi nitong may hikaw sa gilid na pinaglalaruan ng dila ni Dan.
Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin ng huli kung saan siya nakatingin.
"What? You want me to lick you like what I am doing on my piercing now?"
"Asa!" irap niya dito saka ito tinalikuran. High blood na high blood na talaga si Tempest sa kagaspangan at kabastusan ng ugali nitong si Danger.
Anong lick? Mga nararamdaman niya sa katawan!
Nagtataka tuloy siya kung ano ang nagustuhan ng mga babae dito. Palibahasa kasi may itsura din ang gago. Halatang may ibang lahi dahil sa pointed na ilong at abuhing mata. Tapos iyong kulay ng kulot-kulot niyang buhok ay tsokolate. Dagdagan pa ng height na madalas tingalain ni Tempest dahil umabot lamang siya hanggang balikat nito.
"And why? I can take you to heaven using my tongue you know."
Hindi ignorante si Tempest sa mga ganitong bagay. Kahit wala pa siyang karanasan ay alam niya kung ano ang tinutukoy ni Dan.
Alam na alam niyang puro kabastusan ang naiisip nito dahil na din sa mga naririnig niyang kwento ni Chona pagdating sa nobyo nito.
"And I can take you too in heaven using this knife, Danger. So shut the f**k up!" Sinamaan niya ito ng tingin.
Pero imbis na matakot, tila namamangha lamang itong nakatingin sa kanya.
"Di mo alam kung anong pinapakawalan mo."
Awtomatikong napaharap si Tempest kay Danger nang maramdaman ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. At ganun na lamang ang kanyang gulat nang patayin nito ang gas stove na nasa likod niya at hinapit siya sa beywang.
"Ay Danger, anu ba!" Sinubukan niyang kumawala sa mga bisig nito pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Dan.
"Shh."
Natigilan siya nang umangat ang kanang kamay nito at napunta sa pisngi niya saka doon humaplos. Tila nahipnotismo naman siya bigla nang magtama ang kanilang mata.
At syempre, hindi si Tempest ang tipo ng mga babaeng madadala sa mga ganitong uri ng titig ng mga lalake kaya umiwas siya ng tingin.
Kahit gwapo itong si Dan ay nuncang papatol siya dito! Never! Itaga pa sa mga baklang walang matris!
"Danger anu ba! Bitaw nga!"
Hinabol nito ang mata niya kaya muling naghinang ang kanilang paningin.
"Just one night..."
Nangunot ang noo ni Tempest. Pinagsasabi nito?
"Hayaan mong pahiyawin kita sa sarap kahit isang gabi lang. Let me take you to heaven, Lady."
Nanlaki ang mata niya sa narinig. Agad na nag-init ang pisngi niya hindi dahil sa kilig. Gusto niyang pagsasampalin ang gagong ito dahil sa kabastusang lumabas sa bibig. Masyado nang below the belt ang mga pinagsasabi nito.
"C'mon."
Iginaya siya nito sa Sofa pero bago pa mangyari iyon ay sapo-sapo na ni Dan ang pisngi nitong sinampal niya.
"Wala kang kwenta!" aniya saka padabog na umalis.
***
TAHIMIK na umiiyak si Tempest sa kwarto niya. Pagkauwi pa lamang niya galing sa bahay ni Danger ay diretso na siyang kulong sa kwarto at hindi na sumalo sa hapag para sa hapunan. Aniya niya'y masakit ang kanyang puson kaya naiintindihan naman ng kanyang magulang.
Gustong magwala ni Tempest. Ang sakit-sakit lang dahil binastos na naman siya ni Dan. Ano bang tingin nito sa kanya? Easy to get?
Kalat sa barangay nila ang kagustuhan ng kanyang magulang na makapag-asawa na siya. Kaya hindi na bago sa kanya ang lantarang pambabastos ng mga lalake at sinasabing gusto siyang asawahin pero ang totoo nyan ay gusto lang siyang dalhin sa kama katulad ni Danger.
Tingin siguro nito sa kanya ay isang laruan na kapag ginusto ay makukuha agad.
Pinunasan ni Tempest ang kanyang pisngi saka humarap sa salamin. Gusto mo akong makuha? Manigas kay Danger! Hindi mo matitikman ang alindog ko!
Mapait na ngumiti si Tempest bago inabot ang kanyang telepono at nakinig sa ASMR boyfriend niya.
"So, if you think this is a bad day, don't worry now, baby. I'm here for you always... I love you, babe."
Unti-unting gumaan ang dibdib niya dahil sa napakinggan. Mula nang ma-discover niya ang ASMR ay ito na ang naging stress reliever niya. Pakiramdam niya kasi ay tinutunaw ang puso niya sa mga matatamis na salitang napapakinggan niya.
Bumuga siya ng hangin at napag-isipang mag-iwan ng email add sa comment section nitong audiong napakikinggan niya.
Alam niyang imposibleng mangyaring mapansin siya ng lalake sa likod ng boses na napakikinggan niya dahil ang mga audio nito ay halos noong isang taon pa at wala nang bago--nagbakasakali pa rin siya.
I wish I knew you in personal. I wish, you're really my boyfriend. You made me happy just by listening to you. You're becoming my happy pill now and you're becoming my... world.
Please contact me, my ASMR boyfriend.
At kasunod nun ay isang email address ang kanyang iniwan.
***
KINABUKASAN kahit araw ng sabado ay maagang naggising si Tempest upang mag-jogging. Thanks to Danger, nainspire siyang magpasexy lalo. But nope. Hindi ito dahil gusto niyang magpaganda dito. Bagkus mas lalo niyang gustong isampal sa mukha nito ang katagang 'maglaway ka sa alindog ko!
Ipapakita niya dito na hindi lang siya basta-basta! Matitikman na nito ang lahat ng babae sa barangay nila, maging ang jowang mukhang bading ni jeje na si bebang--pero siya, never mangyayari 'yun.
Alas kwatro pa lamang ay walking at jogging ang ginagawa niya patungo sa park na malapit sa kanila. Nang pumatak ang alas otso ay napagdesisyunan na niyang bumalik sa kanila.
At katulad ng madalas na nangyayari sa kanya tuwing umaga, ang mga tukmol na gangster wannabe na alagad ni Danger ang bumungad sa kanya.
"Uy si Tempest. Nag-jogging ka?"
"Obvious ba Baldo?" irap niya.
"Sungit naman. Bukas ba magjo-jogging ka ulit? Plano ko din kasi mag-jogging bukas. Alam mo na, napagtanto ko na mas maganda pala yung may abs ka sa tyan. Tingnan mo si Boss Dan, pinipilahan ng mga kababaihan dahil doon. Saka Tempest--" Tinaas baba ni Baldo ang kilay. "Sekreto lang natin to ah, pero kasi ang daming nagsasabi na kamukha ko daw si Boss kung hindi lang dahil sa abs niya, tyak na mas gwapo ako dun."
Napa-face palm si Tempest. Hindi niya alam kung ano ba ang nahithit nito ni Baldo at masyadong nag-iilusyon ng mga bagay-bagay.
"Baldo," tawag niya dito. "Umi-epekto na ba ang mga alak na nainom mo?"
Nailing ito. "Hindi naman. Bakit?"
"Mukhang ang laki na kasi ng tama mo sa ulo. Masyado ka nang nag-iilusyon. Geh bye!" Bago pa ito makahamuha ay tinalikuran na niya ito.
Nagmadali si Tempest sa paglalakad lalo na nang mahagip niya ang bulto ni Dan na paparating. Imbyerna pa rin siya dito kaya hangga't maaari ayaw na muna niya itong makasalamuha.
***
NANG sumunod na araw ay muling gumising ng maaga si Tempest para mag-jogging ulit. Suot ang kanyang plain na T-shirt na puti at leggings saka sneaker, lumabas na siya ng bahay.
Nang mapadaan sa tindahan ni Aling Amy ay ganun na lamang ang pag-iling ni Tempest dahil sa nakita.
Magjo-jogging daw pero heto't nakanganga!
As usual, alas kwatro na ng umaga pero ang mga tukmol na sina Baldo ay mga walang damit pantaas na nakayungko sa mesa.
Nakapagtatakang hindi pa yumayaman si Aling Amy sa dami ng iniinom ng mga ugok.
"G-good morning, Tempest. J-jogging ka na?"
Napangiwi si Tempest nang sinubukang tumayo ni Baldo pero gumewanggewang ito dahilan upang mapahiga ito sa lupa.
Imbis na tulungan, inirapan niya ito. Hindi niya sila kargo! Walang kinalaman ang konsensya niya dito! Sukat nasaan ba kasi ang lider ng mga ito at pinabayaan lang!
***
NANG malapit nang tumaas ang sikat ng araw ay bumalik na si Tempest sa kanila. Tagaktak pa ang pawis niya at halos basa na ang damit niya.
Ang inaakala niyang maabutan pa sa ganoong eksena sina Baldo nung umalis siya kanina ay nagkakamali siya. Dahil full of energy na naman ang mga ugok at may isang bote na naman ng alak sa mesa.
Kung si Tempest lamang ang masusunod ay baka matagal niya nang nireklamo ang mga tukmol na ito sa barangay. Pero dahil sa bias ang kapitan nila, wala pa rin magagawa kahit sobrang dami na ng mga nagrereklamo sa ingay nito gabi-gabi kapag nag-iinuman.
Nagkakantahan ang mga ito habang may akap-akap na gitara ang isa sa mga miyembero ng tukmol habang may katabing babae na kinikilig naman dito.
Napatirik siya ng mata. Minamanyak na ito ng kupal, tuwang-tuwa pa. Kahit siguro ipasok ni Tukmol 1 ang kamay nita sa short-shorts nito ay matutuwa pa ang higad.
Desperada!
"Uy Tempest!"
Pinanlisikan niya ng mata si Baldo. Natawa ito bago tinapik sa balikat si Danger na nakasuot ng shades habang naninigarilyo.
Napangiwi siya. Umagang-umaga bisyo agad inuuna. Saka what's with the shade?
"Boss, nandyan na reyna mo. Mukhang mas nagpapa-sexy pa ata para sa 'yo para di ka na maagaw sa kanya."
Nagsitawanan ang mga ugok. Pero nang mapatingin siya sa higad ay masama ang tingin nito sa kanya.
Inirapan niya ang mga ito bago tinalikuran.
"Ang kakapal! Asa namang para kay Danger itong pagpapa-sexy ko! Like duh!" himutok niya sa sarili habang gigil na gigil sa mga 'Dangered Specie na 'yon.
Pinagsisipa pa niya ang mga batong walang kinalaman sa inis niya nang may tumawa sa likod niya.
Hinarap niya iyon na agad naman niyang pinagsisihan dahil bumungad na naman sa kanya ang nakakainis na ngisi ng barumbadong siga pero tambay naman na si Dan.
"May nakakatawa ha? Hoy Danger para sabihin ko sa 'yo, maglaway ka hanggang gusto mo pero itong pinapangako ko! Hindi mo--"
Natigilan si Tempest nang lumapit sa kanya si Dan. Bigla siyang natulala nang tila isa itong nasa commercial at dahan-dahang hinubad ang suot na leather jacket.
Nag-slow motion ito sa paningin niya!
Ang hot talaga ni Papa Dan! Ani ng malanding parte ng isip niya.
Hindi namamalayang kinakagat na pala ni Tempest ang kuko sa kanyang isang daliri habang nakatingin sa abs nitong bakat na bakat sa suot na kulay puting t-shirt.
Rawr!
"You're drooling, Lady," mapang-asar itong tumawa sa teynga niya.
Doon lamang siya natauhan at siniko ang tyan nito upang hindi mapahiya. Tigas shet!
"Wala naman ah!" aniya naiinis habang pinupunasan ang gilid ng labi.
Natatawang iniatras naman ni Dan ang mga paa habang nakatingin sa bandang beywang niya. Napatingin siya doon at nabigla nang makitang nakapulupot na doon ang jacket ng huli.
Concern ba ito sa kanya kasi manipis ang suot niya? Pero hindi! Hindi siya magpapadala dito. Kaya imbis na mag-thank you, inirapan niya ito.
"So, ano? Feeling mo gentleman ka na sa ginawa mo? Hoy Danger--lider ng mga gangster wannabe na mga kupal sa buhay ko--para sabihin ko sa 'yo, hindi mo ako madadala sa mga paganito mo--" nakangiwi niyang ani at pinagmasdan si Dan na tila bagot na bagot lang na nakikinig sa kanya na mas lalo niyang kinainis.
"Hindi mo pa rin matitikman ang alindog ko! Maglaway ka, pero hindi mo mararating ang langit. Mag-iinit ka lang sa 'kin kaya impyerno ang bagsak mo! Hmp!"
Matagal siya nitong tinitigan bago napahikab. "Tapos ka na? Ang dami mong sinabi," bagot na ani pa rin nito.
Inirapan niya ito saka naiinis na binalik ang jacket dito. Nakakainis! Hindi ba ito apektado sa sinabi niya?!
"Hindi ko iyan kaylangan! Geh bye!" Tinalikuran niya ito. Naiinis siya at hindi niya magawang makaganti kay Dan. Pikon na pikon na siya dito pero wala siyang magawa.
"Hey Lady."
"Anu ba Danger!?"
Napatingin siya sa jacket na inaabot ulit sa kanya.
"Hindi ko sabi kaylangan iyan."
"You sure?"
Nagsalubong ang kilay niya. Ano ba ang gusto nitong si Danger at pinagpipilitan ang hindi naman dapat.
"One-hundred percent sure! Iyo na 'yan," aniya saka muli itong tinalikuran nang humirit na naman si Dan.
"Okay. But Lady, It's not that I'm concern to you. Butas kasi iyang leggings na suot mo at kanina ka pang pinagtitinginan nina Baldo."
Natigilan si Tempest at biglang nanlaki ang mata; hindi magkukumahog sa pagtakip ng leggings niya.
"Okay naman sana--ang kaso... masyadong masakit sa mata ang kulay dilaw mong panty," dagdag pa nito.
At nang harapin niya si Dan, nangibit balikat lang ito saka siya tinalikuran.