Karen "Mano po, Lola." "Kaawaan ka ng diyos Apo," sagot nito at sumilip pa sa labas bago muli ako nito tinanong. "Nasaan 'yong lalaking kasama mo na may magarang kotse Apo? Bakit hindi mo man lang ipinakilala sa akin?" may bahid tampo nitong tanong sa akin. Kung ganoon nakita niya pala kami. Pero nagtataka ako kung bakit tila hindi siya nagalit sa akin. "Lola, nakita n'yo pala po kami?" napapakamot ulo kong tanong. "Oo, kahit nakasilip lang ang ulo ng binatang naghatid sa 'yo ay alam kong lalaki. Sino ba siya Apo? Kasintahan mo na ba?" Lalo akong nagtaka tanong pang iyon ni Lola. Mukha kasing interesado siyang malaman. "Akala ko po ayaw Ninyo …" natigil ako sa pagsasalita ng hinila ako nito paupo sa mesa kung saan nakahanda na ang hapunan namin. "Apo, wala akong sinabi na ayaw k